Part 2

91 5 0
                                    

Grrr! Nakaka-inis talaga si ate palagi na lamang niya akong ibina-blind date kung kani-kanino, as if naman na gusto ko ang ginagawa niya. For Pete's sake I am already 21 years old, I do really have my own taste when it comes to choosing the right girl whom I like.

Sa ika-isandaang pagrereto sa akin ni ate kung kani-kanino, parang bigla tuloy akong nagka-trauma sa mga babae. 'Yong pakiramdam na para ka nilang kakainin nang buhay? Ganoon ba talaga kapag gwapo? Sana naman magsawa na si ate, kasi naman...ako pa talaga ang naisipan niyang hanapan? Bakit hindi niya kaya i-try na unahin 'yong sarili n'ya? Masyado siyang masaya at nawiwili sa pagpapatakbo sa buhay ko. Grrr! lang talaga. Ang hirap namang magreklamo dahil ayokong ipatapon sa kawalan at pulutin sa kung saan.

"Karl," tawag sa akin ni ate, as usual galit na naman ang tono.

So bago pa ako mabugahan ng apoy ng dragon ay huminto ako sa paglalakad papasok ng kwarto at hinintay na makalapit siya sa gawi ko.

"Why you haven't greeted me?" pagsisimula niya.

Isn't it obvious, wala ako sa mood, at lalong wala akong panahong makipagdiskusyon.

"I'm just tired, sis," walang ka-energy-energy kong tugon.

"How's the date?"

May bago pa ba sa line niya? Well obviously, laging iyan ang tanong niya sa akin.

"As always, wala namang bago roon."

Mind you, I am really sick of my sister's stuff.

"Karl,"

"I'm tired ate, I really need to rest, maaga pa ang pasok ko bukas," putol ko sa sasabihin niya. Well obviously, alam ko na naman kasi kung saan hahantong ang usapang ito kaya pinutol ko na.

"Okay, goodnight bro." And she gave me a goodnight kiss on my forehead.

"Goodnight " And in return, I kiss her on her cheeks. Oo, para kaming aso't pusa ni ate, minsan kasi nakakainis naman talaga ang pagiging mala-Hitler niya, pero kung may isang kinatutuwa ako kay ate, 'yon ang pagiging swet niya at ang kinaiinis ko naman ay ang pagiging controller niya. Ganoon ba talaga ang mga babae?

As I enter my room, nagulat ako nang mabungaran ko 'yong matagal ko nang inaawitan kay ate na electric guitar. So I huriedly went to my bed and grab my new guitar. Hindi talaga ako makapaniwala...oo na, mabait naman talaga si ate at sunod ako sa luho kaya nga minsan hindi ko magawang tumanggi sa lahat ng request niya.

Before ako matulog sinubukan ko muna ang aking bagong gitara.

"Summer has come and passed
The innocent can never last
Wake me up
When September ends."

What can I say, ang astig talaga, tamang-tama 'yong timpla.

I am about to sleep when I suddenly remember na hindi pa pala ako nagpapasalamat kay ate kaya naman muli akong lumabas ng kuwarto upang personal na pasalamatan siya. Mind you, ikatlong beses ko pa lang ata itong magagawa sa kaniya kasi pangkaraniwan through text ko lamang pinapadaan ang pasasalamat ko.

"Oh, akala ko tulog ka na?" wika niya nang mapagbukasan niya ako ng pintuan.

"I just wanted to say thank you." Nakangiti kong wika sa kaniya.

"That's your reward for being a good brother, and for always doing me a favor," wika niya habang ginugulo-gulo pa 'yong buhok ko.

Being good wasn't a good idea, is that just she's too precious to me that's why I always obey her. May mga pagkakataon nga lang na kapag sobrang nakakapagod na, hindi ko mapigilang hindi magreklamo, 'yon nga lang sa huli natatagpuan ko pa rin ang sarili ko na sumusunod sa kaniya.

"Maliit na bagay kung para sa nagawa mo sa akin." Na totoo naman.

Isang tipid na ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

After a while ay nagpa-alam na rin ako sa kaniya, mahirap nang ma-late, cause I do have lots of things to finish.


Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon