Part 6

67 3 0
                                    

Kahit labag sa loob ko, maaga akong umuwi, takot ko lang kay ate Venice.

Pagdating ko ng bahay, agad akong dumiretso sa kuwarto ko para gumayak. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa naisip kong plano.

Ilang sandali pa matapos kong magbihis ay kumatok na ako sa kuwarto ni ate. Laking gulat ko nang magbukas siya ng pintuan, as in gayak na gayak siya na tila mo ba makikipag-date. So, siya ang may date at hindi ako? Kasi kung ako talaga, 'di naman 'yan magbibihis nang ganyan.

"Bakit ganyan ka makatingin? At bakit ganyan ang ayos mo?" takang tanong niya.

Alam ko na naiinis siya. Sino ba naman ang 'di mapapailing kung makikita mo ang itsura ko. Ang bright talaga ng plan ko. So turn down na ako malamang nito kapag nakita ako ng date ko ngayon.

I'm wearing a long sleeve na polo at naka-tack in pa. Maong na pants at black shoes. Naka-eye glasses din ako at syempre 'yong hair style ko, mala Rizal lang--combo ni Rizal at Harry Potter lang ang drama ko. Sobrang baduy nga na kahit ako nababaduyan sa sarili ko. Bigla ko tuloy naalala 'yong babae kanina sa SC Office. Salamat talaga sa kaniya for giving me this kind of idea.

"H'wag ka nang maraming tanong Venice Elaine Sandoval." At naglakad na ako palabas ng bahay, mahirap na baka mapurnada pa ang plano. Nakita ko namang sumunod na sa akin si ate.

"Hoy Karl Antony Sandoval, bumalik ka nga rito at ayusin mo nga yang sarili mo. Mapapahiya ako sa iyo nito." Inis na si ate.

Ako naman ang may date, a. Don't tell me, tama ang hinala kong siya ang may date.

"Wala na kong oras magpalit ng damit ate." At sumakay na ako ng kotse. Wala nang nagawa si ate kung 'di ang sumakay na rin.

"Saan ba tayo pupunta?" mayamaya'y tanong ko kay ate.

"As if you cared. Kita mo nga 'yang suot mo at 'yang itsura mo Karl," inis pa rin niyang wika.

Bakit ba masyadong big deal kay ate ang get up ko?

"'Di ba, ako ang may date? So hayaan mong ma-turn off sa akin kung sinoman 'yang irereto mo," komento ko pa.

"And who gave you the idea na may irereto ako sa iyo this time? Karl, ipapakilala lang naman kita sa taong gusto kong makasama for the rest of my life." Iretable pa rin niyang wika.

So sabi na nga ba, tama ako ng sapantaha.

"Sorry na sis, akala ko kasi irereto mo na naman ako." Then, inayos ko na ang sarili ko--medyo lang pala--I started to brush my hair and style it. Pero 'di ko na inalis 'yong eye glasses na suot ko. Then tinupi ko na rin ang suot kong polo.

Then when I look at the rear view mirror, I saw her smile. That means, okay na ang itsura ko. Tingin ko nga, mas naging cool pa ang dating ko.

"We're here." Narinig kong wika ni ate nang huminto kami sa isang restaurant.

Ayos din ang date ni ate, 'di man lang siya sinundo sa bahay.

"Alam mo ate, negative agad sa akin 'yang boyfriend mo." 'Di ko mapigilang magkomento nang pababa na kami ng sasakyan.

"Alam mo mas negative ka. Naku kung magka-age lang kayo no'n sigurado akong mas gwapo siya sa iyo."

Whooh! Ang exaggerated talaga ng kapatid ko, mas gwapo raw sa akin? Maniwala?

"Ate, alam mo joker ka rin, 'no?" At naglakad na ako papasok ng restaurant nang 'di man lamang tiningnan kung sumunod sa akin si ate.

Makapag-CR nga muna, mamaya ko na lang hahanapin 'yong table na naka-reserve para sa amin. Isa pa, 'di ko rin naman kilala kung sino ang ime-meet namin.

Pero bago ko pa man marating ang pupuntahan ko, naagaw na ng dalawang magka-date ang atensyon ko, partikular na 'yong babaeng kasama noong lalaki.

Ewan, pero parang nahihipnotismo ako ng tawa niya. Simple lang siya, pero sa kabila ng pagiging simple niya, I admit, she's really beautiful.

Parang bigla akong nakaramdam na gusto kong ako ang maging dahilan ng pagtawa niya.

He's too old for her; 'di sila bagay. Though I admit, that man is really good looking. Bigla akong na-insecure sa unang pagkakataon kasi kahit saan atang anggulo tingnan ang isa na 'yon, mas lamang talaga siya sa akin. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi sila bagay.

'Di ko napansin masyado na pala nilang nakuha ang atensyon ko. Pero bago pa nila mahuli na nakatingin ako sa kanila ay naglakad na ako papuntang CR

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon