Part 3

84 5 0
                                    

I do really love myself. Grabe ang body clock ko, kusa itong nag-adjust sa time na s-in-et ko sa isip ko kung anong oras akong dapat magising. Take note, 1 hour of sleep, daig ko pa ang sabog nito na high sa drugs.

After kong maligo at ayusin ang mga gamit ko ay agad akong dumiretso sa komidor. Agad akong nagsalin ng hot choco sa tasa at kumuha ng sandwich na naka-serve sa dinning table. Matapos kong maubos 'yong sandwich at hot Choco, nilagay ko na sa sink 'yong mug na ginamit ko at hinugasan ito. Paalis na sana ako ng bahay nang may makita akong note sa fridge.

Sisi,

Eat your breakfast before you leave. Agahan mong uwi mamaya,

Bibo Ken :)

Hay, si kuya talaga. Tinanggal ko 'yong note sa fridge to write my reply on the space below the paper.

Bibo,

Do not always come home late. Bush bibo.

Sisi

Bibo, short for brother and Sisi for Sister. 'Di ba, ang sweet namin ni kuya? 'Di lang sweet, sobrang love din namin ang isa't isa, pagkat kami na lamang dalawa sa buhay.

Dido and Mimo (our parents) died when I was 12, in a car accident. From that moment, si bibo na ang naging guardian ko na noon ay 21 years old na. Kasamang kasing namatay nila mimo sina kuya Sean at ate Shane--our twin siblings--na mas matanda sa akin ng 5 years.

Nang mawala sila sa buhay namin pakiramdam ko, gumuhong ang mundo ko. I blame God for that tragedy. Bakit kailangang mangyari 'yon? Tapos muntikan pang dumating sa punto na kailangan naming maghiwalay ni Bibo Ken. Pero 'di siya pumayag na kunin ako ng mga relatives namin. Katwiran ni kuya, dalawa na nga lang kami, maghihiwalay pa ba kami. Sabi pa niya, kaya na naman daw niya kong suportahan, may naiwan naman sina Mimo at Dido sa amin. Isa pa, that time nagtratrabaho na rin siya sa isang construction firm as engineer. 'Yon lang, kailangan niyang magdoble kayod to the point na nakalimutan na niya ang sarili niya dahil sa akin.

Konti na lang naman. Konting tiis pa.

Bago ako tuluyang umalis ng bahay, pumanhik muna ako sa kwarto ni Bibo Ken. I tried to wake him up, baka kasi ma-late siya sa office.

"Bibo, wake up," wika ko habang marahan siyang niyuyuyog.

Di naman ako nabigo, pagkat nakita kong unti-unting dumidilat ang mga mata niya..

Ilang sandali pa ay umayos siya ng upo sa kama at hinarap ako habang ginugulo-gulo pa niya ang buhok ko.

"You better go to school now Sisi, male-late ka niyan sa klase mo," nakangiti niyang wika.

"You better go to CR first before ako umeskapu Bibo. Baka ma-late ka."

"Babae, 10 am pa pasok ko, ikaw 7. Quarter na kaya."

The next thing I knew, daig ko pa si Flash sa bilis kong tumakbo palabas ng bahay hanggang makarating ng Sakayan ng dyip. I can't imagine...buti na lang pagdating ko ng terminal, sakto may dyip na at paalis na ito. Ang totoo, 'di pa naman puno, pero ewan ko ba parang nakikiayon ang tadhana. Well 10 minutes ang byahe ko papunta ng school, tapos ay five minutes walk hanggang room namin--oo alam ko weird kasi kalkolado ko ang oras ganiyan kasi ako mag-manage ng time.

Haist! Si bibo Ken talaga, nadali ako doon. May 20 minutes pa pala bago 'yong first class ko, akala ko talaga ay male-late na ako. Ang husay, napatakbo ako nang wala sa oras. Well, na-discover ko na puwede pala akong sumali sa track and field baka mag-first pa ako kung sakali.  'Di ko mapigilang 'di mapangiti dahil sa bahay na 'yon.

Bago tuluyang umalis ang dyip na sinasakyan ko, para bang may magnet na pilit nag-a-attract sa mata ko, then I turn my head at the right side.

What is your initial reaction when you see a very hansdsome face next to you? Ako, literal na nganga for a second or two.

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon