HJ 28

334 12 22
                                    

HJ 28- Truth

Its been days since I last saw Joe. I miss him. Ang busy nila sa training. Minsan nakakausap ko na lang siya tuwing gabi bago kami parehas matulog or minsan sa text na lang.

Ilang araw na rin ako hindi mapakali. Palaisipan pa rin sa akin ang text ni Calvin. Bakit siya nag-sorry? Gustuhin ko man siyang kausapin ay hindi ko rin magawa dahil busy din ito sa training at pakiramdam ko'y iniiwasan din niya ako.

Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit lang sa university. Sinabi ko rin sa mga kaibigan ko yung nangyari sa amin ni Kap. Kahit sila ay nagtaka sa text ni Calvin..

"Ano kayang nangyari?" sabi ni Ven

"I don't know, sa amin dalawa ay ako nga dapat ang mag-sorry dahil alam kong nasaktan ko siya." sagot ko

"I'll ask Kenji. Ang alam ko ay magkakasama sila ng buong team na lumabas after the game. Ginabi nga si Kenji at medyo nakainom din." kwento naman ni Kristy

"Baka lasing lang si Kap tapos broken hearted. Wala naman sigurong mangyayaring masama." sabi naman ni Meg

"Sana nga." tipid kong sagot

Nang matapos kaming uminom ng aming mga drinks ay nagyaya na ang mga ito na bumalik sa university. I excused myself first at nag-rest room muna ako. Natapos na rin ako kaagad at dapat lalabas na sana ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Penelope.

"Hi Jules..." bati nito

"Hi Penelope, mauna na ako sa labas." sagot ko

"Oh, not so fast dear. Sinundan talaga kita dito kasi I want to talk about something." mataray na sabi nito

"Tungkol saan ba?" tanong ko rin

"I heard na kayo na raw ni Joe. Is it true? Wala naman kasing confirmation si Joe." sarcastic na sabi ni Penny

"Yes, kami na. Sinagot ko na siya." I confidently said.

"Sinagot? Nanligaw ba sayo si Joe? Hindi niya rin kasi nabanggit, you know naman we're really, really close." pinagdiinan niya pa yung word na "close"

"Bakit, dapat ba lahat ng nangyayari sa buhay ni Joe kailangan niyang ikwento sayo?" sagot ko

Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Penny sa akin. Alam kong napipikon na ito pero pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili at huwag magpaapekto sa mga sinasabi niya.

"I can't believe that Joe dated someone like you." maarteng sabi nito

"I can't believe that Joe never dated you kahit ikaw na ang nagbibigay ng motibo." I answered, and I know she's mad at me because I hit a sensitive spot in her.

"How dare you? Yes, we never dated, but we have done so many things together. Things you can never imagine Joe can do to you." she smirked

Kumirot ang puso ko. No, hindi dapat ako magpaapekto. I trust Joe.

"Ano bang gusto mong iparating?" tanong ko

"Alam kong hindi kayo magtatagal ni Joe. I know him, so don't keep your hope's too high. Aside from that, what if Joe finds out your deepest secret, I'm sure he'll get mad at you, right Jules or should I call you JM?"

Lahat ng tapang ko ay naglaho. Paano niya nalaman? Gulat na gulat ako sa sinabi ni Penelope. Hindi ako nakagalaw at nakapagsalita, napuno ako ng kaba at takot.

"Paano mo-" hindi ko na natapos ang sasabihin

"Gulat ka? All thanks to Calvin, siya ang nagsabi sa akin. Di ba friends kayo?" natatawang sabi ni Penny

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon