HJ 15

576 24 6
                                    

HJ 15- Fall

Started the week with a good mood. Tama 'yan Jules, good vibes lang kahit hell week sa university kasi midterms na.

Maaga akong pumasok dahil may group study kami. Hapon pa ang exams ko kaya napagdesisyunan namin nina Ven, Kristy at Meg na mag-review muna sa library. For sure madugo na naman kasi ang exams. Our professors will never give us an easy one.

Nagbabasa ako ng mga notes ko nang biglang nag-vibrate ang phone ko. It is a text from Joe!

Text Message

From: Sir Joe

Morning Jules! 🌞
Slay your exams 💯
Good luck 😉

Napailing na lang ako. Mula kasi noong sabado ay text na ito ng text.

"Ang taray may pa-"slay your exams, good luck" si 16 sa beshie natin." sabi ni Meg, sinamaan ko ito ng tingin

"Ang chismosa mo talaga." sagot ko

"Hoy ate gurl review muna bago landi." pang-aasar ni Kristy

"Iba naman yata ang nirereview mo Jules." sabi naman sa akin ni Ven

"Binasa ko lang yung text niya. Magrereview na ulit ako." sabi ko pero tinawanan lang nila ako

Nagbasa na lang ulit ako. Natahimik na rin ang mga kaibigan ko at balik review na ulit. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay nag-vibrate na naman ang phone ko. Nag-text ulit si Joe.

From: Sir Joe
Okay lang mag-review but
don't skip lunch.
I'm just reminding you lol 😁

Napangiti ako sa text niya. Napatingin naman ako sa relo ko at malapit na nga mag-twelve.

"Ngingiti-ngiti ka dyan, hindi ka naman nagrereply."

"Ven, sinabi ko naman sa kanya na focus muna ako sa exams."

"So tinitiis mong hindi siya sagutin? Hindi kita ma-gets." sagot ni Ven.

"Friend, pinaglalapit na kayo, kaso pinipigilan mo naman ang sarili mo." sabi naman ni Meg

"Ano ba kayo, wala namang something sa amin ni Sir Joe. Friends lang kami." paglilinaw ko sa kanila

"Hey we are here to study girls. After na ng exam natin pagusapan 'yan. For now, sundin natin ang sinabi ni 16 at kumain na tayo ng lunch." awat sa amin ni Kristy

Tumango ako at inayos na ang gamit ko
Tinago ko na muna ang phone ko at sumunod na lang sa kanila.

"16" ang tawag ng mga kaibigan ko kay Joe. Ito ang binigay nilang code name para daw kapag nababanggit nila hindi masyadong obvious na si Joe ang pinaguusapan. Mahirap na daw kasi dahil sikat ito.

Sa cafeteria na lang kami kumain dahil hassle kung lalabas pa kami, baka ma-late pa kami sa exam.

Habang nakain ako ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit laging nagtitext sa akin si Joe. Kahit na hindi ako masyado nagrereply sa kanya ay tuloy pa rin ito. Minsan pa nga ay pinapaloadan pa niya ako at kinukulit na mag-reply.

"Earth to Jules. Ano na naman yang iniisip mo?" tawag ni Kristy sa akin

"Huhulaan ko, iniisip niya kung bakit hindi na nagchat si Joe kay JM pero panay ang text kay Jules." pang-aasar ni Ven pero inirapan ko lang siya

"Kasi nga mayroong mga babaeng pang-messenger lang at mayroong pang-textmate." napatingin naman ako sa nagsalitang si Meg

"Ano namang pinagkaiba nila?" tanong ko

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon