HJ 29

302 14 8
                                    

HJ 29- Paskuhan

When Joe finally knew the truth, I know it will be over for us, pero kahit ganoon ang nangyari, hindi ko pa rin mapigilang umasa na sana mapatawad niya ako. That what happened between us was just a misunderstanding na normal na nararanasan ng magkasintahan. Kaso hindi ganoon ang nangyari.

I remember when I got home after the game, I just cried in my room. Hindi alam ng mga kaibigan ko kahit si Eli kung paano ako patatahanin. Kahit sina Mama at Papa ay nagaalala sa akin. Nang ako na lang mag-isa ang tao sa kwarto ay saka ko lang kinuha ang phone ko. I tried calling Joe but he didn't pick up any of my calls. Kahit text, hindi man lang siya makapagreply. I know he is mad but he promised. He promised that he will listen to me.

Days passed by so quickly, wala pa rin paramdam si Joe. Nakikibalita na lang ako sa kanya sa mga post niya sa social media accounts niya at ng mga kapatid niya pati sa mga interviews na napapanood ko sa TV dahil sa pagkapanalo nila.

When saturday came I decided to go to their house. I just really want to see him at kung papalarin, makausap siya. I want to explain everything to him. I want to show him that my feelings are true and sincere. Kaso ng makarating ako sa bahay nila ay umalis raw si Joe.

Bakit ganoon? Parang ang dali lang para kay Joe na iwan ako lagi, kaya niyang hindi ako pansinin at kausapin. Samantalang ako hindi mapakali ng hindi siya nakikita o nakakausap. Ang unfair lang, nakakapagod na rin. Alam kong may kasalanan ako pero dapat ba na lagi na lang niya itong gawin sa akin?

"Jules umayos ka nga, finals na next week." Naiinis na sabi sa akin ni Eli, tumango na lang ako at hindi na sumagot pa.

I stopped chasing Joe for the mean time. Dahil ayaw naman magpakita at makipagusap nito, binaling ko na lang muna ang atensyon sa pag-aaral. I tried my best to focus on my studies dahil finals na, I still need to take care of my grades para sa scholarship ko. Ang rami rin naming course requirements kaya thankful ako dahil may mga kaibigan ako na tumutulong sa akin.

We survived the hell week. Finals is finally over at sana okay ang grades ko this semester. We can now enjoy our christmas break. Isang activity ng school na lang ang kailangan naming puntahan, and that is this year's Paskuhan. My friends are all excited samantalang ako ay walang maramdaman. Napangiti ako ng mapait ng maalala na plano namin ni Joe na magkasamang umattend ng paskuhan pero parang malabo na.

Dahil tapos na naman ang exam at naipasa ko na ang mga dapat kong ipasa ay hindi na ako pumunta sa university. I just stayed home.

"Wala ka bang lakad ngayon anak?" tanong sa akin ni Mama ng sumabay akong mag-almusal sa kanila

"Wala po Ma, dito na lang po muna ako sa bahay." sagot ko

"Buti pa itong si Jules napirmi sa bahay samantalang si Eli, layas ng layas." natatawang sabi ni Tita

"Okay ka lang ba?" dama ko ang pag-aalala ni Mama pero tipid ko lang siyang ningitian bago tumango

"Hindi na yata napunta dito si Joe." Sabi naman ni Papa. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot

"Hindi ko po alam Pa, baka busy po hindi pa po ulit kami nagkakausap." sagot ko at tumango lang ito

Buti na lang ay hindi na nila ako tinanong ng tungkol kay Joe dahil wala rin naman akong isasagot. Nang matapos mag-almusal ay ako na ang nagliglit ng aming pinagkainan dahil may lakad pa sila. Ako ang maiiwan dito sa bahay kasama si Lola.

Naghanda ako ng pagkain ni Lola at dinala ito sa kwarto. Tulog pa kasi ito kanina pero ngayon ay nadatnan ko na itong nakaupo sa kanyang kama at may binabasa.

"Good morning La, kain ka na muna." bati ko at ningitian naman niya ako

Sinusubuan ko si Lola para makakain siya. Ngayon ko na lang ulit ito nagawa dahil masyado akong naging busy, kahit weekends ay hindi ko man lang ito magawa. Napangiti ako ng makita na nakatitig ito sa akin na para akong kinikilala.

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon