HJ 20

407 18 7
                                    

HJ 20- Trust

"Ang blooming naman po." nang-aasar na sabi sa akin ni Ven pero tinawanan ko lang siya

     Kakarating ko lang dito sa MOA Arena para manood ng game. I am wearing his maroon jersey as promised pero pinatungan ko ito ng black UST jacket ko, para naman hindi masyadong halata na bias ako.

     I'm so excited to see him again, kahit na lagi naman kami magkausap sa phone. Ang last kasi naming pagkikita ay noong pinuntahan niya ako sa Wendy's at nagmall kami kung saan...basta!

Hindi talaga maka-move on sa kiss Jules?

      Kasi naman, Joe is my first kiss and I'm glad he is. Sobrang hindi ko lang inakala na mangyayari iyon that time. And I confessed! Ako na ang naunang umamin. Naalala ko sobrang hiyang-hiya ako noong hinahatid niya ako pauwi kaya ang tahimik ko but he just smiled at me and hold my hand while he is driving.

      He is a man of few words, but Joe always show what he is feeling through his actions. And that's enough for me. He is enough for me.

      Sa side ng UST kami nakapwesto at medyo malapit sa bench ng tigers, pero ang paningin ko ay nasa kabilang side ng court. I can see Joe talking to. his teammates. Sa hindi malamang dahilan at sa kabila ng distansya ay nagtagpo ang mga mata namin. Tumayo ako para kumaway sa kanya at ganoon din siya.

     I smiled at him pero kinindatan niya ako. Hindi ko napigilang matawa. Ang cute kasi, kainis! Nakita ko na tinawag na sila ng coach nila kaya pumunta muna siya doon.

     Bumaling naman ako sa mga kaibigan ko at nakangisi silang nakatingin sa akin.

"Ang lakas talaga ng feeling ko na may nangyaring something noong iniwan natin silang magkasama." sabi ni Ven

"True, ang blooming tapos laging happy." sagot namani Kristy

"Omg. Don't tell me, sinuko mo na?" sabi naman ni Meg kaya nabatukan tuloy namin siya

"Gaga ka Meg! sinuko agad? Hindi pwede nagkiss lang muna?" Sagot ko. Late ko na narealize ang sinabi ko.

     Gulat na gulat sila pero ang nakakatawang part ay noong tumili sila dahil sa kilig. Kaso, hindi pa start ang game kaya pinagtinginan kami ng mga tao.

"Tumahimik nga kayo!" saway ko sa kanila pero pinaghahampas lang ako

"Dalaga ka na bhie, I'm so proud of you." kunwaring naiiyak na sabi ni Ven

     Tawa lang kami ng tawa. Katulad ko ay hindi rin sila makapaniwala. Sa aming lahat kasi ay ako lang ang walang karanasan sa mga ganitong bagay.

"So kayo na?" tanong ni Kristy

     Kami na nga ba? Sasagutin ko na sana siya nang may tumawag sa akin. Napatingin kami sa bench ng Tigers at nakita na si Calvin pala ang tumawag sa akin. Pero bakit?

     Tinawid niya ang bench. Nagulat ako ng pumunta siya sa pwesto namin at lumapit sa akin. Bigla akong kinabahan. Narinig ko pa na tinawag siya ng coach nila kasi bigla siyang umalis.

"Jules..." nakangiting tawag niya sa akin ng nasa harapan ko na siya

"Kap, bakit ka pumunta dito? Magsisimula na yung game." nagtataka kong tanong

      Kita ko na nawala ang ngiti ni Calvin habang nakatingin sa suot ko. Bukas kasi ang jacket na suot ko at kita ang maroon na jersey ng UP.

"Maroon huh?" Teka, galit ba siya?

"Anyways, I want you to go out with me." sabi nito na ikinagulat ko at ng iba pang tao na pinapanood kami

"Ano?" naguguluhan kong sagot

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon