HJ 22

437 22 7
                                    

HJ 22- Distance

That night, noong iniwan ako ni Joe, Calvin asked me if I want to go home pero tumanggi ako. I stayed at the Episode Bar and watched Ben&Ben. Alam ni Kap na nagbago na ang mood ko dahil tahimik lang ako during the live band kahit paborito ko ang mga kantang tinutugtog nila. After that ay hinatid na ako pauwi ni Calvin.

I didn't receive any call or text from Joe that night. Hindi ko rin siya nakita noong nagtutor ako kay Mara at Jaime noong sabado. I tried to text him and asked kung pwede kami mag-usap pero hindi siya nag-reply. Hanggang sa hindi ko na namalayan na matagal na pala kaming hindi nag-uusap.

"Ayan ang mahirap sa no label relationship eh." naiinis na sabi ni Eli

"Ilang araw na kaming hindi nag-uusap." malungkot kong sabi

"He must get his shit together first bago ka niya kausapin. Like kung ano bang plano niya sa relationship niyo? Selos na selos siya na sumama ka sa iba eh hindi naman kayo." nanggigigil nitong sabi

"Tapos you texted him kung pwede kayo mag-usap tapos hindi ka sinagot? Ang gago lang." sabi pa nito

"Kasalan ko naman eh. I went out with Calvin pero sana hinayaan niya ako magpaliwanag. Pero naguiguilty pa rin ako. Is that considered cheating?" naguguluhan kong tanong

Rinig ko ang buntong hininga ni Eli. Siguro stressed na ito kasi isang linggo na akong malungkot at siya lagi ang pinagsasabihan ko.

"Jules maybe may pagkakaunawaan kayo ni Joe pero hindi kayo. Okay? I can't see anything wrong noong lumabas kayo ni Kap. Pati wala naman kayong ibang ginawa ni Calvin, kumain lang naman kayo at kinantahan ka lang naman niya." sabi nito

"Hindi ko na alam." napapagod kong sabi

"You are both confused. Hayaan mo na muna. Maybe the distance will help you both." gumaan ang loob ko sa sinabi ni Eli

The first week was hard pero mabilis lumipas ang panahon. Its been what? 2 weeks I guess? I am getting used to the distance now. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong naririnig kay Joe. Ganito ba yung ghosting? Na-ghost ba ako? I am starting to think na baka hindi naman niya talaga ako gusto or hindi ganoon kalalim yung nararamdaman niya para sa akin since natitiis niya na hindi ako kausapin.

Maybe he is busy with the UAAP game since semi-finals na. Ako naman ay busy sa school works. I also appreciate the company of Eli, Ven, Kristy, Meg, Migs and even Calvin.

Calvin and I turn out to be friends. He is really concerned after what happened between Joe and I. Sinabi ko na rin na friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya and its fine with him. Kaso hindi pa rin siya tumitigil sa mga banat niya kapag magkausap kami.

Isa pa na nakakapagpatawa sa akin ngayon ay si Migs. We introduced him to Kap at okay naman sila noong una kaso noong narinig ni Migs yung mga banat ni Kap sa akin kapag magkakasama kami ay kunwari na nagagalit siya dito at nilalabanan ang mga banat nito. Para silang mga bata na nagaagawan lagi. Minsan nakakaubos ng pasensya pero natatawa na lang kami.

Kamusta na kaya si Joe? Kahit naman medyo nasasanay na ako na hindi siya kausap ay palagi ko pa rin naman siyang iniisip. I tried to reach out many times pero walang nangyari. Hindi rin siya active sa mga social media accounts niya so wala talaga akong balita sa kanya. Sana lang okay siya.

"Congratulations Kap! Kasama ang UST sa final 4." bati ko kay Calvin ng tumawag siya

"Salamat babe. Manonood ka? DLSU kalaban namin."

"Oo naman."

"Good. Hindi naman namin kalaban UP so wala kang iiwasan." mapang-asar na sabi nito

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon