HJ 16

475 21 3
                                    

HJ 16- Awkward

       Today is the last day of our Midterm exams. Sa wakas! Hell week is over. We can chill na kahit papaano.

       Since it is Saturday already, wala na kaming exam. Dumaan lang ako sa UST para magpasa ng ilang projects at course requirements sa mga professors ko.

"Tuloy na natin overnight?" tanong ni Ven

"G na. Tapos sabay-sabay na tayo sa Sunday manood ng game." Sagot ni Meg

"My condo is ready. Bili na lang us ng food for later." Excited na sabi ni Kristy.

Iniisip ko kung sasama ba ako.Gusto ko at nakapagpaalam na naman ako sa mga magulang ko pero ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw ay nawala ako sa mood. Puro pag-aaral lang inatupag ko.

"Bakit ka tahimik diyan Juliana? 'wag mong sabihin hindi ka sasama?" Mataray na sabi ni Ven, sinamaan naman ako ng tingin nina Kristy at Meg.

"Sasama ako pero may tutor ako ngayon. Sunod na lang ako." Tipid kong sagot sa kanila.

"Okay ka lang ba? Ilang araw ka ng parang malungkot?" nag-aalalang tanong ni Meg

"Ayos lang ako ano ba kayo. Napagod lang sa exams at school works natin." pagdadahilan ko

"Kaya nga dapat sumama ka Jules. If you're tired then rest. Don't force yourself too much." Sermon sa akin ni Kristy.

Tumango na lang ako at ngumiti ng tipid sa kanila. Hindi alam ng mga kaibigan ko yung nangyari sa amin ni Joe. Akala nila ay ginabi lang ako sa SA office noon dahil madaming ginagawa kaya late ako nakauwi. Kahit kay Eli hindi ko pa nasasabi dahil ayaw ko makisabay, busy kami lahat ayaw ko ng makidagdag pa.

Nang matapos kami mag-pasa ay nagpaalam na muna ako sa kanila dahil kailangan ko na pumunta sa bahay ng mga GDL para mag-tutor kay Jaime at Mara. Ilang oras din ang byahe pero hindi naman ako nalate. Sinalubong ako ni Tita Anna ng makarating ako.

"Are you okay Jules?" Ayan agad ang tanong niya sa akin.

"Opo medyo napagod lang po dahil kakatapos lang po ng midterms, pero okay lang po talaga ako Tita." sagot ko

"You should rest hija." Tumango na lang ako.

Natigil ang paguusap namin ni Tita Anna ng makita naming bumama sina Tito Bert, kasunod sina Sir Javi, Sir Juan at sa huli, si Joe. Binati nila ako at sumagot naman ako sa kanila pero nang mapatingin ako kay Joe ay napaiwas kaagad ako.

"So Jules, manonood ka ba ng game namin mamaya?" tanong ni Sir Javi na ikinagulat ko

"May game po kayo ngayon?" tanong ko rin

"Aww... nakalimutan mo?" sabi naman ni Sir Juan na parang nagtatampo

Nawala sa isip ko na may game sila ngayon. Naalala ko na sinabi nga pala iyon sa akin ni Joe last week. Kinabahan ako. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin na pala ito sa akin ng seryoso at parang galit. Napalunok naman ako dahil sa takot.

"Uhm...-" sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Joe

"Let's go." Tawag nito sa mga kapatid at nauna ng lumabas. Kita ko ang ngisi ni Sir Javi habang si Sir Juan naman ay kumakaway sa akin bago lumabas.

Nagkatinginan kami ni Tita Anna ng makaalis na ang magkakapatid kasama si Tito Bert. Seryoso ang tingin nito sa akin.

"We'll go to the venue before 3pm. You should come with us Jules."

Tumango ako at ngumiti ng tipid kay Tita Anna bago magpaalam na pupunta na ako sa study room kung nasaan si Mara at Jaime. Nahiya akong tumanggi, lagot tuloy ako sa mga kaibigan ko dahil mas late pa ako makakarating at hindi na ako makakatulong para sa pagaayos ng overnight namin.

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon