HJ 23

449 18 3
                                    

HJ 23- Break

"Did you just kiss him?" galit na tanong nito

Pumunta lang ba siya dito para tanungin ako niyan? Hindi ko maiwasang mainis.

"Nakita mo naman tinatanong mo pa." naiinis kong bulong

Joe was taken a back. Hindi niya siguro akalain na ganoon ang isasagot ko. Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi iyon. But he is really mad. I saw his jaw clenched while looking at me. Hindi siya agad nakasagot kaya natahimik kami pareho. Ang awkward...

"Bakit ka pala nandito? " Ako na ang unang nagtanong dahil naiinip na ako kakahintay sa sasabihin niya.

"Mara asked me to give you this. Nakalimutan niya kasing ibigay sayo kahapon." he said pagkatapos ay may binigay sa aking paper bag

Tinignan ko ito at nakita ang mga libro at magazine na pinahiram ko noon kay Mara para mabasa niya at mapagkunan ng inspiration para sa mga paintings niya. Nawala na sa isip kong kunin.

"Pasabi kay Mara salamat." tipid kong sagot at tumango lang ito

Nakatayo lang si Joe sa harapan ko at parang wala pang plano umalis. Ako naman ay naghihintay na magpaalam siya para makapasok na ako sa loob ng bahay.

"I heard you are leaving for Laguna tomorrow." sabi niya ng medyo malumanay na ngayon kaya napatingin ako sa kanya

"Oo, doon muna kami ngayong undas break. Kayo ba? " tumango lang ito

"Out of the country, sa Spain." tumango lang ako

Natahimik ulit kami parehas. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong ganito na ang hirap mag-usap. Na ang awkward na namin sa isa't isa.

Joe looks sad and defeated. Para itong natalo sa isang laro. Siguro ay hindi rin nito gusto ang nangyayari sa amin. Kaso anong magagawa ko? Hindi naman yata pareho ang nararamdaman namin para sa isa't isa, ayoko ng ipilit pa yung sarili ko. He is not yet ready for a relationship and I respect that, pero bakit nandito na naman siya ngayon?

He went closer to my side, staring. Pero gaya ng dati hindi ko siya magawang tignan pabalik kasi kinakabahan ako kapag ganito siya. Walang nagbago sa naramdaman ko noong una ko siyang makita.

Naramdaman ko na lang na dumampi ang labi niya sa noo ko at hinila ako para yakapin.

"Joe ano bang ginagawa mo?" tanong ko habang sinusubukang lumayo sa kanya

"I... I just miss you Jules." he whispered

"Joe..." napapagod ko ng sabi

Nagawa kong ilayo sa akin si Joe at umalis sa yakap. He is silent but I can see different emotions in his eyes. Bakit ba siya ganito? Baka umasa na naman ako.

"Jules let's talk please..." pagmamakaawa nito napapikit naman ako at pinigilan ang sariling pumayag

"Ano pa bang paguusapan natin? Nasabi ko na sayo lahat kahapon." napapagod na ako makipagusap

"We really need to talk." napabuntong hininga ako

"I am not yet ready to talk to you Joe. At sana respetuhin mo iyon gaya ng ginawa ko sayo noong nga nakaraang linggo na ayaw mo ako kausapin." I honestly said. Napatungo siya sa sinabi ko. He is guilty I know.

"Ngayon, ako naman ang didistansya. Let's give each other a break from all of this and talk once we are ready. Sana okay lang sayo." dagdag ko

"Okay lang. I will wait. I'm sorry Jules." He said and I can feel the sincerity in that.

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon