HJ 21

420 17 4
                                    

HJ 21- Date

Text Messages

To: Joe ❤️

Good morning
Pasok na ako sa school

From: Joe ❤️

Okay

-

Days have passed since I last saw Joe. Okay naman kami, I think? We are still texting, kahit maiiksi lang yung replies. He calls me sometimes pero sandali lang. Hindi ko magawang magtanong kasi ano bang karapatan ko? Wala namang kami. I don't want to assume. I don't want to expect. Kasi alam ko ako rin lang ang masasaktan.

Joe likes Jm more than me. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya. Ako rin naman si Jm di ba? But I am keeping it a secret from Joe kasi mas natatakot na ako umamin ngayon. Ngayon na mas malalim na yung nararamdaman ko para sa kanya at natatakot ako na layuan niya ako.

Isa pa na iniiwasan ko ay si Calvin. Mula kasi nung game lagi na niya akong hinahanap sa mga kaibigan ko, dahil may utang daw akong date sa kanya. Naging instant sikat rin ako sa campus dahil sa ginawa niya noong game na paglapit sa akin. May kumakalat pa na balita na girlfriend ako ni Kap. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ngayon ay pumasok na ako sa university at mukhang normal naman ang lahat. Or akala ko lang pala? Papasok na sana ako sa building namin ng may maaninag ako.

Si Calvin na nasa may lobby. May hawak itong flowers. Pinagtitinginan na ito ng nga dumadaan. Tatalikod na sana ako pero nakita na niya ako.

"Jules babe!" tawag nito

Anong babe? Sinamaan ko siya ng tingin pero ningisian niya lang ako. Pambihira talaga 'tong si Kap, wala talagang pinipiling lugar.

Wala akong choice kundi lumapit sa kanya. Naiilang ako kasi pinagtitinginan talaga kami ng mga tao. Nang makalapit ako ay nakatungo lang ako at hindi makatingin sa kany.

"Hey babe look at me. Kanina pa kita hinihintay." sweet na sabi ni Kap

I looked at him. He smiled at me while walking closer. Rinig ko ang tilian ng ibang mga nanonood. Lalo akong nahiya. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon.

"Sunflowers for you, I heard its your favorite." he said tinanggap ko naman ang boquet

"Thanks pero bakit? Calvin ano ba ito?" tanong ko

"Ilang araw na kitang hinahanap. I just want to remind you about our date. We have a deal remember?"

"Seryoso ba talaga iyon?" tanong ko ulit

"Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako sayo Jules."

"Ano? Pero --"

"Hindi ka naniniwala? Gusto mo isigaw ko dito na gusto kita." he said that so casually

"Ha? Gusto mo ako?" gulat na gulat kong tanong

He laughed at me then he came closer to me and he whisper something na lalo kong ikinagulat.

"I like you so much so let's date." napalayo naman ako sa sinabi niya

"Parang ang bilis mo naman ata Kap. Kakakilala pa lang natin." naiinis kong sagot

"Ang bilis mo pumasok dito eh." sabay turo ni Calvin sa puso niya

"Tumigil ka nga!" hindi ko alam kung matatawa ako o lalong maiinis eh napaka-corny

"We will talk later on our date. I'll fetch you after class. I'll text you okay?"

"Ha? Ah okay. Pero saan mo nakuha number ko?"

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon