HJ 17

466 27 11
                                    

HJ 17- Crush

"16 is here." Kristy said

     What?! Tama ba yung pagkakarinig ko? Pero bakit? Parang tumigil magfunction ang utak ko.

"Hahaha nice prank bHie. Gulat na gulat si Jules oh. " natatawang sagot ni Ven

"What the hell guys! I'm serious. Joe GDL came here and he is outside!"

"Why is he here and how did he know your condo?" tanong naman ni Meg

"I don't know. My gosh! I can't believe this is happening." kinikilig na sabi ni Krisy

"Bruha ka parang hindi mo minumura kanina ah!" sabi ni Ven

"Shut up Venice! If you don't believe me then take a look at my balcony."

     Nakita ko na lang silang tatlo na paunahan buksan ang sliding door para makapunta sa balcony ni Kristy. Siguro pinaprank lang nila ako dahil nagkwento ako sa kanila about kay Joe. Mga baliw talaga!

"Ay shet Jules! Hindi nga prank." rinig kong sigaw ni Ven

     Kinabahan ako at lalong hindi nakagalaw. Seryoso ba talaga? Kinuha ko ang phone ko pero wala namang text or tawag. Pinuntahan na ako ni Meg at hinila papunta sa balcony. Nakita ko na nakatingin sila sa baba kaya napatingin din ako.

     I saw him kahit malayo. Nakatingala rin siya para makita kami. Kilig na kilig ang mga kaibigan ko, na halos itulak na ako sa balcony. Itinuro ako ni Ven habang pinapanood naman si Joe sa baba. Kita ko na tumango ito at kinuha ang phone niya.

     Biglang nag-ring ang phone ko na ikinagulat ko. Puro tilian naman ang narinig ko sa mga kaibigan ko.  Ang sakit na ng tenga ko, pati braso at likod ko dahil sa kakahampas nila.

     Bago ko sagutin ay pinatahimik ko muna sila. Sinagot ko ang tawag na nakatingin pa rin kay Joe na nasa baba.

"Hello?" sagot ko

"Hi..." tipid nitong sagot

"Uhm...Sir Joe, bakit po kayo nandito?" Kita ko ang pag-irap sa akin ng mga kaibigan ko dahil sa sinagot.

"I'll tell you later. Can you ask your friend if I could go there? I brought something to eat." he asked

     Sasabihin ko na sana kay Kristy pero mukhang narinig na niya ang sinabi ni Joe dahil dikit na dikit ang tenga niya sa phone na hawak ko. Sumigaw si Kristy ng okay lang at sumenyas pa na pumasok.

"Okay lang daw, narinig mo naman ata." he chuckled

"Yeah, I'll go there now."

"Sige." Hindi ko alam ang sasabihin ko

     Ibinaba na niya ang tawag at kinuha ang ilang plastic bag na nasa kotse niya. Kita namin na papasok na ito at ng hindi na makita ay umalis na kami sa balcony.

"Potek! Ang pogi sa malayo paano pa kaya sa malapit?" sabi ni Ven

"Hoy Kristy sabi ng parents mo bawal magpapasok ng lalaki sa condo ah." sabi naman ni Meg

"There is always an exception to the rule."

     Lalong tumindi ang kaba ko. Medyo naconscious tuloy ako sa itsura ko. Suot ko pa rin yung UP shirt at inayos na lang ang ponytail ko.  Kita ko ang mapangasar na ngisi ng mga kaibigan ko.

     Sa sixth floor pa ang condo ni Sam. Hinintay namin siya sa may sala. Excited na excited ang mga kaibigan ko. Palibhasa laging nagha-hunting ng mga pogi.

     Nang tumunog ang doorbell ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Itinulak nila ako para ako na ang magbukas ng pinto.

     Binuksan ko na ang pinto at nakita si Joe. Sinalubong niya ako ng tipid na ngiti. Nahihiya. He was still wearing his maroon jersey shorts pero nagpalit na ng isang plain black t-shirt. Kita ko na napatingin din siya sa suot ko na UP shirt at napangisi.

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon