HJ 2

899 27 10
                                    

HJ 2- Mata

AUG 26 AT 10:51 AM

JOE
Hindi pa tayo tapos.

     Sa tagal kong nakikipagchat kay Joe, ngayon lang yata ako naubusan ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. What did he meant by that? Bakit ganoon yung birthday wish niya? Posible bang may naging epekto din ako sa kanya?

     I was really happy when I found out that he replied. Atleast, kahit last minute na ng birthday niya, he was able to read my chat. Ayun nga lang, talagang gumugulo sa isip ko yung reply niya.

     We have the same wish actually. I want to see him also, yung mata sa mata, walang haharang, tapos perfect yung timing and I believe mangyayari iyon. We just have to wait.

      Para akong sira! Malala na talaga ako. Nagfafangirl pa din ba ako o iba na? Masyado ko ng iniisip si Joe. For sure nabubulunan na iyon ngayon o kaya pagod na pagod kasi wala na siyang ginawa kung hindi tumakbo sa isip ko. Joke!

       Biglang nag-ring ang phone ko at tumatawag sakin si Mikai, sinagot ko naman agad ito.

"Mikai bakit?" Napahikab pa ako habang sumasagot.

"Jules! Hoy nasaan ka na ba?! Hinihintay ka na ni Sir, imimeet niyo na daw yung mga tutee mo."

     Napabalikwas ako ng bangon. Nagising ang diwa ko. Oo nga pala! Sabado ngayon. Patay late na ako, lagot ako kay Sir.

"Sige sige, pasabi kay Sir pupunta na ako. Salamat Mikai!"

      May sasabihin pa sana siya pero pinatay ko na ang tawag. Dali-dali akong bumangon at dumiresto sa banyo. Binilisan ko ang kilos kaya 30 minutes lang natapos na din ako.

       Naka maong pants lang ako tapos yung organization shirt namin sa school. Sinuot ko din yung converse kong medyo luma na, matibay pa naman ito kaya hindi pa naman ako iiwan. Sana.

"Ma, Pa, alis na po ako!" Sigaw ko habang pababa ng hagdanan namin na apat na steps lang.

"Tanghali ka na ah." Sabi ni Mama. Si Papa naman walang reaksyon. Ningitian ko na lang sila.

"Eh kasi Tita may kachat kagabi." Inirapan ko si Eli. Bakit ba napakadaldal niya?

     Hindi ko na sila sinagot. Pumunta na ako sa kwarto kung nasaan si Lola. Magpapaalam muna ako.

"Hello Lola! Alis muna ako ha? Babalik din po ako." Magiliw kong sabi

"Sino ka nga?" Tanong niya, naramdaman kong parang may kumurot ng puso ko.

"Si Lola naman, si Jules po ito, ang pinakamaganda niyong apo."

     Napangiti ako ng matawa sa akin si Lola Juliana. Sa kanya kinuha ang pangalan ko. Last year lang ay nadiagnose siya na may Alzheimer's Disease kaya nga napapunta kami dito sa maynila.

      Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako umalis ng bahay. Dali-dali ako pumunta sa paradahan ng jeep pa-uste.

      Mabilis din naman ako nakasakay ng jeep. Habang nasa byahe ay iniisip ko na ang linyang sasabihin ko kay Prof. Aguilar kung bakit ako late. Naalala kong 11 am nga pala ang usapan namin anong oras na ngayon? Alas dose na.

       Nang makarating ako sa university ay dali-dali akong tumakbo papunta sa office ng Student Assitance. Sumalubong sa akin ang inip na inip na Sir Aguilar. Ningitian ko siya ng tipid tapos napakamot na lang ako sa ulo. Nakakahiya ka Jules!

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon