HJ-34

352 9 6
                                    

HJ 34- Dream

Bukas na ang alis namin papuntang Spain. Buti na lang ay nakaayos na ang mga gamit ko dahil biglang nag-aya ang barkada na magkita at sabay-sabay na mag-dinner. Kasama si Miggy kaya after ng trabaho ay sumabay na ako sa kanya at dumiretso na kami dito sa restaurant kung saan nila napiling kumain.

"Be, bakit hindi kayo nagpapansinan ni Kap? May problema ba?" Bulong sa akin ni Ven.

Hindi agad ako nakasagot. After seeing him with someone at the mall, I never tried to call him again. I know Calvin, if he wants to talk ay siya ang kusang lalapit sa akin. Ngayon na lang ulit kami nagkita at napansin na pala ng mga kaibigan namin na hindi kami nagkikibuan.

Nawala ang atensyon sa akin ni Ven ng sabihin ni Miggy na pupunta kaming Spain bukas. Hindi ko na pala naibalita sa kanila dahil sa dami ng ginagawa ko sa trabaho.

"Sana all po. Pasalubong ko ha!" sagot ni Ven kay Miggy

"Wow, first out of the country trip mo 'to Jules 'di ba?" Natutuwang sabi ni Meg at tumango naman ako.

"Oo, pero trabaho pa rin naman ang ipupunta ko doon." Sagot ko pagkatapos ay nagkatinginan kami ni Calvin.

"1 week kami doon, baka mamiss niyo kami." Biro ni Miggy

"For sure si Jules mamimiss namin pero ikaw?Kahit doon ka na tumira okay lang sa amin." Sarcastic na sabi ni Ven.

"Ah ganon? Mukhang mababawasan na ang pasasalubungan ko ah, buti naman at makakatipid." Bawi namin ni Miggy

Napailing naman ako habang pinapanood yung dalawa na mag-away. Ang ingay nila. Natawa na lang ako ng tinakpan nina Kenji at Kristy ang bibig nung dalawa dahil katabi nila ang mga ito.

"Guys, may sasabihin pala kami ni Kenji." Kristy called our attention.

"The wedding will happen 2 months from now." Nagulat kami sa ibinalita nila. Ang lapit na!

"Hala bakit ang bilis?" Tanong ko.

The couple smiled at us pagkatapos ay may kinuha si Kristy sa bag niya. Pinakita niya ito sa amin at lalo kaming nagulat sa nakita. It was a freaking sonogram!

"We're pregnant! 6 weeks na." Kristy said excitedly.

Napatayo kami lahat at niyakap ang dalawa. I can't believe this. Magkakaroon na ng baby ang barkada. Eli will be so happy too kapag nalaman niya.

"Paano ba 'yan mga ninong at ninang, ibibigay na namin sa inyo itong invitation." Then Kenji gave each of us a copy of their invitation.

We are part of the entourage. Meg will be the Maid of Honor at kami naman ni Ven ay kasali sa bridesmaids. Si Calvin naman ang Best Man ni Kenji at isa sa mga groomsmen si Miggy. Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Joe sa invitation, isa rin siya sa mga groomsmen. Mukhang nahalata ni Calvin ang reaksyon ko kaya muli kaming nagkatinginan.

Pagkatapos ng dinner ay nagpasya na kaming umuwi. Nauna na sina Kenji at Kristy. Lumabas na kami sa resto at dumiretso sa parking.

"Jules pauwi na tayo 'di pa rin kayo nagkikibuan ni Calvin." Sabi sa akin ni Ven.

"Napansin ko rin. May nangyari ba?" Sabi naman ni Meg kaya napabuntong hininga ako.

"I don't know. Hindi niya rin ako kinakausap. Pero nakita ko siya nung isang araw na may kasamang babae sa mall." sagot ko

"What? Mag-usap na kayo ngayon. Paalis ka na bukas papuntang Spain 'di ba?" dagdag pa ni Ven kaya tumango na lang ako

"Ako na maghahatid kina Ven at Meg. Calvin ikaw na dito." Sabay turo sa akin ni Miggy at nakita ko naman ang pagtango ni Kap.

Hey Joe! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon