Poetry 1:Pangako

1.2K 28 5
                                    

Pangako

Salitang napakadaling bigkasin
Ngunit napakahirap gawin
Pangakong iyong binitawan
Na nauwi lang sa sakitan

"Mamahalin kita hanggang dulo"
Yan ang pangakong binitawan
Masaya na sana ako
Ngunit kinalimutan mo lang ito

Lumipas ang ilang buwan
Ikaw ay nanlamig sakin ng tuluyan
Sana sinabi mo nung una pa
Na hindi mo pala ito magagawa

Para mapaghandaan ko
Upang sakit ay di gaano
Ngunit pinaasa mo lang ako
Dahil meron ka na palang bago

Bakit kailangan mo pa itong sabihin
Kung di mo rin naman tutuparin
Umasa lang ako sa pangakong iyong binitawan
Na nauwi lang sa ating hiwalayan

Pangako, pangako, pangako
Di na ako muling aasa pa sa iyong pangako
Pangakong iyong binitawan
Ngunit ikaw pala ay lilisan

Sana maghilom na ang sugat sa aking puso
Dahil sa pangakong kinalimutan mo
Pangakong iyong binitawan
Na sana iba pala nakalaan

"Mamahalin kita hanggang dulo"
Kasalungat ang nangyari dito
Di na ako muling aasa pa
Pangakong sakit lamang ang dala

💔Hannah💔

Tagalog Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon