THE EVIL HALF
" HAPPINESS "
Natutulog si Xerxes ng likutin ito ni Lacie , nilalaro ni Lacie ng daliri nya ang pilik mata nito kaya nagmulat ito ng mata at nagkatitigan sila.Pinamulahan naman si Lacie sabay tayo , bakit ba kasi sya natemptate laruin ang mahahabang pilik mata nito?
"May kailangan ka ba?" si Xerxes na bumangon narin at sinundan si Lacie na naupo sa harap ng salamin.
"Wala , hindi lang ako makatulog " si Lacie , nakita nya sa salamin na nasa likuran na nya si Xerxes.Dinampot nito ang ginintuang suklay na dadamputin din sana ni Lacie kaya nagkapatong ang kamay nila.
"Ano ba! " si Lacie, nginitian lang sya ni Xerxes sa salamin at nginitian, sinuklay nito ang buhok nya.
"Masakit pa ba? " si Lacie sa salamin na tinuro ang mata ni Xerxes na nanatiling nakatakip dahil sa ginawa nya dito noong nasa loob pa sila ng Abyss.
"Hindi na " ngiti ni Xerxes,
"Hindi ako nag-aalala sayo ! nagtatanong lang ako, wag kang mag isip ng ibang kahulugan ! "
Ngumiti lang si Xerxes bilang sagot kaya inirapan to ni Lacie sabay halukipkip, magaan ang kamay nito kaya hindi sya nito nasasaktan sa pagsusuklay nito sakanya.
"Alam mo ba na nakita ko ang aking Ina sa panaginip ko , sabi niya magkakasama-sama na kaming lahat at naniniwala ako doon " si Lacie na ngumiti ng ubod tamis , ngumiti nalang si Xerxes dahil isa lang naman iyong panaginip at walang katotohanan.
***
IMPERIAL PALACE
> To my Dear Reader : Rias Serafall @ Scias Rosetta ;)
Dumaong sa Imperial Capital ang barko na kinalalaunan ni Miguel Nightray at ng iba pang bihag mula sa iba't-ibang isla kabilang na si Lian na mula sa Isla Yura.
Sinalubong sila ng isang matangkad na babae na isa sa 7 Generals ng Lord King na pinaniniwalaang silang pinakamalakas na nilalang sa daigdig.Mahaba ang malabong asul na buhok nito at may matatapang itong mata, suot nito ang pares ng mataas na heels na bumagay sa hapit nitong suot at magandang kurba ng katawan.
"General Rias Serafall , ang laman ng barkong ito ang mga napili namin mula sa magkakaibang Isla , may kalayaan kayong paslangin ang sinuman sakanila kung inyong nanaisin " isang lalaki ang tumungo sa harap nito.
Si Miguel ay nagtuluy-tuloy at nilampasan si Serafall at nagiwan ng salitang " Panauhin ako at hindi bihag , Miguel Nightray "
BINABASA MO ANG
RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.
WerewolfRaised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake *u*