* Dedicated sayoo! *u* maraming maraming salamat sa pagbabasa, yiee.. ! wala na tong book 3 pwero parang book 3 din ang mangyyari sa side story ng anak nila ni Lyra, di ko pa siya pwedeng ilabas dahil nandito pa yung mga reasons niya hahah! *u* .. thankiieee ;) ADOPTED BY THE VAMPIRE KING! *u* basahin niyo ha.. ;)
RAISED BY WOLVES 2
" His decision , Her Tears "
Maayos na ang panahon , huminto ang ulan at sumikat na ang araw. Ngunit lahat ng kasama ni Lyra at Crescent ay pinagsakluban ng langit ng lupa ng mabatid ang kamatayan ng bata.
" Sa tingin ko kailangan muna nating umalis dito, mas kailangan nilang dalawa mapagsolo " si Greece, umiiwas din siyang marinig ang pag iyak ni Lyra oras na malaman nito ang kinasapitan ng anak.
"Bakit siya namatay ! bakit hindi siya gumagalaw ! " si Alice, nagbreakdown ito at umiyak na ikinabigla ni Greece kaya niyakap niya ito.
"Bakit hindi siya kumapit ! bakit ! hinihintay natin siyang lahat! " walang tigil sa pag-iyak si Alice.
"Wala na siyang pulso ng isilang, ngunit nakangiti ang bata agad din siyang kinarga ng ama niya at inilabas pagkasilang at mawalan ng malay ang ina niya " si Monique, maging siya naiiyak sa sobrang kalungkutan sa loob pakiramdam niya may kasalanan din siya sa nangyari.
**
"Crescent nasaan siya? " si Lyra , nakangiti siya ng hanapin ang anak nila kay Crescent na nakahawak sa kamay niya at nakaupo sa gilid ng kama at binabantayan siya. Umayos ng upo si Lyra at tinitigan ang kalapit na si Crescent.
"Crescent .. " si Lyra , nagalala siya ng makita na hindi ito mukhang masaya.
"Crescent ! sinong kamukha niya? ikaw ba? "si Lyra na pinasigla ang boses , niyakap siya ni Crescent di niya alam kung bakit pumatak ang luha niya.
"Lyra .. wala na siya, hindi siya nabuhay " ang pinakamabgiat na salitang maaring dumurog sa puso ni Lyra mula kay Crescent.
"Ano? " humiwalay ng pagkakayakap si Lyra kay Crescent, hindi mapatid ang luha niya.
"Lyra .. wala na ang anak natin " si Crescent na hinawakan ang kamay ni Lyra " Patawad Lyra " nagsimula ng mabasag ang boses ni Crescent , natulala naman si Lyra habang panay ang pag alpas ng luha sa mga mata.
"Ang anak natin .. nasaan siya .. Crescent .. sabihin mo nagbibiro kalang "sobrang sakit ang mababanaag sa boses niya.
"Lyra .. magpakatatag ka " si Crescent sa mas mahinang boses,hindi niya napigil ang mga luha dahil sa sakit na dinulot niyon sa pamilya niya, kung ano man ang dahilan ng mga gumawa non sakanya hinding hindi siya papayag na hindi makapaghiganti maging buhay man niya ang kapalit.
Hindi lang basta dinurog ang puso ni Lyra, pinino pa hanggang maglaho. Ang anak niya na hinintay na makita, madamitan, lumaki ng paunti-unti at ang boses nitong maliit na gusto niyang marinig.
BINABASA MO ANG
RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.
WerewolfRaised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake *u*