RAISED BY WOLVES II
" STAR "
SHIN'S POV
Hindi ako kinikibo ni Papa! si Kana kase! Papansin masyado. Kumakain na kami at hindi niya pa din ako kinakausap baka ayawan na niya ko. >< Ayoko nang kumain, pero kapag hindi ko inubos 'to lalo lang siyang magagalit sakin.
Pagkatapos naming kumain si mama at Kana ang naiwanan. Sinusundan ko si papa, hindi niya ko pinapansin. Yakap-yakap ko lang yung stuffed toy na ginawa ni mama. Teddy bear daw pero -- ewan ko basta may mata naman siya at katawan tapos kulay brown, mukha siyang star. ^3^
Pumunta si papa sa terrace. Sumunod naman ako, hindi niya ba 'ko nakikita? hinila ko siya sa damit kaya nilingon niya 'ko.
" Sorry na papa, hindi na naman ako uulit " naiiyak ako , baka itapon niya na ko o kaya ibalik kay dada.
" Wag mo kong itatapon, hindi mo na ba ko gusto? " pinipigil ko maiyak,sabi niya wag daw ako iiyak!
Lumuhod siya sakin.
" Hindi ka na ba susuway? " tinaasan pa niya 'ko ng isang kilay.
" Hindi ko naman alam na iyon na ang hangganan," totoo naman! medyo hindi ko naman talaga alam. ^3^
" Sigurado ka, hindi mo alam? " halatang di siya naniniwala.
"Medyo alam ko .. " niyakap ko siya. " ..hindi na nga po ako uulit, itapon mo na 'ko kapag umulit ako."
^3^
AT LAST nagkabati na kami dahil nginitian na niya ko at ginulo ang buhok ko bago tumayo.
"Ano ba yang hawak mo? kahapon ko pa nakikita yan " Kinuha ni papa 'yung ginawa ni mama na teddy bear " daw? " kumunot 'yung noo niya at inikot-ikot na parang di niya alam kung ano ang paa at kamay.
"Teddy bear papa? " di din ako sigurado. Nakita ko na nag-smile siya nang husto.
" Akala ko starfish, " natawa 'ko sa sinabi niya. Akala ko din kasi starfish.
" Si mama gumawa niyan, papa " nung sinabi ko 'yon nawala 'yung ngiti niya. Natawa na 'ko kasi naman hindi niya gustong nilalait si mama, kahit masunog ang niluluto niya dati kinakain pa din namin. Nasanay na nga ako, pero marunong na si mama ngayon. ^_^
" Lyra - " si Papa na tila nabigla. Lumingon din ako at nandoon na nga si mama at tila maiiyak. Waaa! narinig niya 'yung starfish?!
" Hala ka, papa... malaki naman po yung sala, doon ka muna matulog " ngiti ko sakanya. Binatukan niya 'ko nang mahina bago sinabing " matulog na kayo ni Kana" sinundan niya si mama.Para naman silang bata na naghahabulan.
Tumakbo naman ako papunta sa sala. Nasisiguro ko nandoon si Kana-pot. Hindi sinauli ni papa si teddy the starfish! ><
BINABASA MO ANG
RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.
WerewolfRaised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake *u*