RBW II: Lovers Quarrel

4K 187 65
                                    

                                                     RAISED BY WOLVES II

                                                      " LOVERS QUARREL  " 

GREECE MANSION

" Sa palagay mo tama na hayaan natin si Lyra na magpakasal sa iba? " si Alice kay Greece, nagiinom sila ng alak, marami din nakahain na pagkain na para lang kay Alice.

" Hindi ko alam, iyon ang gusto ni Crescent hindi ba"  si Greece na lumagok ng beer sa can,

" Pakiramdam ko tuloy lahat may hangganan, kahit tayong dalawa magwawakas din ang buhay natin kung hindi tayo makikipaglaban sa lahat ng chain Master " si Alice kay Greece.

" Sumusuko ka na agad? hindi pa nga natin nakikita yung kapatid mo!"

" Nasisiguro ko na maayos siya, hindi naman siya pababayaan ni Xerxes" sa sinabi ni Alice naasar si Greece.

        " Sana sumama ka tapos pag-agawan niyo siya, INCEST " 

        " Wag mo nga kong tinatawag na INCEST " binato ni Alice ng throw pillow si Greece at sinabing " .. kahit mamatay ako, wag ka lang! manhid, baliw, pangit ! hmp ! " tumayo na si Alice at aalis ng hawakan siya ni Greece sa kamay at hinalikan, napapikit nalang si Alice, alam niya na mahal niya to kahit pa napakapasaway nito at babaero.

" I love you Alice " si Greece ng maghiwalay ang labi nila.

" Ma .. ma .. basta! " Kinabig niya nalang si Greece at hinalikan, mas nakakahiya pa sakanyang sabihin na mahal niya to kesa halikan. ;p

 " Sige! Atupagin niyo yang kalandian ninyo! " si Marco na bilang umentra kaya napahiwalay si Alice.

" Marco, balik sa lungga!  " si Greece na nabitin.

IMPERIAL PALACE

        " Anong nangyari sa mata mo?  " si Ceres na marahang hinawakan ang mata ni Xerxes na nakabenda.

" Anong ginagawa mo dito? " si Xerxes na tinanggal ang pagkakahawak nito, nakaupo si Xerxes sa gilid ng kama nang walang pasabing pumasok si Ceres.

" Gusto lang kitang makita, ano ngang nangyari sa mata mo? malay mo matulungan kitang ibalik ang paningin ng mga mata mong yan"  si Ceres 

" Hindi na " tinabig ni Xerxes ang kamay nito, may kakaiba dito, isa pa hindi niya gusto ang pagkakalapit ng mukha nila.

" Xerxes ! " masiglang pumasok ng kuwarto niya si Lacie, nabigla ito sa naabutan ang kanyang Ina na kagagaling lang sa paghalik kay Xerxes? Nawalan siya kulay dahil sa pagkabigla, ang kanyang Ina at si Xerxes?

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon