RAISED BY WOLVES 2
" WHO ARE YOU? "
Walang makakapagsabi kung sino ang mananalo sa labanang nagaganap, pero lahat napatingin sa kalangitan nang lumatag ang dilim . Natigil ang grupo ni Crescent at Neo sa laban dahil sa kakaibang nagaganap.
" Oras na ba? " si Kae na hawak ang braso dahil sa pagkabali niyon.
" Sino ang dalawang tatayo? tatatlo pa lang tayo! " si April na agad umiwas sa sunod-sunod na pagsugod ng kapatid niya, hindi niya 'to magagawang saktan kaya naman hindi niya alam ang gagawin; gulong-gulo siya.
Nilalamon ang liwanag ng dilim na napakabilis sa pagkalat at sa tuluyang pagkasakop ng dilim sa liwanag isang buwan ang lumabas, bilog na bilog na naghahatakan sa kulay kahel at pula. Lahat ng mahihinang tinatamaan ng liwanag ay nawawawala sa sarili, nagpapatayan ang mga ito na parang hindi kontrol ang mga isip.
" Papa hindi kita pababayaan " itinaas ni Shin ang dalawang kamay para bumigkas ng spell kung saan mas tumitindi ang pagwawala ng Abyss, nagkakapulu-pulupot ang mga kadena nito na huhuli sa lahat ng may chains at chains holder.
Mula sa daungan naman ang batang si Crescentine at ang mga naroon sa Dark Island ay nakatitig sa nagaganap na pagdidilim, sa lugar kung nasaan naman ang mga tao takot na naman ang iniwan niyon lalo pa at kakaiba ang pagpula ng buwan.
Tanghaling tapat ang tunay na oras kaya naman nagtatakbuhan ang mga tao sa kakaibang pangyayari. Maraming nag-iisip ito na nga ba ang katapusan ng mundo?
" Crescent .. Light " si Julieth ang ina ng dalawa, kasama nito ang asawa sa pagtungo sa Imperial City pero natigil na ang barko dahil sa kakaibang pangyayaring nagaganap, puno siya ng pag-aalala lalo pa naroon din sa lugar na 'yon ang kambal niya.
"Ang mga anak natin! " si Julieth, pero hindi siya nakadama ng kahit anong pag-aalala kay Wolveus na nakatitig lang sa buwan, nasisiguro niya na lahat ng WereWolves na hindi pa marunong kumontrol ng shape-shifting ay nagpalit anyo na at umaalulong sa bawat panig ng mundo.
" Patawad kung sa ganito magtatapos ang lahat " si Crescent na siyang nasa loob ng Imperial Palace, ang nagaganap ay ang pagsakop ng New Moon Drop sa Abyss sa tulong ng pag-aalay ng buhay na nagaganap sa Imperial City kung saan nagpapatayan na ang mga naroon.
Naglabasan ang screen sa bawat parte ng kuwarto kahit si Neo nabigla sa nagaganap sa labas ng Imperyo. Sa pagbabalik niya ng tingin kay Crescent unti-unti nang nagbabago ang itsura nito at lahat ng naroon sa kuwarto nakatitig sa nangyayari, ang kauna-unahang shape-shifting nito sa pagging isang werewolf.
Nagpupula ang mga mata nito at humahaba ang buhok hanggang sa tuluyan ng mag-iba ang anyo nito sa pagiging isang anyong tao patungo sa pagiging isang Werewolf.
"Crescent?! " si Lyra, ito ang unang beses na nakita niya tong nagpalit anyo at naiiba 'to sa karamihan. Kulay itim samantalang ang mga werewolf sa paligid niya na nasubaybayan niya ay kulay puti, pilak at kulay balat kaya naman nabigla siya.
BINABASA MO ANG
RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.
WerewolfRaised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake *u*