RBW II: Parallel hearts

3.6K 213 69
                                    


RAISED BY WOLVES II


" PARALLEL HEARTS"



" Ano ba! bitwan niyo ko! " Pilit tinatanggal ni Lyra ang kamay ng malaking lalaki na nakahawak sakanya. Nakabaluti 'to na tila ba kayang bungguin ang sampung tao ng walang kahirap-hirap. Halos itulak siya nito sa labas ng isang kurtina, ang kinalalagyan ng trono ng Imperial Lord ay nasa loob ng kurtinang iyon.


Muntik na siyang sumubasob sa lakas ng pagkakatulak nito sakanya.


" Maligayang pagdating Lyra Scarlet Rainsworth .. oh I mean Lyra Scarlet Wolveus " ang boses ng Imperial Lord ang narinig niya, mapaglaro ang tono ng boses nito.


" Sino ka! ano bang kailangan niyo sakin! " nanlisik ang mga mata niya, hindi siya magpapakulong sa lugar na 'yon. Kailangan niyang makita si Crescent at ipaalala dito na siya lang ang minamahal nito. Kapaitan nalang ang nararamdaman niya. Masakit isipin na nagmahal ito ng iba pero kahit katiting na galit wala siyang makapa para kay Crescent, pakiramdam niya sinamantala ito ni Rozen. 


" Easy .. You don't need to screamed like that. " may humawi ng kurtina nito na tila yari sa ginto. Isang maputi at kamay ng babae na kulay dugo ang cuetix. Lumabas ang isang lalaki na may katulad ng kulay ng buhok ni Crescent, nakangiti ito sakanya habang inihahakbang nito ang paa palapit sakanya. 


" Hindi ko alam kung bakit ka galit na galit .. " si Neo, ang Imperial Lord na hinawakan ang mukha ni Lyra. Tinabig ni Lyra ang kamay nito at lumayo ng bahagya. " You're so charming.. kung ikaw siguro ang una kong nakilala, nagustuhan din kita.. " Inihakbang ni Neo ang paa para tawidin ang distansiya nila ni Lyra, kusa namang humakbang paatras si Lyra hanggang sa mabunggo siya sa tila bakal. Nilingon niya kung ano yung nabunggo niya, iyon yung lalaki na bumitbit sakanya.


" Tawagin mo si Crescent .. naririnig ka niya hindi ba? " si Neo na nanunuya ang ngiti. Naalala ni Lyra ang mga panahon na kasama niya si Crescent, sa tuwing kailangan niya 'to dumarating ito na para bang may nag uugnay sakanila, at kahit nasaan siyang lupalop ng mundo makikita siya nito.


" O hindi mo na nagagawang tawagin siya dahil ibang boses na ang pinakikinggan niya.. " hinawakan nito ang baba niya at itinaas. Tumambad kay Neo ang kuwintas ni Lyra na hugis libro, nangisi siya. Hindi kaya nasa kamay na niya ang hinahanap na New Moon Drop.


Napansin ni Lyra kung saan ito nakatingin kaya itutulak niya 'to pero mabilis ang kamay nitong hahawak sa kuwintas niya ngunit agad binawi ni Neo, tila may barrier ang kuwintas nito na hindi nahahawakan. Tinignan niya ang palad at dumudugo iyon, pakiramdam nga niya may maliliit na karayom ang tumusok sakanya kasama ng maliliit na boltahe ng kidlat, maging si Lyra nagtaka. Siya lang ba ang nakakahawak no'n?  


" Ang libro na yan ay hindi mahahawakan ng sino mang marunong magbasa ng mga nakasulat sa loob niyan. " Isang boses ang narinig nila, lumabas si Ceres sa gintong kurtina at siya ang may-ari ng mapupulang cuetix, nabigla si Lyra ng makita ito.


" Ceres? Maica? sino ka?! " nakakatawang isipin kung may iba pang kamukha niya, sobra-sobra na sila sa dami ng kaperehong mukha sa mundo!

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon