RBW II: The son of Evil

3.3K 193 101
                                    

RAISED BY WOLVES 2


" THE SON OF EVIL "




" Shin huwag kang lalayo! " si Tomo sa batang si Shin, mas matangkad pa ito sakanya. Napansin naman ni Frances ang mahigpit na hawak ni Shin sa backpack nito na parang makakawala, kasasampa lang nila sa barko. Si Frances, Kae at April ang kasama ni Tomo sa pagbabantay kay Shin. Si Crescent, Aleissa at Rayhana ang magkakasama. Lahat sila ay may iisang paniniwala, ang Imperial Lord ay dapat ibagsak at masira ang imahe nitong huwad sa mga tao. Marami ng pinsala at pagkawasak ang dinulot nito, lalo na ang takot sa mga puso ng walang laban.


" Kasalanan ni Aleissa kung bakit nanghihina ang Panginoon" si Kae sa mahinang boses kay April. Nakatingin silang lahat kay Shin na ngiting-ngiti habang minamasdan ang mga bundok at falls na nadadaanan nila. Si Tomo at Frances ang malapit dito.


" Makakayanan niya kayang lumaban? hindi ko pa siya nakikitang lumalaban pero namumutla nga kasi siya " si April , nag-aalala sila sa kalagayan ni Crescent. Si Aleissa ang kasama nitong bumalik, sumunod may kasama na ang mga ito na isa pa si Rayhana. Walang relasyon ang dalawa, pero madalas magkasama si Crescent at Aleissa sa iisang kuwarto, ngunit hindi kaila sakanila na ang dugo ni Crescent ang nagpapalakas kay Aleissa. 


" Wag kang mag alala , tignan mo nga kung hindi niya kayang lumaban hindi niya ipapasama ang anak niya sa mapanganib na lugar. Sana din mas nangangamba si Tomo sa'tin, mukhang nag eenjoy pa nga siya " ngiti ni Kae kay April, simula ng maiwan sa imperyo ang kapatid niyang si Lian si Kae na ang tumayong kapatid niya. Madalas itong nasa tabi niya, hindi man nila kilala ng pinaglilingkuran nila, naniniwala sila sa kakayahan nito. Sa katunayan lahat ng sandata nila ay binigay nito at pinalitan ng magbalik ito. 


" Tama ka, sana mas nag aalala si Tomo " nangingiti ng wika ni April, tila kasi nanay ni Crescent si Tomo kung mag-alala sa araw-araw.


" Malayo ba ang pupuntahan natin? " si Shin na hindi nawawala ang ngiti na bumalik kay Frances.


" Medyo , gusto mo magpahinga? " tumungo pa si Frances para makapantay si Shin. Umiling naman ito " Hindi, pagdating ba natin makikita ko na si Papa ? " tanong naman nito kay Tomo.  


" Hindi pa, siguro ikalawang araw pa darating ang papa mo " si Tomo, minamasdan niya ang mata ni Shin. Hindi mahahalatang huwad iyon, hindi kaila sakanya ang binasang kapalaran kay Shin. Paanong ang napakainosenteng bata ay magdudulot ng kamatayan at pagkawasak? tama ba na iasa nila lahat sa hula?


Hanggang kamatayan, ipaglalaban ni Crescent ang buhay ng anak niya. Nang magbalik ito, kahit nanghihina pa binalikan nito ang anak at kinuha. Nakawala ito sa Abyss dahil sa kontrata kay Aleissa Akariah. Sa pagbabalik nito nanahimik lang ito at binalikan ang anak, kung ano man ang binabalak nito sa pagkuha kay Shin hindi niya alam. Isa lang ang nasisiguro niya, isang madugong rebolusyon ang magaganap.


" Kapag ang buwan ay nabahiran ng dugo, iyon na ang araw na magiging masaya ako at si papa, kayo din ba? " si Shin sakanilang apat , nagtaka sila sa sinabi nito. Ang tinutukoy pa nito ang pagpupula ng buwan?  Wala namang nakatalang magpupula ang buwan ngayong taon.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon