Crescent's Message for you

3.3K 152 54
                                    

  

  ( BABAE ang kausap ^_^ ) 


Para sa'yo. Ikaw na nga, wag ka nang lumingon sa ibang direksyon dahil kinakausap kita.


Pinaiyak ba kita? pasensya na. Pinapangiti mo 'ko kapag umiiyak ka, pakiramdam ko kahit sa maiksing panahon minahal mo 'ko. Hindi ko inaasahan na darating ka sa buhay ko at hanggang dito kasama pa din kita, pinapasaya mo talaga 'ko.


 Salamat sa hindi pagbitiw. Salamat sa'yo na sumama sa'kin hanggang sa huling kabanata ng buhay ko. Salamat sa pagiging isang kaybigan na tumawa, nakisama, nainis, nagalit at nakiiyak kasama ko. Patawad, naging sakim ako baka dahil dito nasaktan kita.


 Maaaring dumating ang oras na makalimutan mo ang pangalan ko. Pero sana matutunan mo ang isang aral, ang kasakiman at labis na pagnanasa sa makamundong bagay ay hindi magbibigay sa'yo ng magandang bukas. Eksaherasyon man ang kuwento ko sa totoong buhay sana kahit maliit na bagay may maalala ka sa'kin. 


 Hindi pa huli para sa'yo ang pagbabago. Pakawalan mo ang sarili mo at patawarin kung alam mong may nagawa kang kasalanan sa ibang tao. 


 Isipin mo kung sino ba ang pinakaimportanteng tao na nalayo sa'yo dahil sa limitasyon ng buhay o kamatayan.


Ano ba ang nagawa niya para sa'yo para ituring mo siyang importante?


 May mga bagay ka bang hindi nasabi sakanya bago ka niya iniwan? may pinagsisisihan ka ba sa puso mo? may tao bang nanakit sa'yo? 


Subukan nating sabihin sa mga taong mahal natin na mahalaga at mahal natin sila, wag mong sabihin kung kelan hindi ka na nila masasagot pa. Mahirap ang pakiramdam na may pinagsisihan.


 Palayain mo ang sarili mo sa lahat ng negatibong bagay. Likhang imahinasyon lamang ako, lahat daw ng bagay ay itinadhana kaya salamat at itindhana kang maging parte ng buhay ko. 


 Sa buhay ko nakita, nadama mo ang kasakiman at kasamaan ko at nasubaybayan mo kung ano bang kapalit ang kinuha nito sakin. May mga nakasakit sa'kin at patuloy na nananakit kaya ako naging ganito.


 Hindi ko binitiwan ang bigat na dalahin ko, kaya dinala ko siya hanggang sa huling yugto ng buhay ko na naging dahilan para hindi ako magpatawad ng mas matagal.Mahirap pala ...


 Naging masaya ako sa pamilya ko. Sa loob ng tatlong taon na ibinigay sa'min naging maligaya ako, umasa din ako nang magandang katapusan. Umaasa ako na hindi ko nasubaybayan ang paglaki ng anak ko, sana nakita ko pa siyang lumaki .. maaari bang ikaw na ang sumubaybay sakanya para sa'kin?


 Si Lyra, alam n'yo naman na iyakin siya kaya maaari bang punasan mo ang luha niya at palakasin ang loob niya? Hindi ako magiging masaya sa kabilang buhay kung nakikita kong nagdurusa sila pareho sa pagkawala ko.


 Nagpakamatay ako dahil doon din naman ako tutungo. Ayoko lang masaktan ko ang pamilya ko dahil sa lason na kumakalat sa katawan ko.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon