RBW II: Crescent's Voice

4K 176 51
                                    

         ** Dedicated sayo, maramign thankyouu sa pananatiling readers ng RBW .. ^^  **

                                          RAISED BY WOLVES 

                                           "  Crescent's Voice "

"Rozen Maiden, dito nakatira si Crescent.Nakita namin ang babaeng sinasabi nyo na pumapasok sa Rainsworth University,isang Royal blood Vampire at ang Mansion na to ay pag-aari ng pamilya ng babae " si Rozen na nasa backseat habang dahan-dahan ang sasakyan nilang dumaraan sa malaking Mansion,hindi sila maaring tumigil dahil mapapansin sila ng kung sinoman.Mabilis at matalas ang pakiramdam ng mga Vampire.

"Sige dumiretso ka na" si Rozen, 

"Doon sila nakatira, nasa city din pala si Crescent. Dapat bang sabihin ko kay Light? kung hindi ko sasabihin , parang pinahihirapan ko na siya dahil alam ko na gustong-gusto niyang makita si Crescent" kausap ni Rozen sa sarili, hinanap niya talaga ang babaeng nakita niya,mas madalit itong hanapin dahil naiguhit niya ang mukha nito kahit isang beses niya lang itong nakita.

Naiwan si Light sa tinutuluyang bahay ni Rozen sa City, nakakaramdam siya ng panghihina.ibigsabihin lang malayo si Crescent sakanya, nakaupo lang siya pasandal sa headboard ng kama niya, gusto niya sanang lumabas pero marami ng nagbago hindi na nga niya halos matandaan ang mga daan.

Noon marami pang puno, ilog sa tinatawag nilang City, ngunit ngayon wala na.Bihira nalang ang puno at karamihan ay matataas na gusali na,malalaking mga bahay at eskwelahan.

Nakita niya ang Sketch pad ni Rozen kaya tumayo siya para kunin iyon, tumayo siya malapit sa bintana para maarawan siya at tinignan ang mga nakaguhit doon.

Nangingiti siya, kopyang-kopya nito ang mga bagay na ginuguhit nito. Karamihan bulaklak , halatang mahilig ito sa bulaklak pero natigil siya ng makita ang sarili na nakaupo sa paanan ng malaking puno.

Tatlong sunod-sunod na Light na guhit nito ang nakita niya, hanggang sa mangunot ang noo ni Light ng makita ang mukhang hinding-hindi niya makakalimutan.

"Ceres? Kilala niya si Ceres? " 

Pagkarating ni Rozen nakita niya na hawak ni Light ang sketch pad niya, nakangiti siya ng pumasok ng pintuan pero agad napalis ng makita ang walang ngiting si Light na nakatitig sa pahina kung nasaan ang asawa ni Crescent.

"Light, wag mong pansinin yan " inagaw niya rito ang sketch pad at isinara.

Tinitigan siya ni Light kaya nagtaka din siya .

"Bakit? yung mga larawan mo ba? wala lang to, ano ka ba! natuwa lang ako" pilit siyang ngumiti kay Light pero nasa mata nito ang pagtatanong.

"Iniisip kaya niyang may gusto ako sakanya? "si Rozen na namula sa naisip.

"Bakit mo sya kilala  " si Light, 

 Naalala niya ang tanging babae na laman ng sketchpad niya kaya napatitig siya kay Light.Marahil ito ang itinatanong niya,

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon