RBW II: REVELATION/ Crescent's POV

3.3K 202 57
                                    


"REVELATION"




Crescent's POV


IMPERIAL CAPITAL 


Alam ko na ang motibo ng larong ito ay para  patayin lahat ng malalakas. Sinasabi niya na ang puwesto niya ang kapalit, ngunit paano mo matatalo ang isang nilalang na hawak ang Black Dragon ng Abyss? Ang Imperial Palace ay mawawasak sa pagdating ng isang buwan, papalitan niya 'to ng panibago.


Kailangan kong makuha si Rozen. 


Hindi pa rin bumabalik ang kalahating parte ko. Hindi ko alam kung may pnahon pang natitira sa'kin. Hindi ko na siya  mahihintay, handa akong pasukin ang Imperial Palace ng wala siya. 


Gusto ko siyang bumalik, kahit sa isang pagkakataon tulungan niya 'ko. Isusuko ko sakanya ang buhay ko, hahayaan ko siyang magdesisyon mag-isa katulad noon. 


Naglalakad ako nang walang kahit anong pagbabalatkayo. Hindi ko kailangang itago ang sarili ko, kung wala siya hanggang dumating ang araw na pilitin kong makapasok sa Palasyo, gagamitin ko ang trap card ko. 


Ginawa ko ang lahat para kay Shin. Totoo na ang lazuli ang inaasahan ko pero paano ko kukunin ang bagay na 'yon sa taong nagmamalasakit sa'min ni Light? Humanap ako ng ibang paraan para iligtas si Shin sa pagtapak niya sa mundong ito, ngunit hindi ko na siya inabutan. Nakuha na siya ng kalahati ko, at hindi ako nag-aalala dahil alam ko  na mas kaya niyang alagaan si Shin. 


Kaming dalawa ay iisa. Siya ang Crescent ng nakaraan at ako ang kasalukuyan. Wala akong alaala sa nakaraan niya bago pa siya mapasok sa Abyss, siya ang humahawak no'n. Nang isilang akong muli, kasama ko na siya na parang isang kakambal sa loob ng katawan ko.  Walang alaala, inakala ko nga na ako si Light ngunit lahat pala ng alaala ni Light ay ipinasok niya lang sakin para magulo ako sa katauhan ko.


Hindi ako galit sakanya. Hindi ko nga kilala ang sarili ko. Isa nga ba talaga akong nilalang na may buhay? o isa lang sa mga de susing materyal sa mundong ito na kinokontrol ng iba.


Hindi ako nagtatanong kay Light. Hinihintay ko siyang magsalita, ngunit sapat na ang panahon na inilaan ko para hintayin ang mga salitang gusto kong marinig. Kapag ginamit ko ang trap card ko, mamamatay ako at bago mangyari ang araw na 'yon gusto ko munang makilala ang sarili ko.


Habang binabagtas ko ang daan patungo sa pinaka sentro ng Imperial City, may dalawang babaeng nakatitig sa'kin. Hindi ko binigyang pansin ang pagkagulat sa mukha nila, nararamdaman ko na nasa malapit lang si Light. Hindi ko naman siya pinapapunta dito, paano kung mapahamak siya? 


" Crescent! " Masiglang tawag sa'kin ng boses babae. Kahit hindi ko tignan pabalik, alam ko na isa siya da lawang babaeng nakita ko. " Mag-iingat ka, kung sa huli kailangan kitang burahin sa mundo gagawin ko." Tumigil ako sa paglalakad at binalikan ng tingin ang babaeng titig na titig sa'kin. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sakanya, tama nasa paligid ko lang siya.


" Alagaan mo si Shin. Kung ano man ang abutan mo, ginawa ko 'yon para sakanya. " Naglakad na 'ko palayo sakanya. May dahilan siya, at hindi ko kailangang pakialaman ang desisyon niya. Hindi niya ko tutulungan kay Rozen, baka sa kamay ko pa magwakas ang buhay ni Rozen sakaling pilitin ko siyang bumalik sa katawan namin.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon