CHAPTER 1

12 1 0
                                        

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"It was a fated bond that should not have been made

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"It was a fated bond that should not have been made. But since it is already made, that fated bond will definitely continue. They will meet again." si Mimay, sinasabayan yung dialogue nung kdrama (in korean language) na pinapanood ko, habang nasa lockers area kami. "Odiba? Kabisado ko na? Pang ilang beses mo na bang inulit yan kdrama na yan sa isang buwan? Pangatlo? Pang-apat? OMG.." Napaharap siya sakin habang nagreretouch ng make-up. "Girl, pangsampu?"

"Mimay, wag ka nga maingay di ko maintindihan e." Saway ko kay Mimay dahil mas naririnig ko pa yung boses niya kesa sa pinapanood ko.

"Girl, makakalimutan ni Heo Joon Jae si Jun Jin hyun diyan, tas babalik na siya sa Seoul." Dagdag ni Mimay. Habang umiirap.

Habang ako, titig na titig kahit yun naman talaga yung susunod na mangyayari. Inoff ko na yung phone ko at binalik na ito sa locker dahil tapos na ang lunch break namin. Kinuha ko ang maliit na pouch sa locker at mag-aayos na. Receptionist ako sa isang kilalang five star hotel dito sa Manila, at kaworkmate ko si Mimay.

Naglalakad na kami sa hallway ng hotel para bumalik sa reception area nang patakbo naman lumapit at humahangos pa si Diego sa amin. Napahinto kami sa pagkkwentuhan ni Mimay at napatingin kami pareho kay Diego.

"Ja..ha..nna.." Hingal na pagkasabi ni Diego habang nakahawak pa sa tuhod niya. Napakunot-noo naman kami pareho ni Mimay. "Anong eksena mo diyan at nagmamadali ka?" Tanong ni Mimay.

Hingal na hingal parin si Diego. Sabay nagpakawala siya ng isang malaking buntong-hininga siya bago ulit nagsalita. "Janna.. Tumawag yung kapatid mo, yung Step Mom mo daw nasa hospital."

"Na naman?" Sagot ni Mimay. Nagkatinginan kami ni Mimay.




---

"Janna, hindi mo ba pwedeng pagbigyan yung gusto ni Mommy? Kailangan ba lagi mo siyang dadatnan dito sa ospital?" Sabi ni Rina.

"Ginusto ba ni Janna na mangyari yan sa Nanay mo?" Sabat ni Mimay. "Baka nga umaarte lang kayo para kaawaan kayo ni Janna." Pabulong na sinabi ni Mimay.

Siniko ko ng pasimple si Mimay. Napatingin naman si Rina kay Mimay.

"May sinasabi ka?" Mataray na sabi ni Rina.

"Rina, pasensya na. Pero hinding-hindi ko ibebenta ang bahay namin. Yun na lang yung tanging alaala sakin ni Mommy at Daddy. Yun na lang naiwan nila sakin. At kapag binenta ko pa yun..." Napahinto ako at pilit pinipigilan ang luha. "..ano na lang yung matitira sakin?"

Napasuklay si Rina ng kamay niya sa buhok. "Janna, pangalawang asawa ni Tito Miguel si Mommy. May karapatan siya sa bahay na yun. Kapag nabenta naman ibibigay sayo yung kalahati ng pinagbentahan. Hindi mo ba nakikita yung sitwasyon ni Mommy.." Tinuro niya ang Mommy niya na nakaratay at may dextrose.

"Hindi." Pagmamatigas kong sinabi. "Kahit anong gawin niyo, di ako papayag na ibenta yung bahay namin. Pasensya na Rina, kahit umabot pa tayo sa korte, baka nakakalimutan mong hindi kasal ang Mommy mo sa Daddy ko." Sabay alis ko sa harap ni Rina na halatang asar sa mga sinabi ko. Bago pa ko makalayo ay pinigilan ako ni Rina at hinawakan ang braso ko. Napatingin ako sa kaniya. Binitawan niya rin ako agad. Inirapan ni Mimay si Rina bago ito sumunod sakin.

Nagmamadali akong lumabas ng ospital at hindi ko na napigilang umiyak habang dire-diretsong naglakad palabas at tuluyang inilabas ang lahat ng sama ng loob sa parking lot. Napasandal ako sa may kotse at umiyak nang umiyak. Dahil nagflashback sa akin lahat ng sakit na naramdaman ko noong nawala si Mommy. At paghihinayang ko na nagalit ako sa Daddy ko dahil sa nabulag ako ng kasinungalingan.




Flashback 10 yrs. ago.

Pauwi na ko galing school, 4th year high school ako noon. Papasok na ko ng pintuan ng bahay namin nang marinig kong sumisigaw at nagagalit si Mommy. Hindi ako pumasok, iniawang ko lang ng kaunti ang pintuan at sinilip kung anong meron sa loob.

"Bakit ngayon mo lang sakin sasabihin na may anak ka sa iba? Bakit mo ginawa to samin ni Janna, ha? bakit?!" nakita ko si Mommy na may dinuduro siya habang yakap siya ni Daddy. Iniawang ko pa ng kaunti ang pintuan at may nakita akong isang babae at isang batang babae na parang kaedaran ko lang din.

"Mahal, sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam, nalasing ako noon. Hindi ko alam na may nangyari at nagkaroon kami ng anak. Hindi ko talaga alam." Sabi naman ni Daddy habang yakap niya si Mommy na umiiyak.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. May ibang babae ang Daddy ko? At kapatid ko ang batang yun?

"Miguel, bakiiiiit?! Bakit?! Bakit?!" sabi ni Mommy habang sinusuntok-suntok ang dibdib ni Daddy. Hanggang sa napahawak si Mommy sa dibdib niya. "Ahh.."
Nanlaki ang mga mata ko at dali-dali akong lumapit kay Mommy.
"Mommy!" Umiiyak na ako habang tinigtignan si Mommy na nahihirapan huminga. "Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Dalhin natin sa ospital si Mommy!!" Sabi ko.
Dinala namin si Mommy sa ospital, pero huli na ang lahat. Dead on arrival na siya at inatake siya sa puso.
"Mommy!!!" tanging nasabi ko habang yakap-yakap ko siya. "Mommy ko!"
Lumabas na ako sa ward kung saan si Mommy, pinalabas na ko ng mga nurse dahil dadalhin na nila si Mommy sa morgue. Paglabas ko ng ward nakaabang si Daddy kasama yung babae at yung anak niya. Hindi ko sila pinansin, nilapitan ako ni Daddy at akmang yayakapin sana niya ako pero tinulak ko siya at tinignan siya ng masama.
"Janna anak.." Sabi ni Daddy. Hahawakan niya sana ako ulit pero tinulak ko siya ulit.
"Wag mo kong hawakan." Sabi ko pero hindi ko siya magawang tignan.
"Anak.."
"Sinabi kong huwag mo kong hawakan."
"Janna.. Hindi ko-- akma niya kong hahawakan.
"Sinabing huwag mo kong hawakan e!" Sigaw ko at tuluyan na kong napatingin sa Daddy ko. At tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Dad, kasalanan mo kung bakit nawala si Mommy. Kasalanan mo!"
"Anak patawarin mo ko." Umiiyak na din si Daddy. Pero nung mga oras na yun ay hindi ko magawang kaawaan siya.
"Hinding-hindi kita mapapatawad. Hanggang sa mamatay ka. Hindi kita mapapatawad!"
Patakbo na akong lumabas ng ospital. At iyon na ang huling araw na nakita ko ang Daddy.

At kung ibabalik lang ang mga pagkakataon na yun, sana niyakap ko si Daddy at pinakinggan ko siya. Pinakinggan ko sana siya at pinatawad. Pinatawad sa kasalanang hindi niya pala ginawa.

Simula nung araw na yun, pinagsisisihan kong hindi ko man lang nayakap si Daddy. Pinagsisisihan kong hindi ko siya pinakinggan. Pareho kami ni Mommy, nanaig ang galit namin. Huli ko na nalaman na hindi niya pala anak si Rina. Namatay ang Daddy ko na ang buong akala niya anak niya si Rina. Akala niya pinagtaksilan niya si Mommy. Namatay ang Daddy ko na wala ako sa tabi niya, at tanging galit ko ang binaon niya.

End of flashback.

---------------------------------------------------------------------------------

Hi Guys! It's been a while. Please support my another work po. Hihi. Yung mga mababasa niyo is pure imagination ko lang. Hope na ivote niyo every chapters. Kung mababasa mo to, completed na siya para isahang publish lang. Para di na kayo mabibitin.

Thank you! Please vote po. Saranghae. 💕

The Actor and IWhere stories live. Discover now