(JANNA'S POV)
Flashback
Nasa tapat na kami ng tinutuluyan ko.
Bago ako pumasok ay lumingon muna sa kaniya. "Jun Pyo Ssi.." Tawag ko sakaniya habang nakayuko. Iniangat ko yung ulo ko at tumingin sakaniya. "I don't know how to tell you this." Napangiti ako na nahihiya. "But, I just want to thank you, for everything." Tumingin ako sa kaniya ng diretso sa mata. "I don't know what will happen to me here, without you." Ngumiti ako habang nakatitig lang siya sakin. Wala man lang siyang karea-reaksyon. Pano ko naman nga kasi makikita, e lagi siyang nakafacemask mask. Pakiramdam ko tuloy, nagcoconfess ako ng feelings, tapos nireject ako. Tinignan ko yung mga mata niya, pero hindi ko maipaliwanag kung anong meron."Umm. Thank you for bringing me home, safe. Joshimae. Text me when you get home, arasso?" Kumaway na ko sakaniya. Waley parin siyang sinabi, masyado na ata akong madaldal.
Tumalikod na ko pagkatapos kong magpaalam sa kaniya nang bigla niya akong hinila sa braso at niyakap.
End of flashback
Hindi ko alam kung saan pa ba ako pupwesto. Kanina pa ako pabaling-baling ng higa ko dahil hindi ako makatulog. Paulit-ulit kasi nagrereplay sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi ko alam yung ganitong pakiramdam. Iba sa nararamdaman mo kapag nakita mo yung Idol mong artista. Iba sa pakiramdam nung nakita ko si Lee Min Ho kanina.
---
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o pumikit lang dahil sobrang gaan ng pakiramdam ng ulo ko. Nandito na ko ngayon sa location ng shooting, at nag iinventory ng mga gagamitin mamaya. Tanghali na nga pala ako pinapasok ni Ms. Sujin dahil para daw makapagpahinga ako dahil mukhang magcacamping kami dahil puro gabi yung scene na kukuhanan.
"Hi, Janna." Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Ohh." Medyo nagulat ako nung makita ko siya. "Annyeonghaseyo, Do-Hwan Ssi." Nagbow ako at ngumiti. "Do you need anything?"
Ngumiti siya at mas lalong nawala yung mga singkit niyang mata. "Aniya. I just want to check up on you if you're okay." Wooow sweet.
Medyo nahiya naman ako sa kaniya. "Kamsamnida." Napabow ulit ako. "Gwenchanayo." Napangiti ako. Sabay napatingin siya sa kamay ko na may benda.
"Ohh?" Kinuha niya ang kamay ko na may benda. "Are you sure you're really well?" Pag-aalalang tanong niya.
Tumango ako at ngumiti. "Ne."
"Do-Hwan Ssi!" Napalingon kami pareho. "Come here." Tinatawag na siya ni Director Baek. Mukhang magsisimula na sila. Tumingin sakin si Do-hwan. "I'll go ahead."
"Yeah, sure!" Sagot ko.
"See you around." Naglakad na siya at kumaway bago patakbong pumunta kay Director.
"Tss.." Napangisi ako habang nakatingin kay Do-hwan na tumatakbo. Pabalik na sana ako ulit sa ginagawa ko nang tapikin ako ng siko ni Ms. Sujin sa braso. Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya at nakatingin kay Do-hwan na kausap na ngayon ni Director Baek.
"Waaa. Looks like someone likes you." Sabay tingin sakin ni Ms. Sujin. Ngumiti ito ng nakakaloko at kumindat bago umalis.
"A-yaah." Sabi ko kay Ms. Sujin, lumingon siya sakin ulit at nagheart finger.
Napatingin tuloy ako kay Woo Do-Hwan na kausap si Director Baek, napatingin ito sakin at ngumiti. Napabow ako at ngumiti ng bahagya. Medyo ang awkward tuloy sa pakiramdam.
---
SCENE.
Tae-Eul calls and leaves a message for Gon, crying as she shakily explains that she's in Corea being pursued, and she's headed to the palace. Oh no, it's another Truck of Doom! Thankfully, Tae-eul jumps out of the booth right before the Truck of Doom smashes into it. When the driver comes up to her, Tae-eul knocks him out and dazedly walks into the empty street.

YOU ARE READING
The Actor and I
Fanfiction"I wasn't ready for you but there you were and there I was now here we are and somewhere in-between you became my favorite coincidence.."