(JANNA'S POV)
Kinagabihan ay bumalik ako ulit sa may River Park para hanapin yung passport ko. Sa pagkakatanda ko kasi ay dala-dala ko ito kagabi, at baka naiwanan ko lang kung saan.
"Asan na ba yun?" Nakayuko ako at kumakapa-kapa sa may damuhan. Baka sakaling makita ko ang passport ko. Napahinto ako sa paghahanap. "Kung ireport ko na kaya sa police Station na nawawala yung passport ko?" Napailing ako. "Hindi pwede. Baka ipadeport nila ako. Tapos ipabanned. Hindi nako makabalik ditto kung sakali." Kinakausap ko ang sarili ko. "Asan na kasiiii."
"Mwohaneungeoya?"(What are you doing?)
Napatingala ako ng marinig kong biglang may nagsalita.Nakita ko yung lalaki kagabi. "Wala. Sinusubukan ko lang kung pano maging pusa." Sagot ko.
"Mwo?" Tanong niya ulit dahil hindi niya ako naintindihan.
Tumayo na ko at pinagpag yung dalawang kamay ko. "Aniya. I'm just looking for something." Umupo na muna ako sa damuhan. "You, what are you doing here?" Naupo narin siya sa tabi ko. "Are you also looking for something?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Tss.." Napangisi yung lalaki sa tanong ko. "Aniyo. I just used to go here every night."
"Ahh.. Okay. Hindi ko naman naintindihan." Sagot ko. "By the way, We've been here for a few nights, but I still don't know your name?" Tumingin ako sa kaniya.
---
(LEE MIN HO'S POV)
Napatingin ako sa kaniya. "Huh? Really? But I already know you." Iwas kong sagot. Hindi nito pwedeng malaman na ako si Lee Min Ho. Dahil baka mag-iba ito nang pakikitungo sakin. Masaya ako dahil may nakilala akong isang taong nakakausap ko na parang normal lang ako at hindi sikat.
"I can't understand Hangeul. I can only understand a little. Sorry." Sabi niya. "So, what's your name?" tanong niya muli.
Parang pinagpapawisan ako kahit na sobrang malamig na nang panahon. Wala akong ibang maisip kung anong sasabihin kong pangalan. Hindi ko alam kung bakit ito ang nabigkas kong pangalan.
"Jun Pyo."
Natahimik kami pareho ng ilang Segundo at dahan-dahan kaming nagkatinginan.
"Tss.." Natawa siya after ilang Segundo.
"Wae useo?" (Why are you laughing?) Tanong ko sa kaniya.
Umiling siya at ngumiti. "Aniyo. Are you a fan of Boys over flowers?" Hindi ako sumagot. Bakit ba kasi sa dami ng pwedeng sabihing pangalan, yun pa talaga naisip ko agad. "By the way, Jun Pyo. I am Janna." Sabay abot niya ng kamay para makipagshakehands.
Nakipagshakehands naman ako sa kaniya. "Janna, not Jandi." Natawa ulit siya. Napatingin si Janna sa bike ko. "Is that yours?" nginuso ni Janna ang bike.
"Ye."
Napangiti naman si Janna dahil may bigla siyang naisip.
---
Nasa labas kami ng isang convenience store. Nagutom kasi si Janna kaya naisip niyang ilibre ako ng pagkain. Nakita ko na nagbibilang siya ng barya sa palad niya.
"Patay, ito na lang pera ko?" Napakamot siya sa ulo. At napatingin siya sakin sabay ngiti. Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi niya pero parang namomroblema siya sa pera dahil nga nasnatch-an siya noon.
"Gwenchana?" Tanong ko sa kaniya.
Napalingon siya sakin. "Ah-yyes. I'm okay. Just wait me there, I will get something." Pumasok na siya sa loob ng convenience store.
YOU ARE READING
The Actor and I
Fanfiction"I wasn't ready for you but there you were and there I was now here we are and somewhere in-between you became my favorite coincidence.."