(LEE MIN HOS POV)
Nasa set ako ngayon para sa isang photoshoot ng brand ng damit na ineendorse ko. Inaayusan na ko ngayon ng hairstylist ko at may nag-aabang narin na interviewers na kakausapin ako bago magstart ng photoshoot.
Pagkatapos nila akong ayusan ay naupo na ako sa isang mahabang lamesa na akala mo ay may papress conference. Pero simpleng interview lang ito sa mga katulad ko. Mahirap kasi manghingi ng schedule para interviewhin ako dahil sa hectic kong schedule. Kaya ngayon lang nagkaoras para magpainterview.
Pumasok na ako sa isang room na puro press at photographers. Sumalubong ang mga nagkikislapang mga camera. Panay kaway naman ako para makakuha ng litrato ang photographer para sa interview sa kin ngayon. Kung may interesting sa pandinig ng mga press, ay ilang minuto lang ay magiging headline na ito sa mga online news at paniguradong trending na naman ito sa social media.
"Modu annyeonghashimnikka!" (Good Morning, Everyone!) Bati ko sa crowd.
"Annyeonghaseyo iminho ssi!" (Good Morning, Mr. Lee Min Ho!) Bati naman nila sa akin.
Unang nagsalita ang press ng OhmyNews na si Mr. Han Hye Sul. "So let's start! Good Morning, Mr. Lee Min Ho."
"Annyeonghasseyo." Nagbow ako. "Easy Questions please." Ngiti kong pagkakasabi sabay baba ng microphone.
Nagtawanan naman ang crowd.
"Ne, this is easy Mr. Lee Min Ho." Tumingin ito sa phone dahil naroon ang itatanong niya. "How was your two years gap before you start filming The King?"
Kinuha ko ulit ang microphone,
"It was the time to think seriously about the acting job. I couldn't tell how much I liked this job when I was in my 20s. After completing the deadlines given in my duties, I realised that the most vibrant moment in my life was at work and that I really liked the profession of acting. So I wanted to work passionately." Sagot ko sa kaniya.
Sumunod naman si Ms. Kang Yeon Ji ng soompi, "Annyeonghasseyo, Iminho Ssi. Last april, everyone was waiting for your military discharge. The interest was so high that online was filled with related news. But how did you spend your time afterwards?"
"Eight months have already passed. Immediately after the discharge, I spent three or four months, deciding and preparing for the next work. In the mean time, I did several advertisements and photoshoots." Sagot ko.
---
(JANNA'S POV)
"Oh my Gooooooood! Hindi pwedeng mawala yuuuuun. Ano bang kamalasan dumapo sakin ditoo?"
Nakakalat ang mga gamit ko sa buong paligid ng kwarto. May hinahanap kasi ako na kagabi ko pa hindi makita kaya halos halughugin ko na ang laman ng mga gamit ko at bawat coat ko. Hindi ko kasi maalala kung saan ko nailagay ang passport ko.
"Bakit yun pa ang mawawala?" napahinto ako at parang maiiyak na sa kakahanap. "Hindi na talaga ako makakauwi nito. Tumalukbong na lang ako ng kumot at nag-iiiyak. Bigla ako napaupo ng tumunog ang tiyan ko sa gutom. Dahil 7 pm na at hindi pa ako kumakain ng hapunan.
Kinuha ko ang isang coat at sinuot ito. Dinukot ko ang laman ng bulsa ng coat ko at inilabas ang mga coins at binilang ko sa palad. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi na talaga kakayanin ng pera ko ang pangkain. Di bale, baka meron pa ko mabibili dito. Kahit pa nakatshirt at pajama lang ang panloob ko ay lumabas muna ako para bumili ng makakain.
---
(LEE MIN HO'S POV)Pauwi na kami, sakay ng isang malaking itim na Van at kasama parin ang Manager/Ate ko. Nakasilip lang ako sa may bintana ng sasakyan habang nakikinig ng kanta kong 'Love Motion' sa ipad.
YOU ARE READING
The Actor and I
Fanfiction"I wasn't ready for you but there you were and there I was now here we are and somewhere in-between you became my favorite coincidence.."