CHAPTER 7

2 0 0
                                    

(JANNA'S POV)




"Agashi, gwenchanjuseyo?" (Miss, are you okay?)

Nagising ako sa silaw ng liwanag. Umaga na pala. Napamulat ako na nakapikit pa ang isang mata dahil sa silaw at hinarangan ng bahagya ng aking kamay ang bahagi ng aking mga mata.

"She's awake." Sabi nung isang mamâ.

Napaupo ako ng maayos sa bench kung saan ako nakahiga habang nakahawak ako sa ulo ko. "Ah!" Naramdaman ko ang sakit ng ulo dahil sa hang-over. "Anong nangyari? Bakit ako nandito?" Pagtataka ko.

"Gwaenchana?" Tanong sa kin ng isang lalaki na nakauniform na pang Police.

Napatingin ako sa dalawang lalaki na nasa harapan ko. Napatingin ako sa likod dahil nagtataka ako kung nasan ba ako. Nakita ko ang nakalagay sa labas nasa Police Station pala ko.

May lumabas pa na isang police at may dala itong maliit na baso at iniabot ito sa akin. "Yeogi, igeo masyo." (Here, drink this.) Kinuha ko naman ito at nagbow ako ng bahagya para magpasalamat. Naupo sa tabi ko ang lalaking nagbigay sa kin ng kape. "Museun Iri ishunayeo?" (What happened to you?) Tanong sa kin nito.

Humigop muna ako ng kape dahil naramdaman kong malamig ang hangin. Namumutla na ako dahil sa sobrang lamig na ng panahon.

"She's a foreigner." Sagot nung isang Police. "I remember. She was the one who came here last night. She was robbed the other day." Dagdag nito.

"How did I get here?" Tanong ko sa kanila. Dahil hindi ko maalala na pumunta ako rito.

"Urineun moreubnida. Bang-geum dangsin-eul bwass-eoyo" Sagot naman nung isa. Kaya lang napansin nung isa na hindi ko naintindihan yung sinabi nito sa akin.

"We don't know. We just saw you there." Sagot nung isang officer.

Pahigop na sana ako ulit nang magtanong ako kung anong oras na. Sumagot ang officer na 11:45 na ng umaga.

Nagulat ang lahat ng bigla akong tumayo. "Omg! Yung mga gamit ko sa hotel!" Nagbow ako isa-isa sa tatlong pulis na naroroon. "Choesong haeyo. Kaya haeyo. Kamsahamnida." (I'm sorry, I have to go. Thank you.)




---




Pababa ako mula sa kwarto sa hotel nang mapansin kong kanina ko pa hawak ang itim na jacket na dala-dala ko magmula sa may Police Station. Inisip ko na baka isa sa mga officer ang may-ari nun at ipinahiram lang sa akin dahil sa malamig na ang panahon. Ibabalik ko na lang ito kapag napadaan ako ulit sa istasyon. Naibaba na ng room boy ang mga gamit ko. Tinitigan ko muna ang kwarto bago ko dahan-dahang isinara ang pintuan.

Pagbaba ko ng elevator papuntang reception para ibalik na ang keycard, may nakapa ako sa kabilang bulsa ng coat. Napakunot-noo ako dahil hindi ko mawari kung ano ang kanyang nahawakan. Dahan-dahan kong inilabas iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ilang pera na nakalagay sa bulsa ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ko o matutuwa, pero pareho kong naramdaman iyon.

Hindi ko maalala kung paano ako nagkapera sa bulsa ng coat ko.

Nasa front desk na ko. Nang iaabot ko na ang keycard sa receptionist, may sumamang isang papel roon. Iniabot ko na sa receptionist ang keycard, "Kamsahamnida." Sagot nung receptionist.

Binuksan ko ang nasa maliit na papel. Resibo ng convenience store. Itatapon ko na sana, nang napansin kong may nakasulat sa likurang part nun. Yun nga lang hindi ko rin ito maintindihan dahil sa nakasulat ito sa Hangeul.

도움이 필요하시면 오늘 광화문
광장 근처 리버 파크에 가겠습니다.

The Actor and IWhere stories live. Discover now