CHAPTER 5

4 0 0
                                    

(LEE MIN HO'S POV)

Note: The following conversation is in Korean Language.

Sinundo ako ng Manager ko rito sa bahay  dahil meron akong commercial shoot para sa isang kilalang skincare brand ngayon.

"Did you sleep well last night?" Tanong ni Lee Yoon Jung. Ang manager ko at Ate. "Because you look exhausted." Dagdag niya. Pero ni isang tanong ay wala akong sinagot.

Sumakay na ako sa Van habang nasa harap naman at katabi ng Driver ang Manager/Ate ko.

CEO ng MYM Entertainment si Lee Yoon Jung kung saan nakacontrata ako. Kahit pa CEO na ang ate ko, siya parin ang Manager ko. Ginusto ko na rin yun, dahil mas magkakaintindihan kami kung ang Ate ko ang Manager ko. Dahil kilala na niya ko. Kung ano ang gusto at hindi ko gustong gawing project.

"I told you not to ride your bike until it's your rest day. You're shooting for a commercial today and look at your face, it's swollen." Inis na sabi ni Noona. Magsshoot kasi ako ngayon ng commercial ng isang facial moisturizer. Pero dahil puyat ako, namamaga ang mukha ko dahil kulang na naman ako sa tulog.

"Okay, Miane. I promise, I will not do it again. Don't be angry, Noona. It makes you ugly." pang-aasar ko sa kaniya.

Binato ako ng walang laman na bote ng mineral ng Ate ko sa inis. Nakuha ko pa kasi mang-asar.



---



(JANNAS POV)

Maghapon lang ako nasa kwarto. Panay akyat-baba para lang icheck kung may tumawag o may update na ba sa Police Station. Balak ko sana ngayon pumunta sa Busan. Dahil gusto ko makarating sa mga lugar kung saan finifilm ngayon ang Kdrama ni Lee Min Ho.

"Ano na bang gagawin koooooo?" Napatalukbong ako ng unan sa ulo at pumapadyakpadyak sa kama habang nakadapa.

Nang biglang nagring ang Telepono sa side table ng kama. Agad akong napabalikwas dahil baka may update na yung Police sa nangyari kagabi. Nabuhayan ako ng loob bigla. Sabay dampot ng telepono.

"Hello?" Masayang bati ko.

"Hello, Ms. Cruz?" Tanong nung operator.

"Yes, speaking.."

"This is from the Hotel main office. I just want to inform you that, you're reservation has been cancelled due to a bounced check that has been issued under the name of Rina Violago, cannot be processed because the account holder has nonsufficient funds." Sabi nung operator.

Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa buong katawan at hindi ako agad nakapagsalita.

"Hello?" tanong ulit ng operator.

"W-what?!" Gulat na tanong ko. "Again? Who's name? Rina?" Pag-usisa ko.

"Yes, Rina Violago."

"How did that happen? You may be mistaken, but it is under the name of.. " Dali-dali kong kinuha yung mga papel sa maleta ko at bumalik sa telepono at hinanap ang details. Pero hindi ko mahanap o mabasa ang pangalan ng company. Nanlumo ako, at biglang napagtanto ang lahat.

"Yeoboseyo? I'm sorry, Ma'am. But you can only stay here until tomorrow noon. Kamsahamnida." Binaba na ito ng operator.




---



Maghahapunan na. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa nangyayari sa dream vacation ko sa dream country ko. Hindi ito ang pangarap kong mangyari. Hindi ito ang pinangarap kong bakasyon. Sa lahat ng pwedeng mangyari, e ang maloko pa ko ni Rina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niya ito ginawa.

Umiiyak ako habang nagliligpit ng mga gamit ko sa maleta. Sabi nga nila, pinaka masayang parte ng pagttravel ay ang pag-aalis ng gamit sa maleta pagdating sa lugar na pupuntahan mo. At ang pinakamalungkot ay ang pagliligpit nito. Pero iba sa part ko. Dahil hindi pa man natatapos ang South Korea adventure ko, ay nagiimpake na ako agad, dahil hindi na ako pwede magstay pa rito.

Hinanap ko ang ticket. Baka sakaling pwede irebook ang araw ng pag-uwi ko. Dahil sa mga oras na 'to, yun na lang ang tanging paraan para matapos ang mga kamalasang nangyayari sa kin dito.

"Asan na ba yun?" Habang sumisinghot dahil kanina pa ko iyak nang iyak. Hanggang sa nakuha ko ito sa pinakailalim ng mga damit ko. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko tignan ang ticket na hawak ko. "Bakit wala dito yung pauwi?" Binaliktad ko yung papel, at binasa bawat detalye nito. Napakunot-noo na ko dahil hindi ko makita yung flight ko pabalik.

Napabuntong-hininga ako at napapikit. Dahil ayaw kong isipin na isa pa to sa malas na mangyayari sa kin. "Huminga ka muna ng malalim, Janna. Kumalma ka. Kumalma ka."  Nag inhale-exhale ako bago ko ulit tignan ang papel. Dahan-dahan kong sinipat ang detalye na nasa unahan at binasa ito isa-isa.

"Trip details - ONE WAY?!!!" kinusot ko ulit ang mata ko. Pero ganun parin, one way talaga ang nakagalay sa ticket ko. Natulala na lang ako bigla at sobrang nanlumo. "Anong gagawin koooooooo."



---



(LEE MIN HO'S POV)


"Don't forget to drop by in our house tomorrow. Okay? Mom will be surprise for sure." Sabi ni Noona habang nakangiti.

Bumaba na ko sa Van at tumayo sa tapat ng gate ng bahay. "Ne, Noona." ngiti ko naman sa kaniya.

"Her superstar son will be home for tomorrow." Dagdag pa nito bago isara ang pinto ng van. Bago pa niya isara ang pinto muli itong nagpaalala. "Go to bed early. I will kill you if you don't!" At sinara na niya yung pinto at inistart na ng driver ang sasakyan.

Nakangiting kumakaway ako sa papalayong sasakyan nila.

"Cheosonghamnida, Noona! I'm gonna ride my bike later!! Sigaw ko habang nakangiti at kumakaway sa sasakyan na papalayo.


---



(JANNA'S POV)


Bago man lang ako lumabas ng hotel bukas ay kumain na ko nang kumain sa hotel. Dahil bukas hindi ko na alam kung paano pa ba ako kakain o may kakainin pa ba ako. Kumuha rin ako ng ilang inumin katulad ng soju. Dahil pakiramdam ko kailangang-kailangan kong uminom. Hindi pa naman ako sanay umiinom sa buong buhay ko. Kaya ilang lagok palang ng soju ay nalasing na ko. Pagkatapos nun, ay nagpasya akong maglakad-lakad sa labas ng hotel para makapag-isip kung anong pwede kong gawin. Wala akong ticket pauwi. Wala na akong pocket money, wala na akong cellphone, at wala na akong matutuluyan simula bukas ng tanghali.

Sa paglalakad ko, nakarating ako sa pinakamalapit na River Park. Naupo ako sa may damuhan at tinitignan lang ang mga ilaw na naggagandahan.

"Shana.. Ilaw na lang ako.." Sabay tungga ng soju. "Para.. Kumikinang.." bigla akong natawa. "Hahahaha." sumeryoso ako. "Walang connect, diba?" Lasing na ako.

The Actor and IWhere stories live. Discover now