(Janna's POV)
Tinanghali ako ng gising, mabuti na lang at day off ko sa work ngayon. Wala akong kasama sa bahay, kundi si Laté lang.
Si Laté (La-tey), ang golden retriever ko na aso. Nagpipresenta nga si Mimay na tumira at samahan ako sa bahay, pero ayoko. Sanay na kasi akong mag-isa. (#HugotNotHugot ✌) Ayun nga nagpipresenta siyang samahan ako dahil alam niyang anytime ay pumupunta si Rina dito para guluhin ako.
Nagtimpla ako ng kape at dinala ito sa may garden. Sa garden ako madalas magbreakfast at ang tanging breakfast ko sa umaga ay kape at si Lee Min Ho.
Parati ko kasing pinapanood at pinapaulit-ulit yung mga kdrama series niya. Ewan ko, parang kape ko narin siya sa umaga. Dahil hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.
Bigla naman kumahol si Laté, napatingin ako sa kaniya dahil hindi siya tumitigil, hindi ko tuloy maintindihan yung pinapanood ko.
"Laté, wag ka maingay. Mamaya na tayo maglaro okay, patapusin mo muna ako sa pinapanood ko." Saway ko sa kaniya. Tumahimik naman at umalis si Laté saglit. At pagbalik niya ay may kagat itong isang puting envelope at inilapag sa paahan ko. Pinause ko muna ang pinapanood ko at dinampot ito.
"Ano ba to?" Binuksan ko ang puting envelope. May tatlong papel na laman ito. Isang leaflet, isang hindi ko pa alam kung ano at isang parang letter. At binasa ko ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.
---
"Ha? Anong sabi mo?" sabi ni Mimay sa kabilang linya.
"Ang sabi ko, pinadalhan ako ng conpany ng trip to South Korea!!" Tili kong pagkasabi at patalon-talon pa ako. Habang tinititigan ko ang eticket na hawak hawak ko.
"Haaaaa? Bakit ikaw lang? Bakit wala ako? Ang dayaaaa!!!" Sagot ni Mimay.
Ngiting-ngiti ako habang tinititigan ang ticket na hawak hawak ko. "Hindi ko alam, Mimay. Pero sobrang saya koooo. Thank you Lord!" Masaya kong pagkakasabi sa kaniya.
"Nakakainis naman. Bakit naman ganun? Gusto ko din sumamaaaaa. Kelan naman daw ang flight? All expense ba? Saka good for ilang person?" Usisa ni Mimay.
"Tomorrow night na yung nakalagay dito e. Yes, all expense. Unfortunately, good for 1 person lang siya. Good thing, kasi may maiiwanan ako kat Laté." Napatingin ako kay Latè na hinahabol habol yung butterfly. At napangiti.
"Hooooy, don't tell me, gagawin mo kong dogsitter--
"Thank you, Mimay! I love youuuu. Don't worry papasalubungan kita ng maraming oppa." Excited kong sabi."Haaaaay. As if naman. Pero teka, bat napaaga naman ata yung sayo? Di maganda pakiramdam ko diyan. E kung ikakasaya mo, sige ingat ka. Ihahatid na lang kita sa airport para isahang kuha ko na lang kay Laté." Yearly kasi may free trip kaming natatanggap sa company, parang freebies ba or benefits. Last year sa Thailand, at magkasama kami ni Mimay.
"Thank you, Mimay! Osige na, magreready na ko. Bye!" agad-agad akong umakyat sa kwarto at nag-impake.
---
Ibinaba ni Mimay ang natitira kong bagahe sa kotse. "Ano ba yang mga maleta mo, Janna. Wala ka na bang balak umuwi?"
Ngiting-ngiti akong nakatingin sa ticket ko. Hindi ako makapaniwalang makakarating na ko sa South Korea, ang Home of the oppas.
"Janna, ilang araw ka ba Korea?" Tanong ni Mimay.
"Sabi dito, 1 week. Kaya, Mimay, ikaw na muna bahala kay Laté ah." Napatingin ako kay Laté na nasa loob ng kotse at nakatanaw lang sakin. Nilapitan ko ang sasakyan at binuksan ito. At sumunggab sakin si Laté na parang alam niyang iiwan ko siya. "Papakabait ka Laté ah." Naluluha kong sinabi. Pinunasan ko ang mga mata ko at hinimas ng mabilis sa ulo si Laté at tumayo na bago pa ko maiyak ng tuluyan. Hinawakan na ni Mimay ang tali ni Laté.

YOU ARE READING
The Actor and I
Fanfiction"I wasn't ready for you but there you were and there I was now here we are and somewhere in-between you became my favorite coincidence.."