CHAPTER 8

2 0 0
                                        

(JANNA'S POV)



Naalimpungatan ako bigla at napabangon. Napatingin ako sa relo, 9pm na. Naalala ko kasi na kailangan kong puntahan kung sino ang nagbigay sa kin ng sulat na inipit sa coat ko. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang susi ng kwarto at nagmadaling lumabas ng tinutuluyang motel.



---




Naglalakad na ako papuntang river park na sinasabi sa sulat. Nagbabakasakaling matutulungan nga ako ng taong iyon. Pero hindi ko maiiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan dahil hindi ko naman ito kilala o nakilala. Ngayon ko palang ito makikita. Pero susubukan ko muna itong tignan kung totoong tutulungan nga ako nito. Habang papalapit, nakuha ng atensyon ko ang tatlong lalaki. Isang nakabike at may dalawang lalaking nakaharang dito. Nakaramdam ako na parang may iba, na parang may ginagawang kakaiba ang dalawang lalaking humaharang sa lalaking nakabisikleta. Dahan-dahan akong lumapit dito at nagtago sa isang puno na malapit sa pwesto ng mga ito.

"What do you want?" Narinig kong sinabi nung lalaking nasa bike. Kaya lang hindi ko naman gaano maintindihan yung sinasabi nito dahil korean sila nag-uusap.

Nagtinginginan at nagngitian ng nakakaloko ang dalawang lalaki sa sinabi nung nasa bike. Nanlaki ang mata ko nang makita kong bigla nilang inambahan ng suntok yung lalaking nasa bisikleta sa mukha. Mabuti na lang at nahawakan agad nito ang kamay ng lalaki. Sa pagkakataon na yun, alam ko na, hindi ko na kailangang intindihin pa kung ano ang sinasabi nila. Dahil sa mga nakita ko, alam kong kailangan ng tulong nung isang lalaki. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Mabuti na lang at may nakita akong dalawang pulis na naglalakad.

"Ahjussi, duwajuseyo!" Tarantang humarang ako sa dalawang pulis na naglalakad.

Napakunot-noo ang dalawang pulis at nagkatinginan.




---




"I don't want to make a scene. Or else I'll a--aiissh--

"You are so talkative" aambahan na sana niya ng saksak ang lalaki nang biglang pumito ang dalawang tinawag kong pulis.

"Yah! You two!" Sabay tutok nila ng baril sa dalawa at lumapit.

Nagtaas naman ng mga kamay ang dalawa at hindi na pinahirapan pa ang mga pulis. Pagkataas ng kamay ng isa ay binitawan naman nito ang kutsilyo na may bahid ng dugo ng binata. Pagkatapos nun ay pinosasan nila ito. At napatingin sila sa Binata. "Gwaenchana?" Tanong ng isang pulis sa Lalaki.

"Ne, gwaenchanseumnida. Kamsahamnida." Sabay bow nito sa mga pulis.

"We have been looking these two for a long time. You should be thankful to that girl." Tinuro nila ako na nakatayo sa tapat nila. "She see what these two did to you." dagdag pa nito.



---



(LEE MIN HO'S POV)



Napatingin naman ako sa babae na halatang nag-alala sa akin.

"We'll take them to the station. Would you mind to go with us for a statement?" Tanong nung officer sakin.

"Ahh.. Hehe. Gwaenchana. Mianhajiman but I'm in a hurry." Sagot ko.

"Arasso, gwaenchanjuseyo?" Tanong ulit ng officer.

"Ne, jeongmal kamsahamnida." Pasalamat ko ulit.

At tuluyan na ngang umalis ang dalawang pulis bitbit ang dalawang lalaki na wanted na pala noon pa.



---


(JANNA'S POV)



Sinundan ko ng tingin ang mga pulis na bitbit ang dalawang lalaki. Pagkatapos nun, ay naalala ko ang lalaki. Bumaba ito sa may bike niya at naupo. Tinitignan nito ang sugat sa braso niya. Nilapitan ko siya.

The Actor and IWhere stories live. Discover now