(LEE MIN HO'S POV)
"neowa chumeul chuneun ujuwien
amugeotdo uril jikyeoboji anhneun DUL manui bam
neowa chumeul chuneun ujuwien
matjabeun du son majeo naege
kkumgachi pyeolchyeojineun got.." 🎶Nagbabike ako habang pinapakinggang ang kanta ni Hyun Yoon Sang na 'Dancing Universe'.
Sa dami at hectic schedule ko, ang pagbabike na lang sa gabi ang tanging safe haven ko. Dahil hindi ako nakikilala ng mga tao. Nararamdaman ko kahit papaano na meron parin akong private life. Napupuntahan ko yung mga gusto kong puntahan na hindi ako dudumugin. I am not complaining. Infact, I am so grateful in all aspects in life. Pero kung sakaling may nakakilala sa kin, which is hindi pa naman nangyayari, hindi naman ako tatanggi magpapicture or magpaautograph.
Nakarating ako sa isang river park malapit sa Gwanghwamun Square. Dito lang naman lagi ang ruta ko dahil malapit lang ang bahay ko rito. Medyo may mga tao naman, dahil naghihintay ng fireworks display dahil sa pagstart ng winter season kahit hindi pa nagssnow. Napahinto ako sandali para panoorin ang fireworks display.
"Kuya will! Putukan naaaaa! Whoooooo!!"
Napansin ko yung isang babae na nakatayo habang pinapanood ang fireworks display. Agaw pansin ito dahil siya lang ang bukod tanging tinitignan ng lahat. Sa tingin ko ay baliw ito. Pero nakita kong may hawak itong bote ng soju.
"Tsss.." Napailing lang ako.
Isinandal ko muna ang bike sa railing at umupo sa damuhan. Hanggang sa unti-unti ng nawawala ang liwanag sa langit. Patapos na ang fireworks display kaya paunti-unti na ring nagsisialisan ang mga tao sa paligid.
Hindi ko maiwasang hindi tignan ang babaeng kanina ay tumatalon-talon kasabay ng fireworks display. Bigla itong naupo sa damuhan at naiwang mag-isa na lang. Nagdesisyon na akong tumayo at umalis nang mapansin kong may dalawang lalaking lumapit dito at pinipilit nilang itayo yung babae sa damuhan at pasanin. Mukhang nasa mid 40's na yung dalawang lalaki.
Hinayaan ko na lang ang dalawang lalaki. Sa isip-isip ko ay baka kakilala naman ng babae ang mga ito.
Pasakay na ko sa bike nang bigla kong makita ang mukha ng babae. Naalala ko ito at napahinto ako bigla.
Flashback..
Paglabas ni Janna ng Police Station, dumaan yung lalaking nakabike na humabol sa snatcher kanina. Nakita niya si Janna na sobrang nanlulumo na lumabas ng police station. Lalapitan niya sana ito para tulungan, kaya lang pumara na ito ng taxi at sumakay.
End of flashback.
Yun yung babaeng nasnatchan ng bag kagabi habang nagbbike ako.
---
(THIRD PERSON'S POV)
"Hmmm.." Tanging tunog na nasabi ni Janna nang binuhat siya ng dalawang lalaki para ipasan sa likod nito. Nabitawan niya ang bote ng soju pagkabuhat sa kaniya.
"Be careful, Beo Yong. She might wake up." Saway nung isang lalaki sa nagpasan kay Janna.
"Aigoo." Sagot naman nung Beo Yong. Parang bigat na bigat.
Maglalakad na sana sila nang biglang may lumapit sa kanila na lumabas sa dilim. Isang matangkad na lalaki. Naka Jacket ito ng itim, nakacap ng itim at nakafacemask ng itim at pants na itim. Napahinto ang dalawa sa paglakad ng humarang ito sa dadaanan nila.
"Yah. Mwohaneungeoya??" (Hey, what are you doing?) Tanong ng misteryosong lalaki sa dalawa. Sabay napatingin sa babaeng pasan pasan.
Nanlaki ang mga mata nung dalawang lalaki. "N-Nuguseyo?" (Who are you?) Nanginginig na sagot ng isa. "S-She's my daughter. I'm going to take her home!"
"Ahh.." Napatango yung lalaki. "But she doesn't even look like a korean." Nilapitan nito yung mukha ng babae at sabay tingin din sa mukha nung lalaki.
Iniwas naman nung lalaki si Janna doon sa lalaking humarang sa kanila.
"You will leave her alone?" Nilabas niya ang phone niya at akmang may tatawagan. "Or I'll call a Police?"
Dali-dali namang binaba ng lalaki si Janna at nagmamadaling tumakbo silang pareho palayo. "I'm not yet done with you!" Sigaw nung isang lalaki habang tumatakbo papalayo.
(LEE MIN HO'S POV)
Sinundan ko ng tingin ang dalawang lalaking nagmamadaling tumakbo habang natatawa ako. Napailing ako. "Waaa. I'm really good at acting." Sabi ko sa sarili. At napatingin na ako sa babaeng nakahiga sa damuhan na walang malay. Nakasuot ito ng long coat na color brown, nakatshirt na panloob at nakafaded blue na jeans at nakasneakers na white. Bubuhatin ko na sana ito nang maamoy ko ang malakas na amoy ng alak. "Aiisshh." napapaypay ako ng kamay dahil sa tindi ng amoy ng alak.
—-
Pasan-pasan ko na ang babaeng walang malay, dahil hindi ko naman ito maiaangkas sa bike. Iniwan ko muna ang bike ko. Nakalock naman iyon at walang makakakuha kung sakaling may magtangka.
"Ahh.. She's so heavy. Is this really a woman?" tanong ko sa sarili habang pasan-pasan siya.
"Help me.." bulong ng babae.
"Mwo? Mworago?" (What? What did you say?) Napahinto ako nang marinig kong parang may binulong yung babae. At nilingon ko ng kaunti ang ulo ko rito para marinig ko siya dahil hindi ko ito naintindihan.
Ilang segundo rin akong nakahinto. Pero hindi na ulit nagsalita ang babae. "Ara? I can't imagine myself doing something this. I only do this in the set. Gugeo Ara?" May tono na parang pinagagalitan ko yung babae at pairap kong sinabi na akala mo naman narinig ng nito ang mga sinabi ko. "Aiissh.. Why did I even interfere at first." Sagot ko sa sarili. At nagpatuloy na ako sa paglalakad.
---
Hindi ko alam kung saan ko ihahatid yung babae kaya idinaan ko ito sa may Police Station. Hindi pa ko pumapasok, dahil iniisip ko na makikilala ako ng mga Police dahil hindi naman pwedeng iiwan lang ito at saka aalis na lang basta. Kakausapin pa ko ng mga ito at magtatanong ng kaunting detalye. Ayaw kong mangyari yun dahil ayaw kong kinabukasan, headline na ako sa mga online website at news lalong-lalo na sa dispatch dahil lang sa babaeng tinulungan ko mapagkakamalan pa kong nakikipagdate. At malalaman na ng marami na pagala-gala ako sa gabi at hindi na ako muling makakapagbike. Lalong-lalo na at pagbabawalan na ako ni Lee Yoon Jung, ang ate ko.
"What should I do now?" tanong ko sa sarili. Napalingon ako sa kaliwa at kanan. Dahil masyado nang gabi, wala na gaanong mga sasakyan ang dumadaan at may pailan-ilan na lang na mga tao.
Nakakita ako ng bench sa tapat ng Station. Meron na kong naisip gawin. Pero bago iyon, muli akong luminga ng kaliwa at kanan para siguraduhing walang makakakita sa kin. Huminga muna ako ng malalim.
"Miane, this is all I can do." Ibinaba ko ng dahan-dahan ang babae sa bench. Napahiga ito na pabagsak ang isang kamay at paa sa bench. Ipinatong ko ang kamay nito sa katawan at iniangat ko rin ang kabilang paa sa bench at saka umalis.
---
Naglalakad na ako palayo nang napatigil ako sandali at para bang may nagsasabi sa kin na balikan ang babae. Napapikit at napakagat ako sa labi at tila nag-isip sandali kung ano ang pwede kong gawin.
"Why do I feel so guilty? Wae?" Sabi ko sa sarili. "Aiiiishhh!" Napakamot ako sa likod ng ulo.
YOU ARE READING
The Actor and I
Fanfiction"I wasn't ready for you but there you were and there I was now here we are and somewhere in-between you became my favorite coincidence.."