CHAPTER 3

3 1 0
                                    

Nakatulog din ako ng dalawang oras pagkarating ko sa Hotel. Bigla kong naalala yung sinabi nung receptionist sa kaniya kanina.

"There used to be a saying here in Korea that If you are out in the first snowfall of the season with someone you like, true love will blossom between you."

"Tss.." I grinned. Naalala ko nga palang wala akong boyfriend. And to be exact, NBSB. As in No Boyfriend Since Birth. Napatingin ako sa orasan. 1:30pm palang. Oo nga pala, isang oras lang ang difference ng Seoul sa Manila. Kaya 12:30pm palang sa Manila. Naalala kong sinabi nga pala ni Mimay na tawagan ko siya kapag nakarating na ako. 

Kinuha ko ang phone ko at inopen ang messenger para ivideocall si Mimay.

Nagriring na ito. At maya maya'y sinagot na ito ni Mimay. Sakto breaktime at nasa lockers area ito.

"Hello, Mimay! Nandito na ako." Masayang bati ko sa kaniya.

"Hay, salamat at maayos kang nakarating. Kumusta? Iniisip talaga kita kasi akala ko nascam ka." Kitang-kita ang pag-aalala niya sakin.

Napangiti ako at nagpapasalamat dahil may kaibigan akong katulad ni Mimay.

"Sorry, Kakagising ko lang kasi. Natulog muna ako kaya late na ko nakatawag. Kamusta si Laté? Mimaaaay! Sobrang ganda dito. Sana kasama kita." patakbo akong pumunta sa bintana ng hotel para ipakita sa kaniya ang lugar. "Ang ganda dibaaaa. Nakakakilig."

"Enjoy! Next time tayong dalawa mamasyal. Ingat ka ah. Tawag ka lang. Sige na, kumain ka na. Ingat! Ibababa ko na kasi naiinggit na ko. Haha."

"Don't worry, next time tayong dalawa na yung mamasyal, uuwi akong jowa ko na si Lee Min Ho. Hahahaha!" Sagot ko.

"You wish. Hahaha. Osige na, malapit na matapos yung break magreready pa ko. Ingat ka. Tawagan mo lang ako ha. Bye!" Nagwwave na siya sakin at sabay nag off na yung screen.

Pagkatapos kong kumain ng lunch sa hotel, ay nagpasya na ako na mamasyal na. Meron akong dalang map at guide kung ano ang sasakyan ko sa mga pupuntahan. Unang nearby place na pupuntahan ko ay ang kilalang Gyeongbokgung Palace.

Gyeongbokgung Palace. The first royal palace to be built in 1395, Gyeongbokgung Palace is filming site to many Korean dramas like Rooftop Prince, Queen In-Hyun's Man and Moon Embracing the Sun. Grand Palaces in Korea, served as the main palace during Joseon Dynasty.

Excited ako dahil ito yung famous na lugar kung saan pwede kang magsuot ng traditional Hanbok at ayusan na parang sinaunang tao ng korea. 17 minutes away lang ito sa Hotel kung saan ako nakacheck in.


---



After 17 minutes na paglalakad, nakarating din ako sa wakas! Bago ako pumasok ay Nagselfie muna ako gamit ang monopad na dala-dala ko, since wala namang kukuha ng pictures ko. Pagkapasok ko ay nagbayad ako ng entrance fee which is 3,000 won, P150.00 lang sa Ph peso.

Sobrang manghang-mangha na naman akoooo. Dahil napapanood ko lang ito dati sa mga kdrama, ngayon, nakatungtong na ako rito. Syempre hindi ko papalampasin ang pagsusuot ng Traditional Hanbok. Pinili ko ang combination ng Pink na panloob at White na pantaas na may red na ribbon kapartner ng hair accessories at purse na color pink din. 

"Dangshinun yepuda." (You're Pretty)  Sabi nung mid 40's na babaeng nag-ayos sa kin.

Di ko masyado maintindihan. Ang naintindihan ko lang e yung 'yepuda' meaning pretty daw. Haha!

"Kamsahamnida Samonim." (Thank you, Ma'am) Sagot ko naman rito. Nag-abot ako ng 17,000 won, katumbas ng P700.00 sa PH peso. Pagkatapos nun ay nagpapicture ako rito para naman may kuha akong hindi puro selfie lang.

Lumabas na ako at nagsimulang maglakad-lakad suot ang Traditional Hanbok. Syempre, feel na feel ko ang moment na yun. Isipin mo, magagamit ko yun ng 4hrs. Ibigsabihin, 4 hrs. kong iimagine yung sarili ko na ako si Hae Soo ng Scarlet Heart Ryo. Hahaha! Since pagkatapos nun ay pupuntahan ko naman ang Myeongdong sa gabi.

After 4 hrs. Nagpalit na ako at dumiretso sa Gyeongbokgung Station at sumakay ng bus papuntang Myeongdong station which is base sa map ay 15 mins away lang. Kilala ang Myeongdong dahil ito ang shopping area ng Seoul, kilala sa mga bilihan ng mga memorabilias, luxury stores, cosmetics, merchs, mga kung anu-anong pasalubong. Kilala rin ang Myeongdong sa mga street foods. Gusto kong bilhan ng thank you gift si Mimay dahil siya ang guardian ni Laté.

Sobrang natakam ako ng makita ko ang mga bumungad sa aking mga nagtitinda ng street foods. Nakakita ako ng fish cakes, stir fried-noodles, tteokbbokki and marami pang iba na nakikita ko lang at nagpapatakam sa kin sa tuwing nanonood ako ng kdrama.

"Eomugjuseyo" (Fishcake please) Tinuro ko yung fish cake na sobrang kinatatakaman ko talaga. Kumuha na ako ng mga nakastick na fish cake at sinimulan ko na itong kainin. Nakasampung sticks ako ng fish cake.

Pagkatapos nun ay naglakad na ako ulit habang kumakain naman ng corndog. Sobrang pinatakam din ako nito. May mga free taste din bago ka bumili ng mga pasalubong. Sa mga free taste palang nabusog na ko. Hanggang nakarating ako sa mga bilihan ng cosmetics. Mahilig ako sa liptint. Kaya napahinto ako sa isang store at nagtry nang nagtry ng mga sampler nito.

Nakabili ako ng tatlo, dalawa para sa kin at isa kay Mimay. Naalala ko kasing 20k lang ang pocket money ko, marami pa kong araw at marami pa kong gustong puntahan kaya babalik na lang ako sa mga huling araw ko rito.

Naalala ko si Mimay kaya chinat ko ito para tanungin kung ano ang gusto nitong pasalubong.

"Hindi siya online. Di bale, chat ko na lang mamaya."

After ko sa myeongdong ay sumakay na ko ng Bus pabalik ng hotel.

----------------------------------------------------------------------------------

Hi! Disclaimer, since nasa Korea na si Janna, expect some korean words po. And imagine some of the conversation is in korean language. Eenglish ko na lang, kasi konti lang alam kong korean word. Thanks to Google Translate and naTrain ako ng Kdrama. Hahaha. Hope you like it.

Please vote po! 💕

The Actor and IWhere stories live. Discover now