CHAPTER 4

3 1 0
                                        

Habang nasa taxi pabalik ng hotel, nadaanan namin ang Gwanghwamun Square, kung saan ginanap ang unang pagkikita ni Lee Gon (Lee Minho) at Jeong Tae-Eul (Kim Go Eun) nitong ongoing kdrama ni Lee Min Ho. Napatigil ako at parang nagslowmo ang buong paligid nang makita ko iyon.

Nanlaki ang mga mata ko at parang kumislap dahil sa nakikita ko. Napatingin ako sa Driver.

"Ahjussi, would you mind pulling over to the side? I want to go down." Sabi ko sa Driver. Hininto naman nito ang sasakyan sa tabi. Mabuti at naintindihan nito ang english ko, may mga ilan kasi na hindi nakakaintindi ng English mabuti na lang may google at nakakapagcommunicate ng maayos.

Inabot ko ang bayad dito. At nagpasalamat.

Pagbaba ko, eto na naman ako, iniimagine yung eksena sa TKEM na unang pagkikita ni Lee Gon at Tae-Eul habang dahan-dahang naglalakad ng nakapikit at dinadama ang paligid. Iniimagine si Lee Min Ho na papalapit sa akin.



"Yaaaaah! Sillyehamnida!" (Hey, Excuse me!) Hindi ko alam kung imagination ko parin ba ito? Pero parang pamilyar yung boses na naririnig ko.

Napamulat ako nang marinig ko ang isang boses na papalapit sa kin. Isang lalaking nagbababike. Naka all black ito, nakacap at nakafacemask. Kaya hindi ko makita kung ano ang itsura niya.

Paiwas na sana ako sa daraanan nung lalaki ng biglang may humablot sa dala-dala kong sling bag at napatumba ako dahil sa malakas na pagkakahablot nito sa akin. Nakalayo na yung lalaking humablot ng bag ko, bago ko pa marealize na nasnatch ang bag ko. Dali-dali akong tumayo.

"Help me! Someone stole may bag!!!! Dowajuseyo!" Sigaw ko habang nakahawak ako sa kanang braso ko na tumama sa sahig.

"Dowajuseyo!!" (Help!) Sigaw ko ulit. Habang nakahawak sa kanang braso.

Sinundan naman nung lalaking nakabike yung lalaking humablot ng bag ko.



---

(THIRD PERSON'S POV)

Sinundan nung lalaki nakabike yung tumatakbong snatcher.

"Yah!" Sigaw nito habang hinahabol yung snatcher.

Panay lingon naman sa kaniya nung snatcher habang mabilis na tumatakbo para iwasan siya. Sumuot ito sa pinakamasisikip na eskinita para lang hindi na siya mahabol. Nagshort cut naman yung lalaking nakabike dahil hindi kakayanin ng bike niya na pumasok sa masikip na eskinita.

"Eodiya?" (Where are you?) Habang hingal na hingal itong nagpapadyak ng bike. "Aiisssh!"

Pagkalabas niya sa pinagshortcut-an niya ay nakita niya ulit ang lalaki. "Dorawa! Yaaah! Aiiisssh!" (Come back!)

Hanggang sa hindi na niya kinaya dahil sobrang pagod na itong pumadyak. Napahinto na ito sa pagod napatanggal ng sumbrero at naibato niya ito sa inis. "Aisssh!"

Biglang nagvibrate ang phone niya na nasa bulsa.

Lee Yoon Jung Calling..




---



(JANNA'S POV)

Nasa police station na ako dahil dinala ako ng isa sa mga tumulong sa kin.

"Do you have any ID's or passport with you?" Tanong nung pulis habang nagtatatype ito.

"Y-yes. I do." Kinuha ko mula sa bulsa ang passport ko. Mabuti na lang at hindi ko ito nailagay sa sling bag, kung hindi ay nakasama pati ito sa nasnatch. Nanginginig pa ang mga kamay kong nang Iniabot ko ito sa police na kumakausap sa kin. "Here, Sir." Maluha-luhang pagkakasabi ko.

"J-anna Cruz, from Philippines." Sabay type ulit. "Hotel?"

"F-four Season Hotel." Sagot ko. "Ajhussi, Please help me to get my bag back. I have no money here. It's all in the bag. Please?" Naiiyak kong pagkakasabi. Wala na kasi talaga akong pera kundi nandun na lahat sa bag. Pati ang cellphone ko nakasama sa bag. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar at firstimer lang ako rito. Sa lahat naman ng pwedeng mangyari, e manakawan pa talaga.

"Okay, don't worry we will do everything to help you." Sagot ng officer sa korean language.

Hindi ko man masyado naintidihan pero pakiramdam ko naman ay maganda naman ang sinagot nito sa kin. "Thank you, Sir." Yan na lang ang tangi kong nasabi.

"For now, go back to your hotel first. We will just call the hotel for an update." Napatingin yung police sa orasan. Mag aalas-dose na nang madaling-araw. "You need to rest. It's almost midnight." Tumayo na ang police at ginuide ako nito papalabas ng station at inabutan ako ng pera pamasahe sa taxi pabalik ng hotel.



---

Paglabas ni Janna ng Police Station, dumaan yung lalaking nakabike na humabol sa snatcher kanina. Nakita niya si Janna na sobrang nanlulumo na lumabas ng police station. Lalapitan niya sana ito para tulungan, kaya lang pumara na ito ng taxi at sumakay.

---




Manila, Philippines

(RINA'S POV)

"Yes, pasok kayo para makita niyo po yung buong bahay." Sabi ko sa mag-asawang buyer habang nakangiting ipinakita ang bahay.

Napangiti at nagsasang-ayunan ang mag-asawang buyer na kasama ko. Napatingin sakin yung lalaki. "Maganda siya ah. At alagang-alaga. Gustung-gusto ng asawa ko."

"Ay totoo po yan. Sobrang alaga po namin 'tong bahay na 'to. Sobrang marami rin pong memories kaya, kahit ayaw namin iwan, e kailangan po talaga e." Sagot ko sa kanila.

Napatango naman yung babae habang nililibot ng paningin ang bahay. "Bakit niyo nga pala binebenta 'tong bahay?" Tanong nung babae.

Napaisip ako bigla. "Ah-eh, mag aabroad na po kasi kami. Opo, sa US na po kami titira ng Mother ko. E wala naman po kaming ibang kamag-anak na pwedeng pag-iwanan, kaya binebenta na po namin." Sagot ko.

"Okay!" Sabi nung lalaki. "We will get this." Ngiting-ngiti ako ng sabihin yun nung lalaki. "Kelan ba pwede magpirmahan ang mga papers?" dagdag nito.

Napakagat labi ako sa saya. "Uhmm. Well, sir. Kung talagang desidido na po kayo, we can do that, today. Ready na po yung mga papers." Agad-agad kong sabi.

The Actor and IWhere stories live. Discover now