Chapter 3
"Good morning, Ate Mav!"
Ngumiti ako nang salubungin ako ni Andy pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng flower shop.
"Good morning din," balik kong bati sa kanya. "Ang aga mo yata pumasok ngayon?" I asked dahil usually, ay hapon pa ang pasok niya rito as a part-timer.
Inilapag niya sa isang tabi ang kumpol ng mga bulaklak na kanyang hawak bago ako nilingon.
"Wala ka bang kalendaryo? Holiday ngayon," natatawa niyang sabi na para bang ang tanga ko dahil hindi ko alam na holiday ngayon.
Pabiro ko siyang inirapan. "Siyempre, alam kong holiday ngayon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandito ka na ngayon, e, 'di ba pang-afternoon ang shift mo?"
Naglakad siya papunta sa may counter kaya sumunod ako sa kanya.
"Yes. Pero dahil wala namang pasok, ay pinili ko na lang na pumasok nang maaga," sagot niya habang sinisimulan nang ibalot sa dyaryo ang mga bulaklak na linggu-linggo kong binibili rito.
"You're so industrious, aren't you?" I rested both of my elbows on the counter as my eyes fixed on the flowers she was wrapping. "Holiday ngayon, and you should be in home, relaxing, you know?"
She laughed at me bitterly. "Wala 'yan sa bokabularyo ko at alam kong alam mo 'yon," she replied, and for a moment, bigla akong nagsisi sa sinabi ko sa kanya.
I sighed. "Sorry," I apologized. "It's just that, gusto ko lang na i-enjoy mo ang buhay."
Tumigil siya sa ginagawang pagbabalot ng bulaklak upang bigyan ako ng isang malungkot na ngiti.
"Ini-enjoy ko naman. Hindi nga lang sa paraang kung papaano ini-enjoy ng iba ang mga buhay nila," she shrugged.
Umayos ako ng pagkakatayo ko before I tousled her ponytailed hair.
"Alam mo, ireto kaya kita sa kapatid ko? Sa sobrang bait mo, pakiramdam ko, mapapatino mo 'yon," pang-aasar ko dahilan para simangutan niya ako.
"Mas matanda ako ng dalawang taon doon, ano," napairap siya. "Besides, wala pa sa isipan ko ang mga ganoong bagay. I'm only seventeen, Ate Mav. Baka nakakalimutan mo?"
"Pogi naman si Moren, ah?" pamimilit ko dahil sigurado akong mapapaamo niya talaga ang kapatid kong sobrang sungit. "O, baka naman, may iba kang crush?"
Her face grimaced as she handed me the wrapped flowers. I chuckled.
"Umuwi ka na nga. Marami pa akong gagawin," pagpapaalis niya sa akin.
Natawa na lang ulit ako bago saglit na inilapag sa counter ang mga bulaklak upang kuhanin ang wallet sa aking shoulder bag.
"Good morning, Sir!" rinig kong bati ni Andy sa taong nasa likuran ko. Bahagya akong gumilid upang bigyan ng space iyong bagong customer.
Nasaan na ba 'yong wallet ko?
"Good morning."
Natigilan ako. Hawak ko na iyong wallet ko sa loob ng aking bag, pero tila nanigas ang buong sistema ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"White flowers, as usual?" I heard Andy asked.
"Yes. Thank you," the man replied, at kahit na hindi ako nakatingin, I felt like his gaze went on mine!
"Uy, Ate Mav? Wala kang pang-bayad?" pang-aasar ni Andy sabay halakhak. Kung hindi lang si Nicholo itong nasa tabi ko, ay baka na i-hampas ko na sa kanya itong bulaklak na binili ko.
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomancePaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?