Now ko lang natapos i-edit since daming ginagawa huhu. This is the last chapter, anyway, and thank you so much for making it till here! I'll post the epilogue once I finished editing it. Keep safe, everyone! Happy reading!
Chapter 15 (His Point of View)
My eyes are getting heavy and my surroundings began to spin as I continued pedaling my bicycle.
At bago pa ako tuluyang sumemplang, o maaksidente, ay kaagad ko nang inihinto ang aking bike at ngayon ko lang napansin na nasa tapat pala ako ng isang fast food chain.
Mariin muna akong napapikit at napailing-iling upang alisin ang pagkahilong nararamdaman bago ako naglakad akay-akay ang dalang bike upang isandal ito sa isang poste.
Hindi na rin ako nag-abala pang ikadena ito. Tuluy-tuloy lang akong pumasok sa loob habang pilit na binabalanse ang sarili para lang hindi matumba.
Nang makakita nang malapit na bakanteng mauupuan, ay kaagad akong naglakad para i-occupy iyon. I heavily sat myself on the chair before I lay down my aching head on the table.
Napahawak na lang ako sa aking ulo nang mas lalo itong kumirot nang pumikit ako.
Wala akong ideya kung ilang minuto na akong nakayuko rito sa puwesto ko. People may wonder kung pumunta lang ba ako rito para matulog, but it's least of my concern now. Ang gusto ko lang, ay ang mawala itong pagkalasing at pagsakit ng ulo ko para naman makauwi na ako.
But, I know it won't happen easily. Sa dami ba naman ng nainom kong alak kanina.
I was slowly drifting to sleep when I heard a sudden loud thud. Mabilis akong napaayos ng upo upang tingnan iyon, but it was a wrong move dahil mas lalo lang na lumala ang pagkahilo ko.
The staff apologized at us bago mabilis na pinulot ang mga nahulog na tray. I was planning to lay my head down again when my eyes caught something on the table.
It was a cup of coffee.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, and all of them are busy with their own business. Wala sa sarili kong kinuha iyong kape, and its hotness filled my cold hands.
Saka ko lang napansin na may sticky note palang nakadikit dito.
'Sober up!' was written on the sticky note. I don't have any idea who gave me this, but later on, I just found myself drinking the coffee.
And, it was surprising because it somehow lessen the dizziness that I was feeling a while ago.
Nang maubos ang kape, ay inayos ko muna ang suot kong cap bago ako tumayo at lumapit sa may counter.
"Excuse me, miss," I called the attention of the cashier.
"Yes, sir?" nakangiti nitong tugon.
I bit my lower lip as I stared at the cup of coffee on my hand for a while.
"By any chance, did you see who gave me this?" tanong ko habang ipinakikita sa kanya ang hawak na cup.
Still smiling, she shook her head.
"I'm sorry, but I didn't. Besides, marami rin ang nag-order ng kape kanina, kaya hindi ko rin malalaman kung sino man," sagot nito.
Ngumiti na lang din ako at nagpasalamat bago ako nagdesisyong lisanin na ang fast food chain.
My head still hurt, but I can now endure it. All I feel right now is curiosity about whoever gave me the coffee.
At imbis na itapon ang cup na wala ng laman, ay hindi ko ginawa. Instead, I put it inside my small bag before I started pedaling my bicycle again to go home.
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomancePaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?