Chapter 9
"Ikaw, wala ka pa bang nagiging boyfriend?" out of the blue na tanong ni Nicholo.
Kasalukuyan kaming nandito ulit sa bubungan ng jeep. Nakahiga ako ngayon habang pinagmamasdan ang mga bituin at si Nicholo naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ko.
Simula nang maabutan ko siyang nakatambay rito nung isang linggo, ay halos gabi-gabi na akong lumalabas para lang tumambay rito kasama siya. Alam kong hindi ko iyon gawain noon dahil pumupunta lang naman ako rito sa tuwing may gumugulo sa isipan ko, o kaya naman, ay sa tuwing hindi ako makatulog.
Pero ngayon, ay wala na sa dalawa ang dahilan nang paglabas ko.
"Almost," sagot ko dahilan para lingunin niya ako.
"Almost?" I nodded. "Why?"
Taas-kilay ko siyang binalingan ng tingin.
"So, curious ka ngayon sa love life ko?" I asked him back.
He shrugged. "You can't blame me. Puro tungkol kaya sa akin ang pinag-uusapan natin," sagot niya na ikinatawa ko dahil totoo iyon.
Sa mga nakalipas na gabi kasi na pagtambay namin dito, ay puro tungkol lang sa kaniya ang pinag-uusapan namin. Well, he's asking me naman about some things, pero the rest, ay puro tungkol na talaga sa kaniya.
"'Wag mo nang alamin," naiiling kong sabi sa kaniya. "Hindi naman importante 'yon."
Ibinalik ko ang paningin ko sa madilim na kalangitan na puno ng mga bituin ngunit nararamdaman ko pa rin ang ginagawa niyang paninitig sa akin.
"Come on," he urged. "Tell me what happened about your almost."
Muli ko siyang tiningnan at inirapan bago ako bumangon mula sa aking pagkakahiga.
"Well, sa 'yo ko pa lang ito sasabihin kaya maswerte ka," I told him while zipping my jacket dahil biglang humangin nang malakas.
He chuckled. "Alright. I'll listen."
Malalim muna akong napabuntong-hininga bago nagsimulang magkuwento sa kaniya.
"It happened noong fourth year high school ako," I began. "There was this guy na school mate ko na bigla na lang nagparamdam at kalaunan, ay sinabing liligawan niya raw ako. At first, I rejected him kasi wala pa sa isip ko ang magka-love life that time, plus the fact na hindi pa ako pinapayagan na magka-boyfriend ng parents ko."
"You rejected him," he said, amused. "Then?" I rolled my eyes at him before continuing.
"But, he was so persistent, you know? Kaya naman pumayag na rin ako since nagsisimula na rin naman akong magkagusto sa kaniya," pagpapatuloy ko.
Hindi ko tuloy maiwasang ma-cringe habang inaalala ko ang mga pangyayaring iyon.
"He's been courting me for almost six months, and of course, hindi alam ng parents ko ang tungkol doon," sabi ko pa na ikinailing niya. "February na that time, and magkakaroon kami ng prom for that month, kaya naman I decided na sa mismong prom namin ko siya sasagutin."
"Ang romantic mo palang tao?" he teased. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gusto mo pa bang magkuwento ako?"
Natatawa siyang tumangu-tango. "Yes. Please, continue."
"So, iyon na nga. I feel so excited, but at the same time, nervous, when our prom day came. I can totally imagine what could happen kapag sinagot ko na siya. You know. First dance. First boyfriend. And probably, first kiss?" Tiningnan ko si Nicholo at nahuli ko siyang nagpipigil ng tawa.
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomancePaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?