Hindi na nasusunod ang everyday update ko huhu dami kasing pinagagawa. Anyway, happy reading!!
Chapter 12
"Found the one for me."
I heaved a sigh when those five words echoed on my mind once again. Nicholo was still standing in front of me, and I was really thankful na naka-blindfold siya ngayon, that's why hindi niya makikita ang namumula kong pagmumukha sa mga sandaling ito.
"Were you all guys sure sa mga napili ninyo?" The host asked, and the men nodded their heads.
Napatitig ako kay Nicholo na seryoso lamang sa aking harapan.
"Very well, then," he said. "Now, girls, it's time for all of you to take their blindfolds off their eyes."
After the host announced it, ay isa-isa na ngang tinanggal ng mga babaeng katabi ko ang mga blindfolds ng mga partners nila. Hindi ko alam kung bakit kumakabog nang malakas itong puso ko habang dahan-dahan ko ring inaalis ang blindfold na nakatakip sa mga mata ni Nicholo.
Nang tuluyan ko na itong matanggal, ay muli siyang napangiti nang makita ako.
Sad'yang nakakahawa ang ginagawa niyang pagngiti, kaya naman hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti.
"You're good at finding, huh?" I joked.
"Not really. Malakas lang talaga ang pakiramdam ko na ikaw na ang hinahanap ko," seryoso niyang saad dahilan para mapaiwas ako nang tingin.
Okay. What does he meant by that?
Hindi na ako umimik pa dahil muli na ring nagsalita ang host. When he confirms that everyone of the men chose the right ones for them, he happily announced that everyone of us won the game.
He also said na gusto niyang marami ang manalo, that's why the game was so easy. The people who didn't join the game got a discount kaya naman talagang tuwang-tuwa ang lahat.
"See? Mabuti talaga at napili tayong sumali!" Shiela beamed while we're both walking to the comfort's room. Iniwan na muna namin sina Nicholo at Fred sa hall dahil nagyaya itong si Shiela na magbanyo raw muna kami bago tuluyang umalis.
Naunang pumasok sa isang cubicle si Shiela habang ako naman, ay ipinatong ko muna sa may sink ang mga dala naming bag bago ako napatingin sa malaking salamin na nasa aking harapan.
Ayaw ko mang bigyan nang kahulugan ang mga sinabi ni Nicholo kanina, ay hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Nakakainis lang dahil hindi na mawala ngayon sa akin na umasang may gusto rin siya sa akin.
Paano ba kasi mawawala 'tong pagkagusto ko sa kanya? Kasi, feeling ko habang mas tumatagal na napapalapit ako sa kanya, ay mas lalo lang akong nahuhulog.
Gustuhin ko man na iwasan siya, ay sigurado akong magtataka ang isang 'yon kung bakit ako umiiwas. At alangan naman kasing sabihin kong iniiwasan ko siya dahil may gusto ako sa kanya, 'di ba?
I don't have plans to confess my feelings for him. Siguro, kapag nasa London na kami, ay saka ko pa lang magagawang makalimutan itong nararamdaman ko para sa kanya.
But, for now, ay hahayaan ko na lang muna siguro ang sarili ko na magkagusto sa kanya. Hahayaan ko na lang muna ang sarili ko na umasa na baka kahit papaano, ay magkaroon nang maliit na pagkakataon para sa aming dalawa.
Besides, hindi naman masama 'yon, 'di ba? Ang umasa kahit na walang kasiguraduhan?
Pero ang masaktan, ay posible pa.
"Huy! Tutunganga ka na lang ba riyan?"
Nabalik ako sa sarili ko nang magsalita si Shiela sa aking tabi. Sa sobrang dami kong iniisip, ay hindi ko na namalayan ang ginawa niyang paglabas mula sa cubicle.
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomansaPaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?