Chapter 13
"Congratulations to us!"
My smile widened when Shiela pulled me for a tight hug. Maging ang iba pa naming mga kaklase, ay nakisali na rin kaya naman mas lalo akong napangiti sa group hug na ginawa namin.
Nang kumalas, ay pasimple kong pinunasan ang luhang kumawala mula sa aking mata, pero nakita iyon ni Shiela.
"Tears of joy?" she asked, and I could also see the threatening tears in her eyes.
Tumango ako at ngumiti.
"Yeah. Worth it ang four years natin sa college dahil dito," sagot ko sabay pakita sa diplomang hawak.
"Mavi, Shiela! Picture!"
Sabay kaming lumingon ni Shiela kay mama na may hawak na DSLR camera. She focuses it on us and took a lot of pictures of me, Shiela, and my other classmates who joined us as well.
"We're having a party in our house," Fred said. "Wanna come? Sasama naman si Shiela."
Ngumiti ako at umiling. Gustuhin ko mang pumunta, ay hindi puwede dahil may plano na kami mamaya.
"Sorry, I can't. We have a family dinner later," sagot ko na ikinatango nilang dalawa.
"It's fine. Marami pa namang next time," ani Fred na bahagyang nagpawala sa aking ngiti.
Next time? I don't think so. We're about to leave this country after a week, so there would be no next time, I'm afraid.
After the picture takings, tight hugs, saying goodbyes and good lucks, me and my family left the campus.
My heart is so heavy right now as we walk knowing that this would be the last time I will be here. I had spent years of studying in this university, and I won't deny the fact that I'd miss going in here.
Nang makarating na kami sa bahay, ay kaagad nang dumiretso si mama sa kusina para magluto nang magiging dinner namin mamaya.
Ako naman, ay umakyat muna sa kwarto ko upang makapagbihis. I was about to take off my dress when something caught my eyes.
Mabagal akong naglakad palapit sa aking kama habang tinitingnan ang isang malaking bouquet ng bulaklak at sa katabi noon, ay may box na nababalutan ng gift wrapper.
Sandali pa muna akong natulala habang iniisip kung kanino nanggaling ang mga ito bago ako nagdesisyong umupo sa aking kama para tingnan iyong card na nakalagay sa may bouquet.
Inakala ko talaga nung una na nanggaling ito kina mama at papa, pero kaagad na napaawang ang bibig ko nang malamang hindi.
Congratulations, Ma'am Architect!
Hope you like my gift. I wanted to give it to you personally, but I'm currently out of town for my work, kaya ipinasuyo ko na lang kay Moren. Anyway, enjoy this day, Mavi.
- Nicholo
Ilang beses akong napakurap habang paulit-ulit na binabasa iyong nakasulat sa may card.
I wasn't expecting this! I know he knew na ngayon ang graduation ko, but I never expected na bibigyan niya ako ng regalo dahil sapat na rin sa akin itong kuwintas na ibinigay niya sa akin.
Nung gabi rin na 'yon ang huling beses na nagkausap kami at nagkita dahil after that, ay mas lalo na akong naging busy sa OJT at sa mga requirements na kailangan kong i-accomplish.
Hindi na rin ako tumatambay pa sa bubungan ng jeep tuwing gabi. Inakala kong ganoon din si Nicholo, pero nung sinubukan kong sumilip noon isang gabi, ay nakita ko siyang nakaupo ro'n habang nakatingala sa langit.
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomancePaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?