Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5

"Ang bigat mo," Nicholo stated.

I scooped my hair once again when some strands loosened from my grasps.

"Hindi ko naman kasi sinabing i-angkas mo ako!" asik ko sa kanya. "Kung nabibigatan ka sa 'kin, maglalakad na lang ako--"

His chuckles cut me off.

"Just kidding," bawi niya kaagad. "You're as light as a feather, you know? Kumakain ka pa ba?"

Isang irap ang pinakawalan ko at hindi sinagot ang kanyang tanong.

Inabot na kami kanina nang dilim doon sa may High Lands City. I told Nicholo na kaya ko pa namang maglakad papuntang sakayan, but he insisted na i-aangkas niya na lang daw ako para mas mapabilis kami.

Nung una, ay ayaw kong pumayag. Of course, it was because that would be very awkward for me to ride with on his bike! Yes, I'm aware na wala lang naman kung i-aangkas niya ako, but what would anyone I know think kapag nakita nila akong angkas-angkas niya sa kanyang bike?

But, then, naisip kong wala namang masama roon. He was just being kind. Besides, baka may mga kailangan pa siyang gawin, and need niya na kaagad na makauwi sa kanilang bahay, pero siyempre, kung ipipilit ko pa na maglalakad na lang ako, ay mas mapapatagal pa ang pag-uwi niya dahil paniguradong sasabayan niya ako hanggang sa terminal ng jeep.

Pero sinabi ko rin naman sa kanya na kaya kong umuwi mag-isa, though natatakot akong maglakad since madilim na rin ang daan mula roon sa may HLC.

Saka, naisip ko rin na mabilis din naman kaming makararating sa sakayan kung aangkas ako sa kanya, kaya naman sa huli, ay pumayag na lang ako.

Pero ngayong nakaangkas na ako sa kanya, ay parang gusto ko siyang sapakin nang sabihin niyang ang bigat ko!

"Doon mo na lang ako ibaba," turo ko sa isang tindahang malapit na sa sakayan ng jeep.

But, instead na ibaba ako roon, he just continued pedaling his bicycle.

"Saan ang bahay niyo?" he asked, and I felt his breath on the back of my neck.

Napalunok ako. "H-Hindi mo na ako kailangang ihatid." Muli akong napalunok nang mautal.

"Rush hour na. Mahirap nang sumakay," he retorted. "Kaya ihahatid na lang kita."

"Pero malayo pa ang bahay namin.." napalabi ako, ".. mapapagod ka."

Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha, bakit pakiramdam ko ay nakangiti siya ngayon? Or feeling ko lang 'yon?

"It's fine. Sanay naman ako. Halos araw-araw rin naman akong nagbi-bike, so there's no difference at all."

"Sigurado ka?" I reassured, and I felt his chin on my left shoulder as he nodded his head, that's why it leave me no choice but to tell him where I live.

Pagkatapos no'n, ay kaagad akong nagtaka nang bigla niyang inihinto sa isang tabi itong kanyang bike.

Ang akala ko ay pabababain niya na ako at sasabihing mag-jeep na lang ako dahil malayo pa nga talaga ang bahay ko, pero hindi naman siya nagsalita. Kaya naman, marahan na lang akong lumingon sa kanya, and I found him looking at me as well.

"Sabi ko naman sa 'yo, e. Malayo ang bahay namin," wika ko at akmang bababa na sana ako nang pigilan niya ako.

Muli akong napaangat nang tingin sa kanya.

"Are you serious?"

Kumunot ang noo ko. "Seryoso saan?" naguguluhan kong tanong.

"About your address."

You're The One For Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now