Hi! I cut the chapter 14 pala into two parts dahil masiyado nang mahaba kung sa iisang chapter lang. Thank you, and happy reading!
Chapter 14 (Part 1)
The scenery outside became blurry in my eyes as we passed by through the bridge because of the speed of the taxi.
But, in spite of that, I can still vividly remember on my mind the time when Nicholo brought me here just to stare at the sea below, the stars and the moon above the dark sky... and the first time he sang a song for me.
And I still can't believe that in just an hours from now, we're about to leave this country... for good.
Habang nasa taxi kami ngayon, ay hinahayaan ko lang ang sarili ko na alalahanin ang mga times na nakasama ko siya. Kasi, like what I've said, kapag nakarating na kami sa London, ay hindi ko na ulit siya iisipin pa. Na tuluyan ko na talagang kalilimutan itong nararamdaman ko at para na rin tuluyan na akong makausad sa kanya.
Alam kong mahirap na gawin iyon sa umpisa, pero kailangan ko. At ngayon pa lang, ay aaminin ko nang sobra na akong nasasaktan dahil ni hindi man lang nagkaroon ng pag-asa itong nararamdaman ko.
I told myself na ibabalik ko kay Nicholo iyong mga art mats na iniregalo niya sa akin, but I end up not doing it kasi hindi ko alam kung papaano ko ibabalik sa kanya ang mga 'yon.
Our last conversation and meeting on Kurt's birthday was really a goodbye. Pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya, ay wala na akong mukha pa na maihaharap sa kanya.
I mean, I know naman na hindi ako literally na umamin, but I know he's not that numb enough para hindi maintindihan ang gusto kong ipunto sa kanya nung mga sandaling iyon.
And somehow, bigla kong naisip, paano kaya kung umamin na ako sa kanya that time? Ano kaya ang mangyayari?
I wonder what would be his reaction? I wonder what will he do? Is he going to reject me, and tell me that he only sees me as a friend, or what?
Hindi ko alam, pero may takot sa puso ko sa kung ano ang maaari niyang maging reaksiyon, but at the same time, ay curious din ako sa kung ano ang sasabihin niya oras na umamin ako.
Malalim na lang akong napabuntong-hininga nang matanaw ko na ang airport. Kung sina mama, papa, at Moren, ay sobra nang excited sa gagawin naming pag-alis? Kabaliktaran naman no'n ang nararamdaman ko.
Kasi, ni katiting na kasiyahan o excitement, ay wala man lang akong maramdaman ngayon.
Sobrang bigat lang ng dibdib ko at naninikip na tila ako kakapusin ng hangin lalo na nang huminto na itong taxi sa mismong tapat ng airport.
Patuloy lang akong nakatulala sa labas nang makita kong bumaba na sina mama at papa para kuhanin ang mga luggage namin. Ngiting-ngiti pa sina mama sa driver ng taxi na tinutulungan sila sa ginagawang pagkuha ng mga gamit.
Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang kamay ni Moren sa balikat ko.
"Okay ka lang?" rinig kong tanong niya.
Dumilat ako bago ko siya nilingon. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
"Oo naman. Tara na?" sagot ko at akmang magsasalita pa sana siya, pero binuksan ko na ang pinto sa side ko at bumaba na.
Sakto namang tapos na rin sina mama sa pagkuha ng mga luggage namin.
Lumapit na kami ni Moren sa kanila bago kami sabay-sabay na naglakad papasok sa loob.
I felt like I was floating as we walk inside the airport. People are gathered on the lobby, and most of them were just like us, ready to leave this country.
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomancePaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?