If you can, please play Stay by Cueshe while reading this chapter. Thanks!
Chapter 14 (Part 2)
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak dito habang ramdam ko pa rin ang mga mata nina Kurt at Joseph na nakamasid sa akin.
"Uh, Mavi, bibili lang kami nang maiinom mo. Dito ka lang," rinig kong sabi ni Kurt at hinayaan ko lang muna sila na umalis nang hindi umiimik.
Napayuko ako at muling pinunasan ang mga luha sa aking mukha.
Nakatulala lang ako sa kawalan habang nag-iisip sa kung ano na ang gagawin ko gayong wala naman akong napala sa pagpunta rito.
At ngayong wala na rito ang taong dahilan nang hindi ko pag-alis... mas mabuti sigurong sumunod na lang ako sa London lalo pa ngayong sigurado akong hindi ko kakayanin ang manatiling mag-isa sa bahay.
Napabuntong-hininga ako nang makita ang isang cup ng kape sa harapan ko.
"Thank you," I told Kurt, and I was stunned for a moment nang makita ang isang sticky note na nakadikit sa may cup.
'I'm here'
Kaagad na nanginig ang labi ko nang mabasa iyon. Mula sa cup, ay dahan-dahan akong nag-angat nang paningin at hindi si Kurt o Joseph ang naabutan ko.
It... It was Nicholo and he's smiling at me!
"Y-You..." I trailed off, my tears burst out once again like waterfalls from my eyes.
Halos mabitawan ko pa ang hawak na kape nang dahil sa panginginig ko.
"I'm here, Mav.." marahan niyang sabi na mas lalong nagpa-iyak sa akin. Akala ko nagha-hallucinate lang ako na nasa harapan ko talaga siya, but he spoke!
Napailing ako bago inilapag sa bakanteng upuan ang kape.
"B-But you..." Napalunok ako, hindi pa rin makapaniwalang narito siya ngayon sa aking harapan.
Umayos siya sa kanyang pagkakatayo nang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa akin.
"Hindi ako tumuloy.." he began. "You said you'll meet me here, that's why I'm here. I thought, namali lang ako nang dinig dahil ngayon din ang alis ninyo, 'di ba? But, I still chose to go here, kasi naisip kong paano kung nandito ka nga at hinihintay ako?"
Hindi ako nakaimik. Sa totoo lang, ay hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito kasi, halu-halo na ang mga ito sa akin.
Ilang beses akong napakurap habang pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Kanina ko pa gustong tumayo at yakapin siya para mas lalo akong maniwala na narito nga siya, pero wala naman akong lakas ng loob para gawin iyon.
My knees are trembling and I felt so weak for a moment and I don'r know why.
But, deep inside, I know I am so happy that he's here... Na hindi siya umalis at mas piniling puntahan ako rito.
Nang medyo kumalma na ako, ay saka ko pa lang nagawang tumayo sa kanyang harapan.
"I.. uh..." Napalabi ako.
Ano na, Mavi? Ito na ang chance mo! Umamin ka na!
"May sasabihin ako.." Diretso ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata.
"Ako rin," sagot niya. "Ikaw muna."
"H-Ha? Hindi, ikaw na muna."
Kumunot ang noo niya. "Ikaw na muna. Kaya mo naman ako pinapunta rito dahil may sasabihin ka, 'di ba?"
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomancePaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?