Chapter 11
I should be happy.
I mean, my father waited months for this. He always keep on saying to us that the company will hire him one day, and... they just did. He's now hired, and now, we're about to migrate in London after I graduated.
I should be happy, right? Kasi, noon pa man, ay alam ko naman na ang possibility na darating ang araw na aalis kami rito sa Pilipinas para mag-migrate sa ibang bansa.
But, why do I feel so sad, instead of being happy? Why was my heart is so heavy after I heard my father's news about us, migrating?
And, why do I seem not to want to leave?
Napahinga ako nang malalim.
My body already wants to rest, but my mind's fighting against it. Pagod na pagod ako ngayon nang dahil sa naganap na Valentine's week, pero ito ako ngayon, nakahiga ulit sa bubungan nitong jeep habang pinagmamasdan ang mga bituin sa madilim na kalangitan.
Alam kong dapat, ay natutulog at nagpapahinga na ako ngayon, pero ayaw kasi akong patahimikin nitong isipan ko.
Sa mahigit isang oras na pag-iisip ko rito at pagtatanong sa sarili ko, ay unti-unti kong napagtatanto ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis.
Dahil kay Nicholo at sa nararamdaman ko para sa kaniya.
Sinubukan ko namang pigilan, e. Pero, kapag puso na yata talaga ang tumalon, hindi na mapipigilan pang mahulog.
At first, ayaw kong i-entertain 'tong nararamdaman ko kasi baka nami-misunderstood ko lang 'yong mga actions niya towards me noon. Inakala kong mawawala rin ito dahil ilang buwan din naman kaming hindi nagkausap noon.
Pero, ganoon yata talaga kapag mas lalo mong hindi pinansin ang nararamdaman mo. Mas lalo lang itong lumalalim nang hindi mo namamalayan.
Okay. I admit. Nicholo is such a kind man, at aware akong isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kaniya. He also cares for everyone and super thoughtful niya rin.
But now, I wondered kung may chance bang magustuhan niya rin ako? I know it sounds so assuming, pero bakit niya naman ako ida-date kung wala siyang gusto sa akin, 'di ba?
Bahagya akong natawa sa mga naiisip ko.
'Yong pagiging assuming ko, ay sobra-sobra na. Hindi ba puwedeng, friendly date lang 'yon, Mavi? Kapag ba nakipag-date ang isang tao sa 'yo, ibig bang sabihin no'n, ay may gusto na 'agad?
Muli akong napabuga ng hangin.
Ngayong inamin ko na sa sarili ko na may gusto ako kay Nicholo, pakiramdam ko tuloy, ay hindi ko na alam kung papaano ko siya titingnan o kauusapin nang hindi naiisip na gusto ko siya.
At ngayong nalaman kong magmi-migrate na kami, ay alam ko na kaagad na kailangan ko na itong tigilan dahil alam kong wala rin naman akong mapapala.
Kasi, baka ako lang ang masaktan sa dulo kapag ipinagpatuloy ko pa ito.
"I told you to rest, didn't I?"
Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko, ay kaagad akong napabangon sa gulat nang bigla kong marinig ang boses ni Nicholo na hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala siya!
Gaano kalalim ang mga iniisip ko to the point na naging manhid ako for a moment?
Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil nagsisimula na namang magwala itong puso ko.
Parang kanina, ay iniisip ko pa lang kung papaano ko na kauusapin si Nicholo, o titingnan man lang ngayong inamin ko na sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, 'tapos bigla na lang siyang susulpot dito?
YOU ARE READING
You're The One For Me [COMPLETED]
RomansaPaano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee two o'clock in the morning?