Chapter 7

3 0 0
                                    

Chapter 7

"Kung kailan talaga pa-graduate na tayo, ay saka nila pagagandahin 'tong university," ani Shiela habang kumakain kami ng merienda rito sa may cafeteria.

Ininom ko ang kape na binili ko at napakibit-balikat.

"And take note, ha. Ngayon lang nila naisipang magpagawa ng cafeteria na malapit sa educ building!" reklamo pa niya na may kasamang paghampas sa lamesa.

"Edi mag-aral ka ulit. Hindi 'yong nagrereklamo ka riyan," sagot ko na sinimangutan niya lang.

"No thanks," she hissed bago magpatuloy sa kaniyang kinakain na french fries.

Nang matahimik na si Shiela, ay tinuluy-tuloy ko na ang pag-ubos sa kinakain kong bananacue.

Pero, parang gusto ko na lang ulit na marinig ang mga reklamo ni Shiela nang maalala ko na naman ang nangyari nung gabing iyon.

One week had already passed, at wala akong idea kung ano na ang naiisip na gawin ni Nicholo nang dahil sa mga sinabi ko sa kaniya.

I know he's not believing me, pero sana naman ay maisip niyang alamin kung nagsisinungaling nga lang ba ako sa kaniya, o hindi. But, I know it's also hard for him to confront Gwen about it. Kasi, hindi niya naman puwedeng basta-bastang tanungin na lang si Gwen ng, "Are you cheating on me?" 'di ba?

And I'm pretty sure Gwen won't tell Nicholo and Fred about the truth. Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon niya, pero umaasa akong gagawin niya kung ano ang tama. At kung may balak man siyang ipagpatuloy pa ang ginagawa niyang pangloloko, ay labas na ako roon.

I already did my part about telling Nicholo the truth. Hindi ko naman na kasalanan kung hindi siya naniwala sa akin,  'di ba? Mas mabuti nga sigurong 'wag na akong mangialam dahil hindi ko naman problema iyon.

Ako na nga iyong nagmagandang-loob, ako pa iyong lumabas na masama. Pero, naiintindihan ko naman kung bakit naging gano'n ang reaksiyon ni Nicholo. Gwen's his girlfriend, and he'll believe her more than me.

At siguro nga ay tama siya na hindi ko lubusang kilala si Gwen, pero alam ko naman ang ginagawa nitong pangloloko.

Nicholo's been so kind to me, kaya naman sinabi ko sa kaniya ang totoo kasi hindi niya deserve 'yon. I already considered him as my friend, at sobrang hirap sa akin na iwasan siya sa tuwing nakikita ko siya sa village namin.

Kapag nakikita, o alam kong magkakasalubong kaming dalawa, ay ako na 'agad ang unang umiiwas. Kasi, hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari kapag nagkalapit kaming dalawa.

And it's funny to think na kung kailan nagkakilala kami, ay saka pa kami biglang nagkakasalubong. Hindi katulad ng dati.

Wala akong idea kung kauusapin niya ba ako para humingi ng tawad sa mga nasabi niya, o daraanan lang ako at hindi papansinin kasi sino nga naman ba ako? Isang tao na bigla na lang magsasabi ng ganoon tungkol sa girlfriend niya.

Sana pala, nung una pa lang na nalaman kong may girlfriend siya, ay umiwas na talaga ako. Kung alam ko lang na magiging ganito ang kahahantungan ng lahat.

Malalim akong napabuntong-hininga. Hindi ko na talaga hahayaan ang sarili kong maging malapit ulit sa kaniya. It's better kung iiwasan ko na talaga siya nang tuluyan. Kasi, umpisa pa lang naman, iyon na dapat ang ginawa ko.

Parang bigla ko na lang tuloy gusto na ibalik ang dati kung kailan hindi ko pa siya kilala.

Saglit akong napatitig sa cup ng kapeng iniinom ko.

It all started because of a cup of coffee at hanggang ngayon, ay napapaisip pa rin talaga ako kung bakit ko nga ba siya binigyan ng kape noon? I wonder what will happen kung hindi ko ginawa iyon. Siguro, ay makikilala ko pa rin naman siya as our neighbor, pero ang makausap siya at maging kaibigan?

You're The One For Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now