Chapter 8

1 0 0
                                    

Chapter 8

Inaantok kong inilapag sa isang bakanteng stone table ang mga libro at bag ko bago ako umupo at napatitig sa mga estudyanteng dumaraan sa harapan ko.

Sinilip ko ang oras sa aking wrist watch and it's already past seven in the morning. Tiningnan ko rin kung may message ba sa aming group chat, pero wala akong natatanggap.

Truthfully, ay mamayang alas-onse pa talaga ang klase ko, but I was forced to wake up early dahil kailangan na naming i-finalize ang research paper namin.

Malapit na ang final defense namin, kaya naman kailangan na namin itong tapusin ngayong araw, pati na rin ang presentation na gagamitin namin. Besides, we still have lot of activities and projects na need tapusin bukod dito. Idagdag pa na kailangan na rin naming mag-prepare sa nalalapit naming internship.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.

Katatapos lang ng Christmas break, pero stress na stress na kaagad ako. Kulang pa ako sa tulog ngayon dahil napuyat ako kagabi para lang tulungan si Moren sa project niyang imbis na ginagawa niya during Christmas break, ay saka niya lang ginawa kung kailan malapit na ang pasahan!

Hindi ko ba alam sa isang 'yon na kahit tatamad-tamad sa acads, ay palagi pa ring nasa top!

Pakiramdam ko tuloy, ay buong araw akong lutang ngayon.

Muli akong napatingin sa wrist watch ko dahil hanggang ngayon, ay wala pa rin sina Shiela. Ang usapan namin, ay seven o'clock, pero 7:20 na, ay wala pa rin sila!

I took my phone from my pocket again and sent a quick message to our group chat bago ako antok na antok na yumuko sa lamesa upang umidlip muna saglit habang hinihintay na dumating ang mga late kong group mates.

I tried to drift to sleep, but I can't. Nanatili lang akong nakapikit habang nakayuko hanggang sa maya maya lang din, ay naramdaman ko nang may nag-occupy sa tabi ko.

Nakasimangot akong nag-angat ng ulo at handa ko na sanang sermunan ang sino man sa isang miyembro ng grupo namin na dumating, but my mouth hangs open nang makita kung sino ang nasa tabi ko ngayon.

"Good morning," he greeted with a smile on his lips.

Mula sa kaniya, ay nabaling ang paningin ko sa cup na inilapag niya sa harapan ko. Napalabi ako nang ma-realized na it was the same coffee na binibili ko roon sa may fast-food chain, as well as sa kapeng ibinibigay ko noon sa kaniya.

"U-Uhm, good morning din," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Shiela, nasaan na ba kayo?!

"Here. It's for you," aniya sabay turo sa cup ng kape.

Kagat-labi kong tinitigan iyong cup habang siya naman ay ramdam na ramdam ko ang ginagawa niyang pagtingin sa akin.

Gustuhin ko man na tanggapin iyong kape na ibinibigay niya dahil kailangang-kailangan ko iyon ngayon, ay hindi ko naman magawa.

I mean, after what I said to him noong nasa simbahan kami? He asked me kung puwede pa raw ba kaming maging magkaibigan, but I refused it for some unknown reason, and it was also the last time na nagkausap kami. Months had already passed, kaya naman hindi ko inaasahan itong biglaan niyang pagkausap sa akin.

Kasi, kahit na magkapit-bahay lang naman kami at palaging nagkikita, ay hindi na talaga kami nag-usap pa. I was afraid na baka hindi niya ako pansinin or what sa tuwing magkakasalubong kami, kaya naman as long as kaya kong umiwas, ay ginagawa ko.

Pero, ano ngayon kung hindi niya ako kausapin, 'di ba? I refused his offer to be his friend, 'tapos matatakot ako na baka hindi niya ako kausapin o pansinin?

You're The One For Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now