Chapter 21: Rival?

56 10 3
                                    

Kristine's POV

Saturday ang Valentines diba? So, nagplano kami na magdedate kaming apat sa mall! XD saya nun!

*toot toot* toot toot*

Wala akong oras para magbasa ng messages! Naggagayak ako! Pero wait, baka sila yung nagtext.

Loading text messages...

From: +639002345678

"HAPPY VALENTINES DAY! Miss nyo na ba ako?! Ako miss ko na kayo! Gusto ko na kayong patayen! How sweet! See you guys sa mall! Happy valentines ulet!" Oh cr*p! Ano bang gusto neto? Makikipagpatayan ako sige! 4 na message ang ganyan! Jusko!

at the mall...

Shen calling...

"Hello Kristine! Nandito nako! Nasan ba kayo?!" "Nandito nadin ako! Si Johann at Stav di ko pa din nakikita, kita na lang tayo sa foodcourt." "Ah sige, tatawagan ko na lang den si Stav, ikaw tumawag kay Johann." "Oh sige babay na at napakaingay dito sa foodcourt, bilisan mo Shen." "oo."

call ended...

Bakit ba naman kase hindi namin naisip na ganto kagrabe ang tao sa mall! Ang init init kahit parang tinodo na ng mall ang aircon nila! Tapos napakasikip! Yung feeling na tatangayin ka na lang ng alon! Oh! Napakaingay pa!

Johann calling...

"Hello! Nasan ka ba? Di ako makaalis sa foodcourt! Napakadaming tao!" Sabi ko.

"Hala?! Nasan ka?! Kasama mo na ba si Shen?! Nandito nako sa Foodcourt! Kapag nagkita kita na tayo aalis na tayong mall, punta na lang tayong ibang lugar, tsaka kasama ko na pala si Stav." Hooo! OOOXXXYYYYGGGGEEEEENN!

"Ano?! oy! Tin! Ayos ka lang ba?!" Di ko na kaya! HHHUUUWWAAAHHH!!!

"DI KO NA KAYA!!! LALABAS NAKOOOOO!" Sabi ko sa kanya as in sobrang exagge!

"Oh sige, Tawagan ko na lang din si Shen. Kita na lang tayo sa labas." Okay.

Habang papalabas nako, may biglang humawak sa kamay ko, di ko maaninag kung sino, parang nagdidilim yung paligid! Parang umiikot ako! Lalake, lalaki ang humatak sakin. Di ko makita! Bigla biglang lumalabo yung mga mata ko, parang kinakapos ako ng hininga. Shit!

Someone's POV

Parang kailangan niya ng tulong, di yata siya makahinga eh, sobrang sikip kase dito sa mall, kaya hinatak ko na siya papalayo dito sa bugso ng tao. Kawawa naman siya, ang cute pa naman niya, sayang naman kung mamamatay siya. Joke lang! Patay agad. Nawalan nga siya ng malay e, pano naman kase napakainit na dito! Eh kahit nga ako muntik na eh. Nandito kami ngayon sa Shed. Sino kayang kasama nito? Nasan ang cellphone niya? Tumutunog. Ah! Ayun!

Stav calling? Sino naman tong Stav? Boyfriend nya? Masagot nga.

"Hello Kristine! Nasan ka na ba? Pagod na pagod na kami kakahanap sayo! Tsaka bakit ngayon mo lang sinagot yung phone mo? Hoy! Ano?! Magsalita ka nga!" HB (high blood)!

"Ahm..." Ahm pa lang nasasabi ko bigla nanaman siyang sumigaw!

"Hoy! Sino ka?! Ikaw ba yung nagte threat samin! Hawak mo ba si Tin! Walang hiy-" Di ko na makayanan ang pinagsasabi nitong Stav nato, pero may problema padin ako. Wala pang malay Yung Kristine. Dalin ko muna sa bahay.

Btw, ako nga pala si Nikolo. Yes, Nikolo. Hindi ako nangte threat at mas lalong hindi ako mamamatay tao. Isa lang akong ordinaryong lalaki. Yes, kilala ko si Kristine.

sa bahay...

"Nikolo? Sino yan? Bakit mo karga karga yung babaeng yan?" Yan. Yung nagsasalita ay si Mama.

"Ah Ma, nakita ko kasi sa mall na parang hinahabol yung hininga, di pa nga po gumigising e." Paliwanag ko kay Mama.

"Eh nak, baka hanapin yan ng mga kasama nya, o kaya ng mga magulang niya. Tapos baka masisi ka pa ng kidnapping dahil diyan!" Si Mama, ganyan yan! Maalalahanin!

"Ma, kalma!" Sagot ko kay Mama.

"Sige, pumasok ka na at dalhin mo sa kwarto mo." Ha? Kwarto ko?! No way.

"Ma, sa kwarto nyo na lang." Sabi ko kay Mama.

"Oh sige." Sagot ni Mama.

after a few minutes...

Johann calling...

sino naman tong Johann na to? Daming nakapaligid na lalaki kay Tin! Argh!

"Hello! Kristine! Nasan ka na ba? Kanina pa ako nag aalala sayo, pati si Shen! Sino ba yung kasama mo kanina? Ha?" Hay, naguguluhan na talaga ako sa buhay ni Kristine. Secret lang pero alam nyo bang gusto ko tong babaeng to.

"Ahm... Johann right? Nawalan kase ng malay si Tin kanina sa mall. Kaya hinatak ko papalabas, ahm... wag kang mag alala safe siya, di ko siya papatayin or hindi ako yung nagte threat sa inyo. May tumawag kase kaninang Stav e, halos maibalibag yung cellphone niya." Hu. Kalamadong kalmado boses ko.

"Who are you? Kilala ka ba namin?" Sabi niya.

"Nikolo?!" Gising na si Kristine.

"Amina yung phone ko! Hello! Johann? Johann?" Hinablot niya sakin yung phone niya, may suot siyang singsing na matulis kaya nadaplisan yung kamay ko.

"Uuwi nako." Ha? Di manlang nagthank you!

"Ha? Eh Kristine ayos ka na ba?" Sabi ko.

"Oo, ayos nako." Di ko alam kung bakit e, pero parang mainit ulo niya.

"Di man lang nag thank you!" Sigaw ko.

"Thank you, o ayan! Masaya ka na?" Then inalog ko yung ulo ko ng taas baba.

"Ingat!" Sabi ko.

Kilala ako ni Kristine? AAAYYYIIIEEEE!!!! Ako na siguro yung knight in shining shimmering glittering sparkling armor niya! I believe in fairy tales and happy endings, na lahat ng girls ay may meant to be na prince charming, at ako ang Prince Charming ni Kristine.

[A/N: Tinamad ako kahapon eh, sorry na po! xD New character! Emerghed. hirap nanamang isingit ang POV nito! xD joke lang, sana nag enjoy! VOTE SHARE AND COMMENT GUYS! lovelots~]

Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon