Chapter 7: Kuyang Pogi

76 12 4
                                    

Sa isang banda ng utak ko, nag iisip ako kung sino ung nasa harapan kong tao.

"Ahm... Kuyang Pogi, nakita na kita noon e! Kilala kita. Parang pamilyar ka saken e. Ano nga ulet pangalan mo?"  Looks familiar. Ano ba!? Brain! Brain! Brain! Gumana ka naman kahit ngayon lang! Please namsn o!!

"Di naman siguro Kristine, kaibigan ako ni Johann. Sa totoo lang ako ang bestfriend nya e." Ha!? Bestfriend? May kaibigan naman pala tong si Savior Johann.

"Eh sino ka nga Kuyang Pogi? Ah! Ikaw un! Ikaw ung laging kasama ni Johann!" Oo siya nga yun!

"Wait, pano mo nalaman? Inii-stalk mo ba siya!? O ako ang inii-stalk mo!?" Wow ha! Assuming kuya!? Pogi nga feelingero naman!

"Eew! As if naman no! Hinding hindi ko siya ini-stalk! At isa pa hindi kita maii-stalk kase di naman kita kilala! Feelingero! Assuming!" *taray ko!* hahaha.

"Okay. Ako nga pala si Stav." Anudaw!? Stav!? Lufet ng pangalan mo kuya! Di ko ma-take! Huhuhu.

"Ah..." Un lang nasabi ko. Ang napakagandang sagot pag walang maisip na sagot. Ah... Putek. Hahahaha.

"Stav, ano ba nangyare kay Johann? Sabi kasi ni Shen may nangyare daw." Kahit hindi ako interesadong itanong un e natanong ko. Kusang lumabas sa bibig ko!

"Wala naman nangyare kay Johann. Pero may kakaiba siyang kinikilos e, naging sensitive! Halos puro pag gigitara na lang inaatupag niya at pag kanta." Ano kaya nangyare dun!?

"Bakit naman? Dapat alam mo yun kase bestfriend mo siya." Hayy Johann. Ano ba nangyayare sayo?

"May liligawan yata e! Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganto. " Huh? Sino naman liligawan nun?

"Sino?" Tanong ko.

"Bakit, selos ka no!" Ano!? Ako mag seselos!? Yuck!

"Di no!" Kadiri naman neto!

"Ako na lang kaya manligaw sayo? Mabait ka, maganda, at bagay naman tayo." Teka! Anong naisipan neto? Niloloko yata ako nire e!

"Hu! Mamaya saktan mo lang ako!" totoo naman ah!

"Kung ayaw mo de wag! Pengeng number mo!" Hoy Stav! Wag ka ngang ngumiti! Nakakainlab ka e!

"09..." ano ba yan! Lagi nyo namang kina-cut ung sasabihin ko!!

"Stav, anong ginagawa mo kay Kristine?" Si Johann un a!

"Wala. Hinihingi ko lang number niya." Sabi ni Stav kay Johann.

"Totoo ba un Tin?" Oo naman! Para namamang may gagawin kami ni Stav dito no!

"Oo naman." Kasama pala ni Shen si Johann. Bakit kaya?

[A/N: Bitin ba ang Chapter 7? Hahahaha xD Tignan natin sa Chapter 8. XD sorry kung maikli ung mga Chapters! Hope you understand! :) Salamat sa pagbasa! Vote and Comment please! Salamat!]

Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon