Ung nangyare sa classroom nung may sakit ako? Wala na un. Kinalimutan ko na yun. Ako kinalimutan ko na. Ewan ko lang ung mga kaklase ko! -__- Pero malabo nilang makalimutan un. Araw araw ba naman kasing topic sa room un eh! Nakakaasar! Pero di ko naman sila pwedeng pigilin, gusto nila un eh. Baka kung ano pa magawa ko no! Magkakagulo ang buong klase! At isa pa hindi pa ako pumapasok simula nung nangyari ung pangyayari na un! Halos 1 week din akong absent, pero bukas papasok na ako bukas. Monday kase bukas eh
*toot-toot toot-toot*
Oh? Sino naman kaya ang nagtext sakin? Sure ako group message lang un ng mga kaklase ko. Pero pagkatingin ko hindi naman, teka! UNKNOWN NUMBER TOH AH! Hello daw! with matching smiley face! SUS! Mareplyan nga, Uhm... Hi! Uhm.. unknown number po kase kayo eh, sino po kayo? HOY KRISTINE ALEXA BULAN! HINDI MO AKO KILALA!?? Uhm.. SYEMPRE HINDI KO KAYO KILALA! ITATANONG KO BA KUNG KILALA KITA, joke. Di po kita kilala eh? HU U BA KASE! Ah, hahaha sorry na, ako lang naman ang savior mo! xD Savior ko? Superman!? IKAW BA YAN!! GAGI KA KRISTINE! SI JOHANN TO!
OMG. Pano nya nakuha ung number ko!? *After 1 hour* Oh Kristine, di ka na nagreply! Woi! Bakit ba ayaw mo kong replyan? Nagpakilala lang ako tas di ka na nagreply, diba friends na tayo? Text ni Johann sakin. Ano kaya ang naisipan nung lalaking yun at tinext ako ng bigla bigla? Sus. -__- Saan naman kaya nya nahalughog yung cellphone number ko? -__- Ish... Di ko muna rereplyan tong lalaking toh! Tatanungin ko muna siya kung saan nya nakuha ung number ko! Matutulog na ko kase gabi na!
*Pagdating sa School*
Himala ah!? Bakit wala pa si Savior Johann ko!? Ayiee!!!! Gosh! Sinabi ko lang un nagtilian na ung mga kaklase ko! Sa sobrang kilig pinaghahampas ako! Sabi nga nila, "Pag ang kaibigan mo kinilig, humanda ka sa hampas nilang automatic!" I think that's true. -__- Ayiee!! Si Kristine umeebeg! Sabi ni Kamaye. YUCK! Sabi ko, YUCK means Yun Ung Crush Ko! Ayiee!! Kristine ha! May feelings ka pala kay Johann di mo sinasabi!! Sabi ni Michael, ang sweet kong bestfriend na lalaki. Sus lubayan mo ako Michael!
*Dumating na si Savior Johann*
Lumalapit si Johann saken, My Gash! Mga kaklase ko makatili parang walang bukas! Oy Lampayatot! Bakit di mo ako nireplyan kagabi! Sabi ni Johann saken. Sus kailangan ko ba talagang sagutin un!? Natulala na lang ako kung sasagutin ko ba ung tanong nya o hinde, wala akong marinig! Parang tumigil ung mundo ko! Tapos! Tapos! Bumibilis ang takbo ng puso ko! Nagiinit na ung buo kong katawan! Pero bakit ko to nararamdaman!?
Woi Kristine! Sabay batok sakin ni Michael. Ano!? Magco-collapse ka nanaman ba!? Ish.. napapadalas na yan ah! Natutulala ka! Uy Michael, diba may girlfriend ka na? Sabihin mo nga sakin kung pano mainlove? Sus sus sus! Umiibig si Bestfriend oh! Gagi ka Michael! Tinanong ko lang ih! Pano naman kase ang lagi na lang nating pinag uusapan eh ako tsaka si Savior Johann!
Okay, kalma! Puso mo ninakaw ni Savior Johann mo! Binatukan ko si Michael! Sino ba naman ang hindi maiinis dun! Ano na kase Michael! Teka Kristine? Bakit ba gustong gusto mong malaman!? Michael makulit tayo eh noh? Try mong uminom ng gamot para sa amnesia mo! Kakasabi ko lang eh! Pano nga kase kaming dalawa na lang ni Johann ang laging topic sa room na to! Para maiba naman noh!
Anubayan! -___- Dumating na ung teacher namin. -___- Tin, maya na lang recess, sabi ni Michael. Oh sige, sabi ko naman.
Okay class! Get your quiz notebooks! May surprise quiz kayo ngayong araw na to. Ha!? Surprise quiz! Maam di kami prepared! Surprise nga diba! Sabi ni Ram. Class madali lang ang quiz nyo ngayon, Algebraic Expressions ang topic ngayon. Ah, medyo okay naman ung quiz namin, favorite subject ko kase ang MATH.
Pass your papers finish or not yet finish, NOW! Buti na lang nakatapos ako. Nakakakaba tong quiz na to ah! Pero nagutom ako, matawag na si Shen. Shen! Tara kain na tayo, ah sige! Hintayin lang daw natin si Michael! Satin daw sya sasabay ngayong kumain! Ah, okay sige! Hintayin ko na lang kayo sa canteen!
*Pagdating ko sa Canteen*
Kristine!! Si Savior Johann nanaman!? O bakit? Wala lang, wala ka bang kasabay kumain? Sabay na lang tayo, wala din kase akong kasabay eh. Ah meron akong kasabay, si Shen tsaka si Michael, Pero okay lang na sumabay ka samin. Ah ganun ba? Okay lang talaga na kasabay nyo ako? Oo naman! Friends naman tayo eh. Ah, thank you! sabi ni Johann with matching smile na abot hanggang tenga.
Johann, may tatanong lang ako sayo ah. O sige, ano ba yun? Pano mo nalaman ung number ko? Ah yun ba!? hiningi ko un kay Shen, kakamustahin sana kita kase 1 week kang hindi pumasok. Ah, sorry kung hindi kita nareplyan ah, natulog na kase ako eh. Okay lang un. Kristine! Nandito na kami ni Michael! Bili na tayong pagkain! Sige pupunta nako! Uy Johann, dyan ka lang! Bibili lang kami ng pagkain ah. Sige!
Hoy Kristine! Bakit mo kasama si Johann? Ah, wala daw kase syang kasabay kumain, eh nakita ako. Dahil wala kayo, sabi nya na pwede ba daw syang sumabay satin. Sabi ko Oo naman. Ahh, kala ko kung ano na! Tumawa ng malakas si Shen at Michael! Asar!
Uy Shen, ano ba bibilin mo?Pagkain malamang. Loko! Anong pagkain kako! Ahm, Spaghetti and barbecue? Ikaw? Ganun din. Eh ikaw Michael? Ano bibilin mo? Spaghetti at dalawang barbecue. Sus, takaw mo talaga! Sabi ni Shen, bakit ako lang ba? sabi naman ni Michael, tas tumawa kaming tatlo. Di namin alam na nakatingin pala si Johann.
Hello Johann! Sorry kung natagalan kami sa pagbili ng pagkain. Eto kasing si Kristine at Shen eh! Pinagtripan ako! Woi! anong pinagtripan ka! Kami nga pinagtripan mo eh! Hahahaha . Sabi ko naman kay Michael. So Johann, kailan mo balak ligawan tong si Kristine? Sabi ni Michael. Woi Michael! Gagi ka talaga! With matching hampas and sampal. Sorry sa sinabi ni Michael Johann. Sabi ko. Ah, okay lang un.
Uy Johann, bakit parang masayahin ka na lagi? Di ka naman ganyan dati ah? Sabi ni Shen. Ah na-realize ko lang ung sinabi ni Kristine na dapat enjoyin lang ang buhay at ang highschool life. Pero teka, may crush ka na ba!? Sabi ni Michael. Ah, Oo naman! Hahahaha . Nagkatinginan kaming tatlo, Sino naman un? Sabi ni Shen. Ah, Secret muna. Hahahaha . Nye, inintriga ako ni Johann. Ah, bakit naman secret? Sabi ko. Ah basta. Oh sige tara na, tapos naman na tayong kumain eh, sa room na lang tayo magkuwentuhan!
Ah sige, isosoli lang namin tong piangkainan namin, wait lang. Sige. sabi ni Johann.
Shen, bakit mo binigay number ko kay Johann? Wala! Hiningi nya eh! Syempe ibibigay ko! May problema ba dun? Ah wala naman.
*Class Dismissed*
Shen sino susundo sayo? Ahm sabi ni Daddy susunduin nya ako. Gusto mo sumabay ka na? Isang kanto lang naman ng bahay nyo sa bahay namin eh. Ah hindi wag na, susunduin ako ni Mama eh, Oh ayan na pala si tito eh! Hi tito! Hello Kristine! Ano kamusta ka na? Sabi samin ni Shen na 1 week ka daw absent ah, okay ka na ba? Ah, okay na po ako tito! Ano sasabay ka ba samin ni Shen? Ah hindi na po, sa susunod na lang po! Susunduin daw po ako ni Mama ih. Ah ganun ba? Sige mauna na kami ah! Sige po! Bye Tin! Ge, Bye din Shen and Tito!
*toot-toot toot-toot*
From: Mama
Tin, di muna kita masusundo ah, pano kase may dumating na client dito si mama sa opis eh, sa susunod na lang kita susunduin, sumabay ka na lang muna kala Shen ah. Love you Tin.
*end of text*
Hala! Ano ba yan! Kung kailan umalis na sila Shen tsaka ka nagtext ma! Huhuhu! Sa tingin ko maglalakad ako pauwi dahil di ako marunong magcommute!
*Habang Naglalakad Ako*
Wat!? Umulan pa! Wala pa naman akong dalang payong! Shimay. Lumalakas ung ulan! Ayoko ng magkasakit! Oh? Bakit huminto ung kotse? *Bumaba ung window ng car* Miss, sumakay ka na dito sa kotse at ihahatid na kita. Huh? Di ko naman sya kilala eh! Ah sorry po, di ko po kayo kilala eh, Miss sumakay ka na, wala ka ng magagawa, malakas na ung ulan. Oo nga, wala akong magagawa kaya kailangan ko ng sumakay.
Ahm.. Kuya parang mali ung direksyon na pinupuntahan naten, Miss wag ka ng maingay. Ano to Holdup!? TULONG!! HOLDAP!! HINOHOLDAP AKO!! Miss, hindi kita kinoholdup. Kumalma ka nga. Saan ba kase tayo pupunta! Tumahimik ka na lang muna Miss, Please lang! Okay okay! Miss wag ka ng magsalita! Malapit na tayo!
Saan ba talaga kami pupunta!? Miss nandito na tayo. Huh!? OMG, Daig pa Restaurant sa laki ng bahay!? Kuya, kanino po ba tong bahay? Tsaka bakit nyo po ako pinapayungan!? Ako na po, kaya ko naman dalin ung payong eh. Hindi pwede Miss, pumasok na po tayo sa loob.
[A/N: Hello! Salamat sa mga nagbabasa ! Wala naman ako masyadong sasabihin e xD ahm... please Vote and Comment ! Wala namang mawawala diba? Salamat! :)]
BINABASA MO ANG
Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)
RomanceSabi nila, "Love is Blind." Pero hindi ako naniniwala dun no! Kase nagpapakatanga lang tayo sa taong mahal naten e! Eh yun nga kase ang epekto ng love! NAKAKASAKIT! NAKAKAIYAK! Walang pakialam kung makakasakit o hindi! Bakit ba naman kase ginawa ang...